Chapter 34

1211 Words
[RAFAELA'S POV] "Hay as usual, gumagawa na naman siya ng kwento para manira ng kapwa. Nakakainis talaga 'yang babaeng 'yan." inis na sabi ni Kisses. Ako naman ay tulala pa rin at hindi maka-get over sa sinabi ni Elisa. Bakit sinabi niya 'yon sa harap ng mga media? Akala ko ay mabait siya. Sa tuwing nakakasalubong ko siya ay lagi siyang naka-smile sa 'kin at ang sweet pa niya. Pero 'yong napanood ko kanina. Bakit nagsinungaling siya? Akala ko ay magkaibigan na kaming dalawa. "Ayos ka lang ba Rafaela?" narinig kong tanong ni Kisses. Pero hindi ko siya sinagot. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako. "Nagtanong pa talaga ako. Kitang-kita namang hindi siya okay." ani Kisses. Napailing na lang ako at pinilit kong hindi maiyak. Tama nga si Jameson. Hindi siya kasingbait sa inaakala ko. May suot siyang maskara at doon nakatago ang kanyang totoong kulay. "Wag kang panghinaan ng loob Rafaela. Malalampasan din natin 'to. Ganyan talaga ang bruhalditang Elisa na 'yon. Dahil sa takot niyang malamangan siya ng ibang babae ay gumagawa siya ng way para siraan ito sa mga tao. Mas malala ang pagiging plastic niya kaysa kay Barbie." sabi sa 'kin ni Kisses. "She's right baby. Everything will be alright." narinig kong sabi ni Lance. "Wag mo nga akong tawaging baby?" nakanguso kong sabi sa kanya. One week na niya akong tinatawag na baby. Parang ginawa naman niya akong sanggol. "Alright, love then." nakangising sabi niya. "Yieeeeee! Ang sweet! Bagay talaga kayong dalawa." pangungulit sa 'min ni Kisses. "Yeah. Bagay talaga kami ng baby love ko." at bigla akong inakbayan ni Lance. Ewan ko pero parang kinilig ako bigla. Pero hindi ko 'yon pinahalata at nakanguso lang ako. "Teka, saan ka pala nanggaling? Akala ko ba ay break mo ngayon?" tanong ni Kisses kay Lance. "May kinausap akong isang private investigator na malapit sa 'kin. May nahanap na siyang lead kung sino ang nagpakalat ng picture at nagbanta kay Rafaela." sagot ni Lance na pumukaw sa atensyon ko. "Ha? Nahanap na ang lead? But who? Kilala ba natin 'to? Si Elisa ba 'to?" sunod-sunod na tanong ni Kisses. "No, not her. Well it turns out na ang manager niya ang gumawa no'n para siraan si Rafaela." sagot ni Lance na ikinalaki ng mga mata namin ni Kisses. "Yung manager ni Jameson? How come na siya ang gumawa no'n?" hindi makapaniwalang tanong ni Kisses. "May posibilidad na napag-utusan lang siya. Pero pwede rin namang siya ang gumawa." ani Lance. "P-pero, bakit?" - Kisses "To protect Jameson's reputation." sagot ni Lance. "Ha? To protect Jameson's reputation? Sa ginagawa niya ay baliktad ang nangyayari. He's ruining Jameson's reputation." hindi makapaniwalang sabi ni Kisses. "Kung gusto niyang protektahan ang reputasyon ni Jameson. Ba't kailangan niya akong siraan? Ba't kailangan niyang mangdamay ng ibang tao?" tanong ko. "Dahil gusto niyang mapalayo ka kay Jameson. Sinisiraan niya ang mga babaeng lumalapit kay Jameson dahil mas gusto niya si Elisa ang makatuluyan nito. Ginawa niya rin ito kay Kisses." pagpapaliwanag ni Lance. "Ano? Siya rin ba ang nagpakalat ng mga issue laban sa 'kin?" hindi makapaniwalang ani Kisses. "Yung iba oo. Yung iba ay si Elisa ang gumawa." sagot ni Lance kay Kisses. "I can't believe this. He's nice to me before. Pero simula nang dumating si Elisa ay nagbago na siya. Parang naging guard na siya ni Jameson na pinagbabawalan niya akong lumapit. Paano niya nagawa 'to sa 'kin?" ani Kisses. "Mukhang hindi pa alam ni Jameson ang totoo kaya kailangan natin siyang sabihan tungkol dito." ani Lance. "Ako na ang magsasabi sa kanya." presinta ni Kisses. "Okay, tell