[RAFAELA'S POV]
*sing*
*sing*
*sing*
"Stop." sabi ko sabay pindot ng pause sa music player.
Tumigil ako sa pagkanta at pagsayaw dahil nakita kong natumba si Lucas.
"Alam kong sinadya mo 'yon Kuya Rafael." narinig kong inis na sabi ni Lucas kay Kuya Rafael.
"Wala akong ginagawa sa 'yo Lucas. Sadyang lampa ka lang talaga bro. Hahaha!" sabi naman ni Kuya Rafael habang humahagalpak sa pagtawa.
Binigyan ko naman sila ng masamang tingin. "Ano ba kayo! Magseryoso nga kayong dalawa! Malapit na ang performance task natin pero asaran pa rin ang inaatupag niyo." asik ko sa kanila.
"Yung kuya mo kasi Rafaela, nanunusok sa puwet." parang batang nagsusumbong si Lucas sa 'kin.
"Kuya! Be serious nga! Nasasayang ang oras natin eh." galit kong sabi sa kanya.
"Pasensiya na Senyora." ani Kuya Rafael na ikinasama ng mukha ko.
Hindi naman ako flat para tawagin akong ganyan.
"Sige na, from the top." pasigaw kong sabi para masindak sila.
Agad naman silang bumalik sa position nila at pinatugtog ko muli ang minus one na kanta.
*sing*
"Ano ba Kuya Rafael!"
Napatigil na naman ako sa pagkanta at pagsayaw nang magsalita si Lucas.
Sinamaan ko naman sila ng tingin. "Please Kuya Rafael. Isantabi mo muna 'yang pang-aasar mo kahit ngayong linggo lang." pakiusap ko kay Kuya.
"Pasensiya na Senyora. Hindi ko kasi mapigilang asarin siya." ani Kuya Rafael.
"Bakit mo kasi pinupuntirya ang p***t ko?" parang batang tanong ni Lucas.
"Wala lang. Pakiramdam ko kasi 'yan ang weakness mo." sagot ni Kuya Rafael na hindi ko naman maintindihan.
"A-anong pinagsasabi mo diyan?" tanong ni Lucas na may pagtataka.
Pero nakakalokong ngisi lang ang tugon ni Kuya Rafael kay Lucas na ngayo'y sunod-sunod na ang paglunok.
'Di ko sila gets.
"Kumain muna kayo mga bata." narinig kong sabi ni Mama.
"Ayos! Gutom na ako." tugon ni Kuya Rafael.
Umupo muna kami para magmeryenda.
"Kumusta ka naman kina Lance, anak?" narinig kong tanong ni Papa.
"Okay naman po. Inaalagaan po niya ako at hindi pinapabayaan." sagot ko kay Papa.
"Buti naman at nasa maayos kang kalagayan kasama ang magiging son-in-law ko." tugon ni Papa na ikinalaki ng mga mata ko.
Son-in-law?
"Pa, anong son-in-law ang pinagsasabi mo diyan?" nakanguso kong tanong.
"Anak, 'wag mo nang pakakawalan pa ang lalaking 'yon. Kung ako sa 'yo ay susunggabin ko agad siya." ani Papa.
"Papa naman." nakanguso pa rin ako.
Nakita ko naman ang pagngiti ni Papa. Parang may inaalala siya. "Noong bata pa lang kayo. Birthday nila noon ni Lucas. Pagkatapos ng handaan ay inamin niya sa aking may gusto siya sa 'yo. Grabe, napabilib ako sa tapang niyang mag-confess." sabi sa 'kin ni Papa na hindi ko naman maintindihan.
Ano ba ang ibig niyang sabihin?
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago." ani Papa at tumayo mula sa kinauupuan niya. "O siya anak, punta muna ako sa banyo." dagdag niya.
Bigla namang pumasok sa isip ko si Lance dahil kay Papa.
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Mag-isa lang ba siya ngayon sa condo?
[LANCE'S POV]
How is she? Hindi ko mapigilang ma-miss siya.
Kumusta kaya ang practice nila? I can't wait to watch it especially her. Lingid sa kaalaman niya ay isa ako sa magiging judges na huhusga sa performance nila. Panget o maganda man ang performance niya ay perfect score ang ibibigay ko sa kanya. Ganyan ko siya kamahal. Hehehe!
