Chapter 39

1260 Words
[RAFAELA'S POV] This is it. Ngayon araw na ang pinakahihintay naming performance task. Kinakabahan nga ako lalo na't may solo performance ako sa bandang huli. "Kaya natin 'to guys. 'Wag nating sasayangin ang ginawa nating effort." sabi sa 'min ni Lucas. "Let's go 'Team R2L'." ani Kuya sabay lagay ang isa niyang kamay sa harapan. Pinatong namin ni Lucas ang kamay namin sa kanya. "Team R2L." sabay taas ng mga kamay namin. "Let's go." Pero pagkapasok namin sa Dela Cruz University ay may mga reporters na nakaabang sa amin. "Miss Rafaela, nalaman namin kahapon na bumalik na kayo sa eskwela. Handa na ba kayong harapin ang mga paratang sa 'yo na isa kang 'Celebrity Hooker'?" "Ano ang masasabi niyo sa kumalat na issue?" "Totoo bang pinagsabay mo sina Lance at Jameson?" sunod-sunod na tanong ng mga reporter. "Excuse us. Wala kaming time para sa inyo. We need to go to school in peace." ani Lucas sa mga reporters habang pinoprotektahan ako. "Ang mga kasama mo rin ba ngayon Miss Montebello ay mga lalaki mo rin?" Doon ako natigilan. Pakiramdam ko ay may namuong galit sa katawan ko. Ganyan ba talaga ang mga reporters kung magtanong? "Hindi totoo ang lahat ng paratang na ibinabato niyo sa 'kin." sagot ko sa kanila. Naramdaman kong natigilan sila Lucas at Kuya Rafael nang magsalita ako. "So hindi totoo ang mga litratong kumakalat sa social media?" "Inaamin kong totoo 'yon. Pero 'yong paghalik sa 'kin ni Jameson at 'yong ka-holding hands ko si Lance ay isa lamang misunderstanding." sagot ko sa mga reporters. "Misunderstanding? Paano niyo masasabing misunderstanding lang ang lahat ng ito lalo na ang kiss?" Doon ako natahimik. Ano ba ang isasagot ko rito? Wala akong maisip na dahilan. "It's all my fault." sabi ng isang pamilyar na boses. Natigilan kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Jameson. "J-jameson." nauutal kong tawag sa kanya. "What do you mean Mr. Faulkerson?" tanong ng isang reporter. "I kissed her that time without her permission." sagot ni Jameson kaya napatingin ako sa kanya. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. "Why did you kissed her Mr. Faulkerson. Do you like Miss Montebello para gawin mo 'yon?" "No, I kissed her because I was hurt and jealous. Ginamit ko si Rafaela para maging girlfriend niya si Lance. Ginawa ko 'yon para sirain ang career ni Lance." Natigilan kaming lahat sa naging sagot ni Jameson. Totoo ba ang mga sinabi niyang iyon? "Bakit gusto mong sirain ang career ni Mr. Kim, Mr. Faulkerson?" "Because I envy him. Dahil lahat ng gusto niya ay nagagawa niya at nakukuha despite of his popularity. Kahit na top actor na siya ay malaya pa rin siya. Unlike me, simula noong nakapareha ko si Elisa, pakiramdam ko ay hindi na ako malaya. My company forced me na sundin ko sila. I even stop courting the girl I like dahil 'yon ang utos nila." madamdaming sagot ni Jameson. Hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya ngayon. "Pero ang lahat ng ginawa ko kay Lance ay pinagsisisihan ko na." Nakita ko rin ang pagiging emosyonal ng mga reporters. Parang naantig sila sa sinagot ni Jameson. Hindi ako makapaniwalang may ganitong soft side din pala sila. Akala ko puro tanong at paratang lang sila. "We're very sorry to hear that Mr. Faulkerson. Mayroon ka bang gustong sabihin especially to the girl na nasaktan mo because of your situation?" "I'm sorry. I'm very sorry for hurting you so much. Masyado akong naging duwag kaya hindi kita naipagtanggol sa mga taong naninira sa 'yo. Imbes na damayan kita ay nilayuan pa kita. Nagsisisi akong naging duwag ako. Ngayon na binigyan ako ng lakas ng loob at opportunity to speak up. Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal kita Kisses Alonte. Ikaw lang ang mahal ko at hinding-hindi ako magsasawang ipagsigawan 'yon sa buong mundo." mahabang sagot ni Jameson. Hindi ko naman mapigilang maiyak. Now I know kung bakit ako naging fangirl ni Jameson. Mas lalo ko siyang hinangaan ngayon. He's so brave sa part na 'to. Nilabas niya ang totoo niyang saloobin sa buong mundo. I'm so proud to be a Jamesonatics. "Aww! Thank you for your answers Mr. Faulkerson and Miss Montebello. I hope malampasan ninyong dalawa ang mga pagsubok na dumaraan sa inyo. Sana ay maging maayos na ang lahat sa inyo at ma-solve na ang lahat ng problema at issues na na-e-encounter ninyo." Pagkatapos ng interview ay humarap naman sa 'kin si Jameson. "Are you okay Rafaela?" nag-aalalang tanong niya. "Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya pabalik. "Yeah, I'm fine. May masakit ba sa 'yo?" aniya. "Ayos lang din ako. Pero salamat sa ginawa mo. Hindi ko alam na magagawa mo 'yon sa harap ng mga reporter." sabi ko kay Jameson. "Ang sarap pala sa pakiramdam kung nailalabas mo ang saloobin mo." tugon niya. "Ang tapang ng ginawa mo kanina. Mas lalo kitang hinangaan at hindi ako nagsising naging fangirl mo ako." I said to him. "Salamat. Totoo ang lahat ng sinabi ko at hindi ko pinagsisihan 'yon." ani Jameson. "Tama 'yan Jameson. Maging totoo ka at 'wag magpadala sa sinasabi ng mga tao. Doon ko kasi na-realize kung hindi ka mag-speak up para sa sarili mo ay walang magbabago at mananatili pa rin ako sa ganitong sitwasyon." tugon ko. "You're right. By the way, okay na rin ang lahat. Inamin sa 'kin ng manager ko na siya ang nagpapadala ng itim na sobre sa 'kin at sa 'yo noon." - Jameson "Siya talaga si B.M.?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Sadly yes. But something is wrong. The way he admit it. Parang nauutal siya." - Jameson "Baka natatakot siya o kinakabahan." "Maybe. But it's more like he's lying. O baka mali lang ang interpretasyon ko." he said. "Hindi naman siya tanga para aminin ang bagay na hindi niya ginawa Jameson. Kung ang taong gumawa mismo nito ay nagsinungaling pwede pa dahil ayaw niyang mahuli. Pero yung taong umako sa kasalanang hindi niya ginawa ay isang malaking kalokohan." sabi ko. "Unless kung binayaran sila ng malaking pera." - Jameson Natigilan naman ako do'n. "May point ka rin." "But you're right also. Maybe siya nga ang gumawa no'n dahil napapansin ko ang mga kakaibang kilos niya noon pa lang." - Jameson *krrrriiiiiiinnnnnngggg!* Napatigil naman kami nang tumunog ang bell. "Hala! Kailangan ko nang umalis. Baka nauna na sina Kuya Rafael at Lucas do'n sa may gymnasium." sabi ko sa kanya. "Good luck on your performance later. Manonood ako." he winked at me bago umalis. Nang makarating ako sa gymnasium ay pinuntahan ko agad ang pwesto namin sa backstage. "Rafaela, you're just in time. Aayusan na kita for your performance task." sabi sa 'kin ni Kisses at sinimulan na niyang lagyan ng makeup ang mukha ko nang makaupo ako. Narinig kaya niya ang sinabi kanina ni Jameson? "Ayan, you're so pretty talaga Rafaela. Now wear your clothes para sa performance ninyo." utos niya sa 'kin. Pumunta naman ako sa mini-fitting room para isuot ang damit for our performance task mamaya. Yung pang-itaas ko ay croptop na kulay black and white na parang flag sa car race. Yung pang-ibaba ko naman ay maiksing maong short na kulay itim. May nakatali ring jacket sa may bewang ko. Pagkalabas ko ng fitting room ay todo papuri naman sa 'kin si Kisses. "Wow Rafaela! You are pretty savage with that look." ani Kisses. Tumingin naman ako sa salamin. Hala! Ako ba talaga 'to. *galaw galaw* *kirap kirap* Ako nga! Handang-handa na ako sa performance namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD