Chapter 33

1058 Words
[RAFAELA'S POV] "Ako na ang magdadala niyan para sa 'yo." ani Lance at kinuha niya ang aking bag na may mga lamang importanteng gamit ko. Ito ang unang araw ko sa condo ni Lance. Kahit nalulungkot akong mawalay sa pamilya ko ay kailangan ko 'tong gawin para protektahan sila laban sa kumalat na issue. Hindi naman sila pababayaan ni Kuya Rafael kaya medyo kampante akong magiging maayos sila. Nakapagpaalam na rin ako kina Mama at Papa tungkol dito. Nakapagtataka nga dahil pumayag sila kahit hindi nila kilala si Lance. Kung sabagay, artista pala si Lance kaya kilala na nila ito. "Come inside Rafaela. Feel at home." ani Lance. Pagkapasok namin sa loob ay umupo ako sa couch at tiningnan ang paligid ng condo niya. Parang may nag-iba. Mas maayos na ito kumpara noong huli kong punta rito. "Nakahanda na ang kwarto mo sa pagtulog mo mamaya. May mga gamit din do'n na pwede mong gamitin. Just tell me if you need something." he said. Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ko 'yon. "O-okay." Pinuntahan ko naman ang kwartong tutulugan ko at halos mapanganga ako sa mangha nang makita ko ang kabuuan nito. Pink and white ang theme. Malaki ang kamang tutulugan ko. May malaking flatscreen. May bookshelf din na may mga CD at mga libro. Halatang pinaghandaan niya 'to. Ang ganda! "Do you like it?" narinig kong tanong ni Lance. Masayang tumango naman ako. "Sobra." "May sarili ka ring banyo na pwede mong gamitin anytime. Kumpleto rin ang mga gamit do'n." ani Lance. Pagkatapos kong makita ang aking kwarto ay pumunta naman kami sa kusina. "Do you want to eat something? I will cook it for you." Lance asked. "A-ah! Hindi na. Busog pa ako." pagtanggi ko. *pruuutttt* Pero natigilan ako bigla nang tumunog ang tiyan ko sa gutom. Waaaaaaa! Nakakahiya sa kanya! "Well it looks like you're hungry. I'll cook ramen for you." sabi ni Lance na may nakakalokong ngiti. At nagulat na lang ako nang makita ko siyang naghubad ng damit at sinuot ang apron. "Para hindi madumihan." he winked at me. Madumihan? May apron naman siyang suot kaya paano madudumihan ang damit niya? Ang bobo niya sa part na 'yon. *** Kinabukasan ay hindi pa rin humuhupa ang issue. Hanggang ngayon ay trending pa rin ito sa social media lalo na ako. "What the f**k are you doing here?" gulat na tanong ni Lance nang makita niya si Kisses na may dalang maleta. "I'm staying here." sagot ni Kisses at walang paalam siyang pumasok sa loob. "What? No way! Hindi ka pwede rito." pagpipigil ni Lance kay Kisses. "Hindi ako pwede rito para masolo mo si Rafaela. Hoy Lance Jerold Kim. Kung ano man ang binabalak mo sa bestfriend ko ay pipigilan kita. Babantayan kita 24/7." ani Kisses. "W-what are you talking about Kisses?" si Lance. "What are you talking about mo mukha mo. Mas okay nandito ako. Well at least safe siya sa 'kin. Wala akong tiwala sa mga lalaking gaya niyo. Napagdaanan ko rin 'yan dati kay Jameson." Ha? Anong pinagsasabi ni Kisses? Hindi ko siya ma-gets. "I'm not like him Kisses. Hindi ako nang-iiwan ng babae." inis nang sabi ni Lance. "Weh! 'Di mo sure. Pero hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Wala akong tiwala sa 'yo kapag dalawa lang kayo sa condo mo. Baka kung ano ang gawin mong kababalaghan sa kanya lalo na sa gabi." ani Kisses na ikinalaki ng mga mata namin ni Lance. Gets ko ang sinabi niyang 'yon. "What? f**k! You're wrong. Kung ano man ang nasa isip mo ay mali ka. Magkahiwalay ang kwarto naming dalawa kaya imposibleng mangyari 'yan." "'Wag ako Lance. Hindi mo ako maloloko. Nahuhuli ka pa nga kitang hinahalik-halikan ang picture ni Rafaela sa phone mo kaya hindi mo ako mapapaniwala." Nagulat naman ako nang marinig ko 'yon. Totoo ba ang sinabi ni Kisses? "Don't listen to her baby. She's lying." ani Lance sa 'kin. *shock* A-anong tawag niya sa akin? "At tinawag mo pa siyang baby kahit wala pa kayong label? Iba rin ang galawan mo." ani Kisses at tumingin siya sa 'kin. "I'm just joking on the part na hinahalik-halikan niya ang picture mo sa phone niya. But still be careful to Lance. Kahit na gentleman yan, there will always be a dark side in every person." sabay kindat sa 'kin ni Kisses. "Shut up Kisses. Okay, you can stay here. But you have to follow my rules if you want to stay." - Lance "Okay, madali naman akong kausap." tugon ni Kisses. "Is it okay with you baby kung mag-share kayo ng kwarto ni Kisses?" tanong sa 'kin ni Lance. Ayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng baby. "Pero kung ayaw mo, you can sleep on my bed beside me. I won't mind if we share my ro--." "Hoy Lance! Anong 'you can sleep on my bed beside me'? No no no! Hindi pwede 'yang sinasabi mo!" pagputol ni Kisses sa sinasabi ni Lance. "My condo, my rules." ani Lance na animoy siya ang mas makapangyarihan sa kanilang dalawa. "Isumbong kaya kita sa parents niya. Tingnan na lang natin kung makakasama mo pa siya rito." panghahamon ni Kisses. "Hehehe! Just kidding." biglang tumiklop si Lance. Zzzzzzzzzz... *** Isang linggo ang nakalipas at ganoon pa rin ang sitwasyon ko. Nakakulong pa rin ako sa condo at hindi makapasok sa school. Pero buti na lang at nandyan si Lance para tulungan ako. Kahit na hindi ako pumapasok sa school ay sinisiguro niyang makaka-catch up ako para hindi bumagsak. Although kailangan kong umattend para sa performance task namin nina Kuya Rafael at Lucas na magperform ng sayaw at kanta. "OMG! It's her again." hindi makapaniwalang sabi ni Kisses. Kunot noo naman akong napatingin sa kanya at nakita ko siyang nanonood ng TV. Napatingin naman ako sa pinapanood niya. Nakita ko sa TV si Elisa na iniinterview ng mga reporters. "Is it true na naghiwalay kayo ni Lance dahil sa Rafaela na 'yon?" tanong ng isang reporter sa kanya. "Huhuhu! It's true. Lance broke up with me because of that girl. Ang mas masakit doon, tinuring kong kaibigan si Rafaela. I thought we are good friends. I was wrong. She just used me para mapalapit siya kay Lance." Napaawang naman ang bibig ko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Parang may kung anong kumirot sa aking puso. Elisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD