[RAFAELA'S POV]
Pagkahatid sa 'kin ni Lucas sa condo ni Lance ay nagpaalam na ako sa kanya.
"Sige, ibibigay ko na lang sa 'yo ang modules na sasagutin mo." sabi sa 'kin ni Lucas bago siya umalis.
Nang umalis na siya ay pumasok na ako ng building para puntahan ang condo ni Lance.
Nang makarating ako sa tapat ng condo ni Lance ay napansin kong bukas ang pinto. Nakalimutan niya yata isara.
Pumasok na ako sa loob at ni-lock ang pinto.
"What are you doing here Elisa?"
May narinig akong isang pamilyar na boses. Sa tingin ko ay galing sa kusina.
"I'm here for Lance. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. What are you doing here?"
"Well, I'm living here. At bakit mo suot ang polo niya? May ginawa ka na naman ba sa kanya?"
"Paano kung sabihin ko sa 'yong oo. Hindi lang ako kundi kaming dalawa. Ginusto namin ang nangyari kaya wala ka nang magagawa pa."
"Napakalandi mo talagang babae ka!"
*pak*
Dali-dali akong pumunta sa kusina. Sino ba ang nando'n?
Pagkarating ko sa kusina ay nagulat ako nang makita ko sina Elisa at Kisses na nagsasabunutan.
"Higad ka talagang babae ka! Kung sino-sino ang nilalandi mo!" sigaw ni Kisses.
"Ikaw ang totoong malandi at higad sa ating dalawa Kisses! Simula nang magkakilala tayo ay inaagaw mo sa 'kin ang mga lalaking gusto ko!" sigaw naman ni Elisa. Halos h***d na siya dahil sa pananbunot sa kanya ni Kisses. Polo lang ang suot niya.
"Mga lalaki? Yang mga sinabi mo ang magpapatunay na ikaw talaga ang tunay na malandi sa 'tin! Mang-aagaw! Ahas." ani Kisses habang sinasabunutan pa rin si Elisa. Pero nakita kong mas malakas si Elisa.
Doon lang ako natauhan nang makita kong sinasakal na ni Elisa si Kisses.
"Mamatay ka nang babae ka!" sigaw ni Elisa na parang baliw na siya.
Agad kong nilapitan si Elisa para awatin siya.
"H-hindi *cough* a-ako *cough* m-makahinga." narinig kong nahihirapang sabi ni Kisses.
"Tama na Elisa!" pag-aawat ko sa kanya. Pwersahan ko siyang inilayo kay Kisses. Masyadong malakas ang pagkatulak ko kaya natumba siya.
*cough cough* - Kisses
Napalapit naman ako kay Kisses nang marinig ko ang pag-ubo niya.
"Ayos ka lang ba Kisses?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"S-she's crazy." sagot niya nang makahinga na ito nang maluwag.
"Ikaw pala Rafaela. Sakto at nagkita tayo." narinig kong sabi ni Elisa.
Napatingin naman ako sa kanya. Naalala ko ulit ang ginawa niya. "B-bakit Elisa? Bakit nagawa mo 'yon?"
"Napanood mo pala ang news." nakangising aniya.
"A-akala ko Elisa, magkaibigan tayo." malungkot kong sabi.
"Magkaibigan? Haha! No way. Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga losers na gaya niyo. Kinaibigan lang kita para makakuha ng pwedeng ikasira ng image mo. Ngayon na sira na ang image mo ay hindi ko na kailangan pang makipagplastikan sa 'yo." sabi niya sa 'kin.
Napakuyom ako dahil sa galit at lungkot. "Napakasama mo!"
"Yes, and I'm more attractive than you. No wonder that me and Lance ended on his bed." aniya na ikinatigil ko.
"A-anong ibig kong sabihin?" Hindi ma-process ng utak ko ang sinabi niya.
"Lance will never be yours Rafaela. Sa tingin mo ba ay magkakagusto siya sa 'yo? In your dreams. May nangyari na sa aming dalawa." ani Elisa.
Parang may dumurong sa puso ko. Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya.
"H-hindi totoo ang sinabi mo Elisa." sabi ko sa kanya.
"Rafaela..." narinig kong tawag sa 'kin ni Kisses.
"Why don't you asked him? Puntahan mo siya sa kwarto niya." tugon naman ni Elisa.
Hindi ako tumugon at pinuntahan ko ang kwarto niya.
At halos tumigil ang mundo ko.