him and get out now. Masyado kang istorbo sa 'min." sabi ni Lance at tinulak niya palabas si Kisses. "A-aray ano ba! Kaya ko namang lumabas mag-isa. Masyado kang atat masolo si Rafaela." inis na sabi ni Kisses. Anong ibig niyang sabihin? Nang makaalis na si Kisses ay lumapit naman sa 'kin si Lance. "Konting hintay na lang Rafaela. Malilinis na natin ang pangalan mo." aniya. "Salamat Lance sa pagtulong mo sa 'kin. Kahit naiinis ako sa 'yo dati, tinutulungan mo pa rin ako. Ang laki talaga ng utang na loob ko sa 'yo. Hindi ko alam kung paano kita babayaran dahil hindi ko naman alam ang gusto mo." sabi ko sa kanya. Para nga siyang hero ko dahil lagi siyang nandiyan kapag nasa panganib ako. "Hmm!" Inilagay niya bigla ang isa niyang hintuturo sa baba niya at nag-isip. Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya? "Maybe you can repay me with this." sabi niya sabay nguso sa harap ko. "Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Kiss me." sagot niya at ngumuso ulit. *shock* ANO RAW?! [KISSES' POV] Pagkarating ko sa condo ni Jameson ay agad kong sinabi sa kanya ang nalaman ni Lance. "Kaya pala napapansin kong kakaiba ang kinikilos niya parati dati. Pero hindi man lang ako siya pinaghinalaan." ani Jameson. "May pinaghihinalaan ka bang ibang tao aside sa manager mo?" tanong ko sa kanya. "Merong dalawa." sagot ni Jameson. "Sino naman ang dalawang pinaghihinalaan mo?" tanong ko. "Una ay si Elisa. Expected kong siya ang may gawa nito lalo na 'yong interview niya kanina na kumumbinsi sa 'kin." aniya. 'Yon din ang naisip ko. "Sino naman ang pangalawa?" "Ang boss ko." sagot niya na ikinataas ng isa kong kilay. "Boss mo? How come na siya ang nagpakalat ng issue?" tanong ko kay Jameson. "May nakita akong mga itim na envelope sa office niya gaya ng laging pinapadala sa 'kin at kay Rafaela. Well hindi pa ako sigurado dati dahil baka nagkataon lang na meron siya no'n. Pero dahil sa sinabi mo, kumbinsido na akong hindi siya ang nagpapadala no'n." paliwanag niya. "Ngayon na alam na natin ang totoo. Ano na ang sunod na gagawin natin?" tanong ko sa kanya. "Hahanap tayo ng matibay na ebidensiya na pwedeng ilaban sa kanya. Sa ngayon ay ihahatid muna kita sa inyo." sagot niya sabay talikod. "Ah h-hindi na. Malapit lang naman ang condo ni Lance." pagtanggi ko sa alok niya. Napatingin naman siya sa 'kin. Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Anong ibig mong sabihin?" Oo nga pala, hindi niya alam na nakatira ako ngayon sa condo ni Lance. Sasabihin ko ba sa kanya? "Eh kasi Jameson. Sa condo ni Lance ako ngayon nakatira." sinabi ko na ang totoo. Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata niya. "What? Are you staying in his condo?" Alinlangan naman akong tumango. "Kayong dalawa lang ang nando'n?" tanong niya ulit at halatang naiinis siya. Is he jealous? "H-hindi. Kasama namin si Rafaela." sagot ko. Nakita ko naman ang paghinga niya nang maluwag. "Good. Buti na lang at kasama mo siya." "Are you jealous?" asar kong tanong sa kanya. "Yeah." sagot niya. *shock* Ang straightforward naman niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hapitin sa may baywang. At nagkadikit ang pareho naming katawan. Napalunok ako bigla sa ginawa niya lalo na't ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha namin. "Stay with me." ang sabi ni Jameson na may malumanay na boses. Pagkatapos no'n ay siniil niya ako ng halik. Ako naman ay nanghina. Imbes na pigilan ko siya ay tumugon ako sa halik niya. Sobrang na-miss ko 'to. Hindi ko na namalayan pa ang sunod na nangyari dahil nalunod na ako sa halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD