Chapter 40

1085 Words
[RAFAELA'S POV] "Good morning Dela Cruz University! Welcome to our 4th Year-Section D's Performance Presentation. Thank you sa lahat ng pumunta at interesadong mapanood ang performances ng bawat group of students ng 4th Year-Section D. Gusto kong marinig ang hiyawan at cheer niyo!" si Sir Jed yan as MC. Rinig na rinig namin mula sa backstage ang cheer at sigawan ng mga estudyante. "Go Team Tres Marias!" "For the win Team Single Ladies!" "Waaaaaa! We support you Team Brokenheart Boys!" "Make way to Team Beks Club!" "Team R2L, claim that trophy!" Medyo nagkaroon ako ng lakas ng loob nang may nag-cheer sa grupo namin. Akala ko kasi ay walang mag-chi-cheer dahil sa kumalat na issue. "Wow! Mukhang may kanya-kanyang pambato ang mga students. Before we proceed to the performances of the students ay ipapaliwanag ko muna ang mangyayari. Hinati sa tig-ta-tatlong students ang 4th Year Section D. Ang bawat grupo ay magpapakitang gilas sa harap ng mga judges with their singing and dancing skills. 75 points will be the lowest and 100 points will be the highest. Who ever gets the highest score ay makakasama ng panalong grupo ang panel of judges natin sa set ng bagong movie nila." "Kyaaaaaa! Ang swerte naman nila." "Huhuhu! Sana 4th Year-Section D na lang ako." "Kainggit naman sila." Anong klaseng prize ba 'yan? Parang walang kwenta. Mas gusto ko pagkain o 'di kaya'y pera. Hehehe! "And now let's meet the panel of judges. First, ang director ng upcoming movie nina Lance, Jameson and Elisa. Please welcome, Director Tim Ramirez." Narinig ko naman ang tilian ng mga estudyante. "Kyaaaaaa! Ang gwapo niyo po Direk." "Waaaa! I love you Director Tim." "Buntisin niyo po ako Daddy Tim." Pogi rin naman si Director Tim kaya maraming tumitili sa kanya. Pero teka, isa siya sa mga judges? Kinabahan ako bigla. "Our next judge is one of the top actor in the Philippines. A man with four-pack abs. Please welcome, Mr. Jameson Faulkerson." "Kyaaaaaaaaaaa!" "Ang pogi mo talaga Jameson!" "We love you Jameson!" "I love you bro." Syempre palihim din akong napatili. Pero judge din siya? Bakit hindi man lang niya sinabi sa 'kin? "Last judge is also one of the top actor in the Philippines. He is also known as the visual actor because of his good-looking face. Tops Brand Reputation Ranking for Famous Actors of the Philippines in consecutive months. The unbeatable actor. Please welcome, Mr. Lance Jerold Kim." Natigilan naman ako nang marinig ko ang pangalang 'yon. *heart beats* Ang lakas ng t***k ng puso ko. Tanging siya lang talaga ang nakakagawa nito. Isa rin pala siya sa mga judges. Mas dumoble ang kaba ko. "Nagkaroon ng bunutan kahapon kung ano ang sequence ng performances. Ang unang magpeperform ay ang Team Single Ladies. The members are Layzhelle Aballa, DO Diaz and Kayleen Ann Igao." Kami ang huling magpeperform. Mayroong flat screen TV dito sa backstage para mapanood namin ang performance ng mga classmates ko. Ang unang grupo ay nag-perform ng Single Ladies, Love on Top, at Bang Bang. Ang galing nila lalo ang high notes ni DO. "Wow! What a sexy performance from Team Single Ladies. Next performer are Team Brokenheart Boys!" Ang sunod namang grupo ay nag-perform ng I Want It That Way at Incomplete. "Next performer is Team Beki Beks." Nag-perform naman sila ng Boom Panes at Dance Again. Mga lalaki sila na nagbihis babae. "Next performer is Team Tres Marias." Pinerform naman nila ay Rock Baby Rock at Despacito na panglalaki ang boses kahit pambabae ang suot nila. Mga beki sila. Maraming natawa at na-entertain sa performance nila even me. "Next is Team Beks Club." Ang pinerform nila ay Worth It at Twerk It Like Miley. Ang wild ng performance nila lalo na yung part na nag-twerk ang dalawang beki sa harap ng lalaki nang patalikod. Dikit pa ang p***t ng dalawang beki sa maselang part ng lalaki. "Next performer is Team 2B1G." Ang pinerform nila ay He's Into Her sa dalawang boys at Problem sa solo performance ng girl. "Next is Team '00s Boys." Ang pinerform nila Mr. Suave at Just The Way You Are. Isang oras ay nakalipas ay fourteen na grupo ang nag-perform hanggang sa kami na ang susunod. "Last but not the least. Ang Team R2L. Composed by Lucas Alexander Kim, Rafael Montebello and Rafaela Montebello. Let's give them a warm of applause." Bago muna kami pumunta sa stage ay nag-group hug muna kaming tatlo. "Win or lose. Ang mahalaga ay makapasa tayo." ani Lucas. "Good luck to us." sabi naman ni Kuya Rafael. "Go Team R2L! Laban!" cheer ko sa kanila. Pagkatapos ay pumunta na kami sa stage at pumuwesto with poise. Narinig ko naman ang ilang cheer ng mga estudyante. *** [R2L sings 'Boy With Luv' by BTS] *** Nang marinig na namin ang tugtog ay nagsimula na kaming kumanta at sumayaw. *** *sing* - Lucas *sing* - Kuya Rafael *sing* - Lucas at Kuya Rafael *sing* - ako yarn. Hahaha! *sing* - Me, Lucas at Kuya Rafael *** Nag-play ng panibagong kanta pero sina Kuya Rafael at Lucas lang ang mag-pe-perform. Nagpunta ako sa likod nila para mag-prepare sa solo performance ko. *** [Lucas & Rafael sings 'Love Shot' by EXO] *** Rinig ko ang tilian at cheer ng mga kababaihan sa kanila even the teachers. *** *sing* - Lucas *sing* - Kuya Rafael Mas lalo pang nagtilian ang mga estudyante nang magtanggal ng damit ang dalawa at gumiling. Maraming na ring mga lalaking estudyante ang tumagilid dahil do'n. *sing* - Lucas at Kuya Rafael Pagkatapos ng performance nila ay nagkaroon muna sila ng dance break bago ako mag-perform. And now it's my turn. Bigla namang tumahimik ang mga nanood. Kaya mo 'to Rafaela. *** [Rafaela sings 'Lalisa' by Lisa] *** Binigyan ko sila ng fierce look nang marinig ko ang beat ng kanta. *sing* Nakita kong natigilan ang mga nanonood at nakita ko ang mangha sa mga mata nila nang magsimula na ako mag-perform. *sing* Nakita kong napapaindak na rin ang mga nanonood sa performance ko. *sing* Mas lalo pang namangha ang mga nanonood nang magsimula na akong mag-rap. *sing and rap* Nakita ko ang mga teachers na kinukunan ako ng video. *sing and rap* Pagkatapos ng performance naming tatlo ay narinig ko ang mga cheer ng mga estudyante lalo na sa akin. "Waaaaa! Ang galing mo Rafaela!" "Isa pa!" "Isa pa!" "Isa pa!" Pakiramdam ko ay parang may humaplos sa puso ko nang marinig ko 'yon lalo na ang tingin sa 'kin ni Lance. Nakangiti siya habang pumapalakpak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD