[RAFAELA'S POV]
"Wow! What an outstanding performance from Team R2L. Performance task ba 'to o concert? Pakiramdam ko kasi ay nasa concert tayo." si Sir Jed.
"Isa pa! Isa pa! Isa pa!"
"Gusto niyo pa ba?"
"Yeeeesssss!" sigaw ng mga estudyante.
"Well kung sino man ang manalo ngayon ay mag-pe-perform ulit dito sa stage." si Sir Jed.
"Kyaaaaaaaaaa! Team R2L for the win."
"By the way, WOW! Nabalitaan kong umabot hanggang 1,064,803 users ang nanood ng performance ng Team R2L lalo na sa solo part ni Rafaela. At ito pa, trending na rin ngayon si Rafaela sa twitter worldwide with positive tweets from her performance today. Wow Rafaela! You're viral now on social media."
Parang may kung ano sa puso ko nang marinig ko 'yon mula kay Sir Jed.
Viral na ako. Dapat ba akong matuwa? Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Parang halo-halong saya, lungkot at kaba.
"Sa ngayon ay kailangan natin ng 15 minutes break para makapag-compute ang mga judges ng kanilang score sa bawat performances. We will be right back."
Pagkarating ko sa backstage ay agad akong binuhat nina Kuya Rafael at Lucas.
"Wow! Ang galing galing mo kanina Rafaela. Pang-full package ang solo performance mo." narinig kong puri ni Lucas sa akin.
"Pang-idol material talaga ang kapatid ko." narinig kong puri naman ni Kuya Rafael.
Pagkatapos ay binaba na nila ako.
"Thank you Lucas at Kuya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Ang sabi ko na lang sa isip ko ay bahala na si Lord kung ano ang kakalabasan ng performance natin. Pero hindi ko akalaing aabot ako sa puntong mag-va-viral ako." naiiyak kong sabi.
"Aww! Congrats sa 'yo Rafaela. I'm sure proud na proud sa 'yo ang parents mo at pati na rin ang WP family." narinig kong sabi sa 'kin ni Kisses.
"Thanks Kisses." tugon ko sa kanya.
"At dadami rin ang fans mo." ani Kuya Rafael.
Inannounce na ni Sir Jed ang winner at kami ang nanalo.
Pakiramdam ko ay magbabago na ang lahat pagkatapos nitong performance task.
***
- THREE DAYS LATER -
At hindi nga ako nagkamali. Nagbago ang lahat simula nang mag-viral ang performance ko noong Friday.
Yung issue na kumalat tungkol sa amin nina Lance at Jameson ay limot na ng mga tao. Ito'y dahil na rin sa pag-interview sa amin ni Jameson ng mga reporters noong Friday. Nag-viral din ang mga naging sagot ni Jameson sa harap ng media pero hindi naging maganda ang response ng mga tao sa kanya. Kesyo inggitero raw siya, laos na at desperadong maging top actor ulit. Pero marami ring taong pinagtanggol siya lalo na ang mga Jamesonatics including me. Well at least he admitted his mistakes at nagsisi na siya sa mga ginawa niya. At siya mismo ang kusang umamin sa ginawa niya at hindi ibang tao ang nakaalam at nagkalat. Yun naman ang importante.
At ito pa. Yung mga haters ko dati ay mga fans ko na raw. Mukhang sincere naman sila.
At meron pa, dumami na rin ang followers ko sa f*******:. Gumawa rin ako ng i********: at t****k account. In just three days ay naka-three million followers na ako at verified na rin ang mga accounts ko.
Pakiramdam ko ay bumalik na sa normal ang buhay ko although nagkakagulo ang mga tao sa harap ng bahay namin dahil gusto nila akong makita.
Panibagong araw na naman ay nakarating na ako sa DCU.
"Hello Idol Rafaela."
"Hi Rafaela."
"Hi beautiful Rafaela."
"Good morning Miss Rafaela."
Sunod-sunod ang pagbati sa 'kin ng mga estudyante nang makapasok ako. Grabe naninibago ako ngayon. Kung noon ay wala silang pakialam sa 'kin o tinatarayan ako, pero ngayon ay nakikita ko ang paghanga nila sa 'kin.
"Hello idol Rafaela."
Nagulat naman ako nang may lumapit sa aking isang lalaki. Ang pogi niya at may dimples siya.
"I'm Ace by the way. Napanood ko noong Friday ang performance mo. Ang galing mong kumanta at sumayaw. Nakuha mo agad ang puso ko." aniya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Hehehe! T-thanks." yun lang ang nasabi ko. Nahiya ako bigla.
"I can get your num..."
Hindi natuloy ang pagsasalita nung Ace nang biglang may umakbay sa 'kin.
"Anong kailangan mo sa bestfriend ko?" si Lucas. Ang sama ng tingin niya kay Ace.
