Kinabukasan ay maaga siyang umalis para makipaglibing. Napag-alaman kasi niyang 8am ang libing ng mommy ni Sab. Nang makarating sa may sementeryo ay kitang-kita niya si Sab kasama ng kuya nito. Kuya niya ba talaga ito? Bakit wala ang mga itong pagkakahawig? Hindi muna siya lumapit sa mga ito at binigyan ito ng pagkakataon para magluksa. Pagkatapos ng libing ay mabilis siyang lumapit at awtimatikong niyakap si Sab. "My condolences for your loss, Kate" Kate ang tawag niya rito dahil mas gusto niya itong tawagin sa second name nito. Nang makarinig ng tikhim at mabilis siyang napahiwalay rito. Nang tignan ay kita niya ang seryosong mukha ng kuya nito. "My condolences, bro" Baling din niya rito. "Salamat" Walang emosyong sagot naman nito sa kan'ya bago bumaling kay Sab. "Let's go, gus

