"Mikah, pinipilit ko naman e. Pinipilit ko na magustuhan ka. Pero bigyan mo pa ako ng panahon" Malungkot na sabi nito at akmang lalapit sa kan'ya nang pigilan niya ito. "Please Marco, huwag kang lalapit" Mahinahong sabi niya. Tama na ayaw na niyang magalit. Ayaw na niyang magpagod pa sa wala. "Mikah, please. Listen to me first. Hindi ba ay sabi ko ay dadahan-dahanin natin? Mikah, it's still too early para magpaka-paranoid" Seryosong sabi ni Marco na siyang ikinangisi niya. "At ano? Paasahin mo ako sa wala? Na paniniwalaan mo ako na darating ang araw na magugustuhan mo ako? Paano kung hindi mangyari iyon? Paano na ako?!" Matigas na sabi niya. "Bakit ka ba nagkakagan'yan? Tell me, do you like me?" Seryosong titig nito sa mga mata niya. "E gago ka pala talaga e no?! Matapos mo akong bar

