Nang tuluyan siyang makalabas sa condo ni Marco ay napahagulgol siya. Bakit ganoon? Kung kailan handa na siyang mag-move on, tiyaka naman ito nagpapakita ng pag-aalala sa kan'ya? Mabilis siyang napakapit sa may pader nang makaramdam na naman ng pagkahilo. She really feels weird, may sakit na ba siya? Malapit na ba siyang mamatay? Dahan-dahan siyang naglakad habang nakasuporta sa pader hanggang sa tuluyan siyang makasakay ng taxi. Pero nasa tapat pa lamang siya ng building ng condominium niya ay mabilis na siyang natumba at tuluyan na namang nagdilim ang kan'yang mga paningin. Nang magising siya ay mabilis siyang nasilaw sa liwanag. Nang tignan ang paligid ay nasa may hospital siya. "Ma'am? Okay na po ba kayo? Meron po ba kayong kapamilya na pwede namin kontakin?" Biglang tanong sa