Mag-isa lang ako sa condo ko. Wala rin si Kisses dito. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Baka kasama niya si Jameson.
Kahit mag-isa lang ako sa condo ko ay medyo hindi naman ako na-bo-bored dahil sa soju. Nawawala ang stress at bored sa katawan ko sa tuwing umiinom ako nito.
Marami na rin akong nainom na soju at medyo sumasakit na ang ulo ko. Pero nasa katinuan pa rin naman ako.
*tok tok tok*
Nagpantig agad ang tenga ko nang may narinig akong kumatok.
Siya na kaya 'yon?
Pero pagbukas ko ng pinto ay nanlumo ako nang hindi ito si Rafaela.
Si Elisa.
"Ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?" wala sa mood kong tanong.
"I brought you Kimchi. Gusto kong magpatulong about sa script." sagot niya.
"Sa iba ka na lang magpatulong." sabi ko at isasara ko na sana ang pinto nang bigla niyang hinarang ang braso niya.
"Ouch!" ang nasabi niya nang maipit ang kanang kamay niya sa pinto.
"Itabi mo nga 'yang kamay mo?" inis kong sabi sa kanya.
"Wala na akong mahihingan ng tulong. Busy si Jameson at hindi ko siya ma-contact." ani Elisa.
"Hindi ko na 'yon problema." sabi ko at isasara ko na sana ulit ang pinto nang makaramdam ako bigla ng hilo.
Napadami ang inom ko.
"Are you okay Lance? Mukhang lasing ka na." - Elisa
"Yeah, I'm fine. Umalis ka na." I said to her.
Pero lumapit siya sa 'kin imbes na sundin ang sinabi ko.
"You're not okay. Ihahatid na kita sa kwarto mo." sabi niya sabay lagay ang isang braso ko palibot sa leeg niya.
"No, kaya ko na 't..." Pero hindi natuloy ang sasabihin ko nang makaramdam ulit ako ng hilo. Pakiramdam ko ay masusuka na ako.
"'Wag matigas ang ulo Lance. Ih..."
*aaaaccccckkkkk*
Hindi na natuloy ang pagsasalita niya nang bigla akong sumuka sa may damit niya.
Hanggang sa nawalan na ako ng malay.
[ELISA'S POV]
What the...
Did he just vommit?
Eww! Gross.
Sa damit ko pa siya sumuka. Ang mahal nitong suot ko. I bought this from France. Argh!
Biglang sumama ang mukha ko.
Pero dinala ko pa rin siya sa kwarto niya at inihiga sa kama. Nawalan siya ng malay at basa ang damit niya dahil sa suka.
Tinanggal ko naman ang pagkakabutones ng damit niya at hinayaan lumantad sa akin ang katawan niya.
Ang hot niyang tingnan kahit wala siyang abs. Mas desirable tingnan ang katawan niya kaysa kay Jameson na may apat na abs.
Pumunta naman ako sa closet niya para maghanap ng damit na pwede kong suotin. May nakita akong isang puting polo na above the knee ang sukat kapag sinuot ko 'to. Amoy suka na rin ako at hindi ko ma-take ang amoy kahit galing pa ito sa kanya.
Nilinis ko muna ang sarili ko sa banyo niya bago isuot ang polo. Wala na rin akong pang-ibaba dahil nasukahan na rin niya ito. Pero hindi naman kita ang pang-ibaba ko kahit wala akong suot na panty.
Pagkalabas ko ng banyo ay kung saan ko lang itinapon ang suot kong damit. Pagkatapos ay pinuntahan ko ulit si Lance para tanggalin ang suot niyang damit at pants na may suka. Iniwan ko siyang naka-boxer briefs lang. Mukhang malaki ang ano niya. Bakat kasi. Parang gusto ko tuloy hawakan.
Lumabas ako ng kwarto dala ang suot niyang damit at inilagay ko ito sa laundry basket. Nalaglag ko ang suot niyang pantalon sa kwarto dahil sa pagmamadali.
Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng palanggana at tubig para kay Lance.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?"
Natigilan naman ako nang may nagsalita mula sa likod ko. Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Napatingin ako sa nagsalita.
Napaawang naman ang bibig ko nang makita ko ang mukha niya.