"Ah... h-hi Idol Lucas. W-wala, aalis na ako." nauutal na sagot ni Ace at mabilis siyang lumayo sa amin.
Anyare do'n?
"Bakit ka nilapitan ng lalaking 'yon?" seryosong tanong sa 'kin ni Lucas.
"Ha? H-hindi ko alam." sagot ko. Totoong hindi ko talaga alam.
"Wag na wag kang makikipag-usap kahit kanino Rafaela. Porket sikat ka na ay magiging friendly ka na sa lahat." ani Lucas.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Hindi lahat ng tao ay totoo. Yung iba ay maganda lang ang pakikitungo sa 'yo dahil sikat ka na. Yung iba ay gusto lang makipagkaibigan sa 'yo dahil kasikatan mo lang ang habol nila. Believe me Rafaela. Only choose people na mapagkakatiwalaan mo. That's my advice for you." mahabang paliwanag niya.
"Okay, naiintindihan kita." sagot ko sa kanya. Tama si Lucas. Hindi lahat ng tao ay totoong gusto ako at nakikipagplastikan lang sa 'kin. Isa na do'n ay si Elisa at ang mga estudyanteng nang-bash sa 'kin noong kumalat ang issue pero binati naman ako kanina dahil sa viral video. Pero nakikita ko naman ang sincerity nila nang binati nila ako. Maybe nabulag lang sila sa issue kaya nagawa nilang sabihan ako ng masasakit na salita.
Habang naglalakad kami sa corridor ay nakita ko naman si Lance na kasama si Elisa. As usual, masaya silang nag-uusap. Pero mas umagaw sa atensyon ko ang magkahawak nilang kamay.
Parang may kumirot sa puso ko.
"Bakit kasama niya ang babaeng 'yan?" narinig kong tanong ni Lucas.
Nagtama ang mga mata namin ni Lance pero agad niya itong inalis at muling ibinalik ang tingin kay Elisa. Nakikita ko ang kasiyahan sa mukha niya kapag kasama niya si Elisa. May gusto talaga siya sa babaeng 'yon.
"Mukhang hindi maganda 'to." narinig kong bulong ni Lucas.
[B.M.'S POV]
- TWO DAYS AGO -
"Bakit mo nagawa 'yon ha?" galit kong tanong kay Jameson nang malaman ko ang kalokohang ginawa niya. Hindi ko akalaing magagawa niya 'to. Sinira niya ang reputasyon niya.
"Wala na akong pakialam sa sasabihin nila boss. Pagalitan niyo na ako kung nalabag ko ang gusto niyo. Kasuhan niyo na ako kung nalabag ko ang kontrata. Haharapin ko ang lahat ng consequences." sagot niya na mas lalong ikinagalit ko.
Mukhang natututo na siyang maging matapang. Hindi pwede 'to. Unti-unting nasisira ang mga plano ko dahil sa ginawa niya at lalo na ang pagsikat ng Rafaela na 'yon.
"'Wag na 'wag mo akong susubukan Jameson. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin kapag sumuway ka." banta ko sa kanya.
"Alam ko ang gagawin mo. Magbabanta ka na naman ba sa pamamagitan ng pagpapadala ng itim na liham?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang...
"Sa tingin mo hindi ko alam? Inamin na sa 'kin ng manager ko ang tungkol do'n at pati na rin ang mga inuutos mo sa kanya. Marami rin akong nakalap na ebidensiya na ikaw ang B.M. na 'yon. Nando'n din sa mga pinapadala mong sulat ang thumbprint mo." sabi niya na ikinatigil ko. Nakaramdam ako bigla ng kaba nang marinig ko 'yon. Nahuli na niya ako.
Pero ngisi lang ang binigay ko sa kanya at pilit kong tinago ang kaba ko. "Mahusay Jameson. Akalain mong mahuhuli mo rin ako. Pero hindi ibig sabihin no'n ay masisindak mo na ako. Mas masindak ka sa 'kin sa gagawin ko." banta ko sa kanya.
"Contract termination lang ang gusto ko at hindi na kita ipapakulong pa." aniya at hindi pinansin ang pagbabanta ko.
"Paano kung hindi ako pumayag?" hamon ko sa kanya.
"Well, magkita na lang tayo sa korte." sabi niya at umalis na siya.
Naikuyom ko naman ang kamao ko sa galit.
"AAAAAAHHHHHHHHHH!" pagwawala ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa galit ko kay Jameson.
Ginagalit talaga niya ako ha. Humanda ka. Dahil sa ginawa mo ay unti-unting nawawala ang opportunities kong makakuha ng malalaking pera. Isa na do'n ang malaking project niya sa Hollywood. Dahil sa ginawa niya ay pinull-out ng casting director ang role niya.
Magbabayad ka sa pagsira mo sa mga plano ko.