Saturday ngayon at wala silang pasok ni Marco pero kailangan nitong magpunta sa university para sa awarding ng mga nanalo sa mga contest nang intramurals. Minabuti niyang umuwi muna para kumuha ng mga damit niya, napag-usapan kasi nila ni Marco na roon muna siya sa condo nito tutuloy. Nang matapos makapagligpit ay mabilis na rin niyang ni-locked ang condo at lumabas. Pero nagulat siya nang makita si William doon. "Will? What are you doing here? "Well, wala kasi akong magawa. Gusto sana kita ayain mag-mall since malungkot mag-celebrate mag-isa" Nakangiting sabi nito. Bigla siyang natigilan at napaisip. Nang biglang nanlaki ang mga mata. "Omg! I forgot! Happy Birthday, Will!" At mabilis itong niyakap. "Thank you, Miks. So tara?" Ngiti nito Nang biglang matigilan nang biglang maalal

