[RAFAELA'S POV]
Lumipas ang ilang araw. Simula noong umalis ako sa condo ni Lance ay hindi ko na ulit siya nakita. Pero hanggang ngayon ay mainit pa rin ang mga mata sa 'kin ng mga tao. Hindi pa rin humuhupa ang issue sa pagitan naming tatlo nina Lance at Jameson. Pero wala na ako dapat ikatakot pa. Handa na akong harapin ang mga paratang na ibinibintang nila sa 'kin.
"Sigurado ka ba rito anak?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Mama.
"Opo Mama, hindi pwedeng manatili lang ako rito sa bahay. Kailangan ay may gawin ako para matapos na 'to." sabi ko sa kanya.
"Sige anak, mag-iingat ka. Sana ay matapos na ang lahat ng ito at mamuhay na tayo nang mapayapa." ani Mama.
Humalik muna ako kay Mama bago umalis.
Kaya mo 'to Rafaela.
Pagkarating ko sa Dela Cruz University ay nakita ko ang pagkagulat ng mga estudyante nang makita nila ako.
"OMG! She's back."
"Ang kapal din ng mukha niyang bumalik pa rito."
"May mukha pa pala siyang inihaharap?"
"Eww! Dapat hindi na siya nagpakita pa rito."
"Isa siyang malaking s**t at kahihiyan."
Napapikit naman ako dahil sa naririnig kong mga masasakit na salita. 'Wag kang magpaapekto sa mga sinasabi nila Rafaela.
Nang makarating ako sa room ng first subject ko today ay nagsitahimikan naman ang mga classmates ko nang makita nila ako.
"Rafaela." narinig kong tawag sa 'kin ni Lucas.
Lumapit naman ako kay Lucas at umupo sa tabi niya.
"Bakit hindi mo ako ininform na papasok ka na pala?" tanong niya.
"Biglaan ang desisyon ko kaya hindi ko nasabi sa 'yo." pagdadahilan ko.
"Buti naman at nakabalik ka na. Alam mo bang namimiss na kita? Hindi kompleto ang araw ko rito sa school kapag wala ka." ani Lucas.
"Aww! Na-tats naman ako sa sinabi mo." sabay hawak sa dibdib ko.
Inakbayan naman niya ako. "Sabay tayong mag-lunch mamaya. Dapat tayong dalawa lang. Ayokong kasama ang kapatid mo."
Napakunot naman ang noo ko. "Bakit naman?"
"He's creepy. Kung ano-ano ang pinapagawa niya sa 'kin." ani Lucas.
"Ano naman ang pinapagawa niya sa 'yo?"
"Katulad ng pag-aya niya sa 'kin sa ban..."
"Rafaela?"
Napatingin naman ako sa tumawag sa 'kin.
"Rafael." tawag ko sa kanya.
"A-anong ginagawa mo rito? Dapat nasa bahay ka. I mean dapat doon ka lang sa bahay niyo." sabi sa 'kin ni Kuya Rafael. Ang seryoso ng tingin niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Ipapaliwanag ko na lang mamaya." tugon ko sa kanya. Hindi pa nila alam ang nangyari sa pagitan namin ni Lance. Ang mas nakakalungkot pa, wala man lang pakialam si Lance. Ilang araw siyang hindi nagparamdam sa 'kin. Siguro ay okay lang sa kanya ang nangyari sa kanila ni Elisa kaya hindi siya nagpakita.
"Good morning class." bati sa 'min ni Sir Jed.
"Good morning Sir Jed." bati naman namin sa kanya.
Napatingin sa gawi ko si Sir Jed. "Oh Miss Montebello. It's nice seeing you again. Buti naman at pumasok ka na."
Ngiti lang ang tinugon ko kay Sir.
"By the way, I want to remind you na bukas na ang performance task na gagawin sa gymnasium. Maraming estudyanteng manonood at may mga panel of judges na huhusga sa performance niyo. Galingan niyo dahil malaking porsyento ang makukuha niyo sa inyong grade kapag maganda ang performance niyo. Is that clear?" ani Sir Jed.
"Yes, Sir Jed." tugon namin.
"Okay, I'll dismiss you early para makapagpractice kayo. Good luck students." - Sir Jed
Pagkatapos ng klase ay naghanap kami ng private place para sa practice namin.
"Sandali lang Rafaela. Magbabanyo muna kami ni Lucas." sabi ni Kuya Rafael.
"Ha? A-ano..." Napatigil sa pagsasalita si Lucas nang umakbay sa kanya si Kuya Rafael. "Ah I-I mean. Oo Rafaela. M-magbabanyo muna kami ng kuya mo."
Tumango lang ako. Pagkatapos ay umalis muna sila para magbanyo. Napapansin kong kakaiba ang kinikilos ni Lucas sa tuwing inaaya siya ni Kuya na magbanyo. Bakit kaya? Teka, ito ba 'yong sasabihin niya kanina?
Pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng tubig. Hindi ako nagbaon ng pagkain dahil biglaan ang pagpasok ko.
"Ayan na ang dalawang love birds!" narinig kong sabi ng isang babaeng estudyante.
Napalingon naman ako sa may entrance ng cafeteria. At awtomatiko akong natigilan nang makita kong sabay na maglakad papasok sina Lance at Elisa. Parehong silang tumatawa na animong may sariling mundo sila.
"Ang sweet talaga nilang tingnan kahit saan." dagdag pang sabi ng babaeng estudyante. "Gustong-gusto ko talaga ang love team nila."
"True at napansin ko ring lagi silang magkasama for the past few days even off cam." sabi naman ng isang beki. "Sa tuwing nagkakahiwalay naman sila, magkaiba ang place ng pinagshoshootingan nila."
"Yieeeee! Bagay talaga silang dalawa. Mas bet ko si Lance para kay Elisa kaysa kay Jameson." ang babaeng estudyante.
Kahit nasasaktan ay sinulyapan ko ang gawi nina Lance at Elisa. Ganoon nga yatang katawa-tawa ang pinag-uusapan nila dahil hanggang ngayon ay tumatawa pa rin sila habang umo-order. Syempre sa dami ng mga customers na pumipila ay nakakapagtago ako mula sa kanila.
"Sa tuwing wala sa school si Elisa ay napapansin kong wala rin si Lance." kuwento ng babaeng estudyante.
"Tapos nakita ko rin sila kahapon sa may parking lot na magkasama. Sumakay pa si Elisa sa kotse ni Lance. Ang sweet!" kuwento naman ng beking estudyante.
"Oo, at ito pa. Ang ganda pa ng ngiti ni Elisa sa tuwing nakikita niya si Lance, kaya lahat talaga ng production staff ay tinutukso sila. 'Yong dalawa naman, parang kinikilig din. Hahaha!"
"Feeling ko nga ay may relasyon na silang dalawa. Hindi lang sila umaamin."
"True. Naalala mo ba 'yong may dalang pink roses and chocolates si Elisa? Grabe 'yong tuksuhan sa set no'n. Lahat ay tinutukso si Lance."
"Kay Fafa Lance ba galing ang pink roses and chocolates?"
"Hindi sila umamin. Pero sa kilos pa lang nina Lance at Elisa, 'Yong ngiti at the way kiligin sila sa isa't isa, for sure kay Lance galing ang mga 'yon. Sobrang nakakakilig talaga ang loveteam nila. Sana maging real na."
"Oo nga, I can't wait na marinig ang announcement ng relationship nila."
Nalungkot ako sa mga narinig ko. Kaya pala hindi nagpaparamdam sa 'kin si Lance. Mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa. Sino ba naman ako para magustuhan niya? 'Di hamak na ordinaryong fangirl lang ako. Si Jameson nga hindi ako gusto at nagpagamit lang ako para sa kanya. Si Lance pa kaya. Ayoko nang umasa pa.
Nang makalabas na ako sa cafeteria, nagulat na lamang ako nang may humila sa 'kin. Dinala niya ako sa likod ng cafeteria at isinandal sa pader.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ng taong humila sa 'kin.
Si Lance.
Pero ang mas ikinagulat ko pa ay nang sinunggaban niya ang labi ko. Marahan ang pagkakahalik niya at puno ng pagmamahal.
Pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko.
Pero bago pa ako makatugon ay binitawan na niya ang labi ko. Pagkatapos ay may binulong siya sa 'kin.
"Trust and wait for me baby."
Pagkatapos ay umalis na siya.
Ako naman ay napahawak sa dibdib ko at hindi maka-recover sa ginawa niya.
Anong ibig niyang sabihin?