Pagkarating ko sa kwarto ay nakita ko si Lance. Mahimbing na natutulog at naka-boxer briefs lang siya. Nakita ko rin ang nakakalat na kasuotan ni Elisa sa sahig at pati na rin ang pantalon ni Lance. Marahil ay suot ni Elisa ang polo niya.
"H-hindi... hindi..." nasasaktan kong sabi. Pakiramdam ko ay may bumiyak pa lalo sa puso ko dahil sa nakita ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Wala namang kami 'di ba?
Pero hindi ko matanggap.
Ang sakit sa puso. Parang gumuho ang mundo ko.
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon ko lang na-realize na mahal ko na siya?
Kung kailan huli na ako.
[LANCE'S POV]
"Ugh!"
Napaungol ako nang inimulat ko ang aking mga mata.
Ang sakit ng ulo ko. Naparami ang inom ko kagabi. Kailangan kong kumain ng ramyeon para mawala ang hangover ko.
Bumangon na ako mula sa kama at pumunta sa closet para kumuha ng masusuot ko.
Hindi ko alam kung bakit nakahubad ako. Hindi naman ako ang tipong natutulog nang nakahubad. Siguro ay nainitan lang ako dahil sa dami ng ininom ko. At hindi ko rin matandaan kung paano ako nakatulog.
Pagkalabas ko ng kwarto ay pumunta ako sa kusina para magluto.
Pero pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Kisses na nagluluto.
"Gising ka na pala. Malapit nang maluto ang ramen mo." ani Kisses. Pero napansin kong seryoso at may halong galit ang pagkakasabi niyang iyon.
May problema ba siya?
"Si Rafaela?" tanong ko sa kanya.
"Wala siya." sagot niya at ganoon pa rin ang boses niya.
"Saan naman siya nagpunta?" nagtatakang tanong ko.
"Umalis na siya. Hindi na siya babalik dito." sagot ni Kisses na nagpantig sa tenga ko.
"A-anong sabi mo?" hindi makapaniwalang aniko.
"Umalis na siya. Hindi na siya babalik dito." pag-uulit niya.
U-umalis siya?
"B-bakit? Pinauwi na ba siya ng parents niya?" tanong ko kay Kisses.
Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa 'kin?
"Sa akin mo pa talaga 'yan tinanong Lance. Ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo. Bakit? Ano ba ang ginawa mo kagabi para lumayas siya?" galit niyang tanong.
"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya.
"Sa totoo lang, ayokong maniwala eh. Kasi naabutan namin ni Rafaela si Elisa dito sa condo mo." aniya na ikinatigil ko.
Nandito kagabi si Elisa?
Nag-flashback sa isip ko ang nangyari kagabi. Natandaan kong bumisita kagabi si Elisa. Pumasok siya sa loob ng condo ko... At... at...
Wala na akong matandaan pa.
"Hindi ko matandaan ang nangyari kagabi." ang nasabi ko.
"Siguro lasing ka kaya hindi mo natandaan ang mga pangyayari kagabi. Pero hindi 'yon excuse para gawin niyo 'yon ni Elisa." galit pa ring sabi niya.
"A-ano bang ginawa namin?" kinakabahang tanong ko.
"Malay ko. Sinabi sa 'min ni Elisa ang ginawa niyo kagabi. Pero ayokong maniwala sa kanya dahil hindi lang siya malandi kundi sinungaling din siya. Gusto ko ay manggaling sa 'yo ang katotohanan." ani Kisses.
Inalala ko muli ang nangyari kagabi pero wala talaga akong matandaan.
[B.M.'S POV]
"Ang galing mo talaga Elisa. Hindi ko akalaing nauto mo ang dalawang 'yon." sabi ko sa kanya at ininom ko ang alak na nasa hawak kong baso.
"Of course, ako pa ba? I'm the best. At isa pa, madali lang naman sila utuhin dahil masyado silang bobo." ani Elisa na nakakandong sa 'kin ngayon.
Hinawakan ko naman ang isa niyang dibdib at hinimas ito. "Ang lahat ay umaayon sa plano natin."
"Hmm! Yeah! Akin lang sina Jameson at lalo na si Lance. Hindi ko hahayaang mapunta sila sa dalawang loser na 'yon. Ugh!" aniya habang umuungol dahil sa ginagawa ko.
Bumaba ang kamay ko sa gitna ng hita niya. "What's your next plan?" I started to finger her.
"Ooohhh! Buntisin mo ako." sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"What did you say?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"I said buntisin mo ako. That's the next plan." pag-uulit niya.
Napangisi naman ako dahil do'n. "I like that idea."
Pagkatapos ay hinalikan ko si Elisa.
Hanggang sa binalot na kami ng matinding init sa isa't isa.