Chapter 10

1403 Words
[RAFAELA'S POV] Pagkatapos ng morning classes ko ay pumunta muna ako sa restroom para magbihis. Katatapos lang ng P.E. class namin. Medyo pawisan na rin ang suot kong uniform dahil sa pagsayaw namin ng zumba sa loob ng classroom. Gusto nga namin sa labas mag-zumba pero bawal naman dahil may golden rule ang school namin na 'bawal lumabas' sa oras ng klase. Makakalabas lang kami kung may mag-comply pero hindi lahat ma-a-apply. Buti na lang at lagi akong may spare na uniform in case of emergency. Pagkarating ko sa restroom ay pumasok ako sa isa sa mga cubicles at doon nagbihis. Habang nagbibihis ako ay rinig ko naman ang usapan ng dalawang babae sa labas. Ang lakas nga ng boses nila eh. "OMG Bes! May mga artista raw na bibisita dito sa school natin. Yung tatlo sa kanina ay mga top artists sa Brand Reputation Ranking." - Girl No. 1 "Really bes? Saang source mo nabasa yan? Baka naman fake news 'yan." - Girl No. 2 "Sa DCU Chikas f*******: Page. May rumor daw na may i-sho-shoot na new movie dito mismo sa ating school." - Girl No. 1 "Kyaaaaaah! Sana totoo yung rumor." - Girl No. 2 "I hope so... Wait lang bes... OMG!" - Girl No. 1 "What bes? Bakit parang paralisado ka na?" - Girl No. 2 "Look! Nandito raw ngayon sa school ang tatlong top artist na sinasabi ko sa 'yo. Nasa gymnasium daw sila." - Girl No. 1 "Kyaaaaah! So the rumor is true. Sino kaya sila?" - Girl No. 2 "They look familiar to me. Kung hindi lang dahil sa suot nilang mask at cap ay baka makikilala natin sila agad." - Girl No. 1 "Puntahan na lang kaya natin sila sa gymnasium." - Girl No. 2 "Sige." - Girl No. 1 At nalawa na yung ingay. Mukhang umalis na sila. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa cafeteria para kumain. Pero pagkarating ko sa cafeteria ay walang estudyante do'n. Nasaan kaya sila? Pero okay na rin yun. At least wala akong maririnig na ingay unlike kanina sa restroom. Pero teka lang, nasaan na kaya si Lucas? Yung last na pagkikita namin ay yung before P.E. class ko. Hindi kasi kami classmate sa iilang subjects including P.E. kaya hindi kami sabay pumupunta minsan sa cafeteria. Siguro may klase pa siya. Naghintay muna ako ng ilang minuto pero wala pa rin si Lucas pati yung mga estudyante. Nakakapagtaka naman yatang wala sila rito. Sinubukan kong tawagan si Lucas sa phone. Nung first two calls ay hindi niya sinagot yung tawag. Pero sa third call ay sinagot na niya ito. ("Hello sino 'to?") Pero isang babae ang sumagot imbes na siya. ("Isa ka siguro sa mga babae ng boyfriend ko. Well sorry ka na lang dahil ako ang tunay na girlfriend niya. Isa ka lang niyang pampalipas oras.") Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ng babae. Teka, sino ba 'to? Bakit nasa kanya ang phone ni Lucas? ("Babe, sino ba yang tumawag sa phone ko?") narinig kong tanong ng isang pamilyar na lalaki mula sa kabilang linya. Si Lucas ba yan? ("Nothing babe. It's one of your flings. Mukhang hindi pa rin siya maka-get over sa 'yo.") sagot ng babae. ("Hayaan mo na. What important is tayong dalawa na lang ang nandito. By the way, hindi ka ba nasundan ng boyfriend mo?") Mukhang si Lucas nga. Anong ginagawa niya ngayon kasama ang babaeng yun? *shock* Wait! Don't tell me na... ("Of course not. Magaling kaya akong magtago. Hinding-hindi niya malalaman ang tungkol sa atin.") sabi ng babae kay Lucas. ("Good. And now... Let's start this f*****g business. You're so damn hot Reyna. I'm gonna give you a mind-blowing s*x now. I'm gonna f**k you until you sore.") narinig kong sabi ni Lucas. ("Ooohhh Lucas! You're too big!") Napatay ko bigla ang tawag nang makarinig ako ng mga ungol. Eww! Grabe 'tong si Lucas. Kung sinu-sinong babae ang pinapatulan niya. Tapos natunghayan ko pa talagang may ka-sipping siya ngayon. Mas eww na eww. Malala na talaga 'tong si Lucas. Kailan ba siya magbabago? Binalik ko ulit ang phone ko sa bag at kinuha ang aking baon na luto ni Mama. My favorite. *kriiiinnnnnggggg!* Biglang tumunog ang phone.ko. Kinuha ko ulit ito sa bag ko at tinignan ang pangalan ng caller sa screen. *** +639666666666 calling... *** Unknown number? Sino kaya 'to? Sinagot ko naman yung tawag. Baka kasi importante. "Hello? Sino 'to?" tanong ko sa caller. ("It's me, Jameson.") Nanlaki naman ang mga mata ko dahil do'n. "Ikaw pala my loves--este Jameson. Napatawag ka?" tanong ko kay Jameson my loves. Ang lakas ng kabog ng puso ko ngayon. Ito ang first call niya sa 'kin simula nang makuha niya ang number ko. ("Where are you right now?") - Jameson "Nasa school ako ngayon. May itatanong ka ba sa 'kin?" ("Saang banda ka ngayon sa school?") - Jameson "Sa cafeteria. Bakit?" nagtatakang tanong ko. Bakit niya tinatanong kung nasaan ako ngayon? ("Just stay there.") - Jameson *toot toot toot* At namatay na nga ng tawag. Ang weird niya ha. Makakain na nga. *subo* *nguya* *lunok* *subo* *nguya* *lunok* "Rafaela." Napatigil ako sa aking kinakain nang makita ko si Jameson na nakaupo na sa kabilang seat. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalamang dito ako nag-aaral? "Nagtataka ka siguro kung paano kita nahanap. Syempre pina-background check kita. Nalaman ko rin pala na isa ka sa mga fan ko." nakangiting sabi niya. Pero yung ngiti niya ay imbes na kiligin ako ay kinabahan tuloy ako. Parang may binabalak siya sa 'kin. Napayuko na lang ako sa inasal niya. Nahiya ako bigla dahil nalaman niyang fan niya ako. Baka mas lalo lang lumayo ang loob niya sa 'kin. "By the way, madalas tayong magkikita rito sa DCU. Dito i-sho-shoot ang bago kong movie kasama sina Elisa. It means ay tatawagan na lang kita para magkita tayong dalawa. Tapos sasabihin mo sa 'kin sa personal ang itatanong ko sa 'yo." pagpapaliwanag sa 'kin ni Jameson. Tumango lang ako habang nakayuko pa rin. "Kumusta naman sina Lance at Kisses? May napansin ka bang kakaiba?" - Jameson "Wala naman. Normal lang naman ang kinikilos nila. Yung parang magkaibigan sila." sagot ko sa kanya. "Magkaibigan? Wala ba silang ginagawang something sweet like boyfriend-girlfriend thingy." - Jameson "Meron naman. Sila yung tipong hindi mapaghiwalay sa isa't isa. Pero wala silang relasyon." Nagtataka rin ako kay Jameson my loves. Bakit kaya niya ako tinatanong ng ganito? Hindi ko nga alam ang purpose kung bakit niya ako ginawang spy in the first place. Pero ako namang si tanga, pumayag sa pinapagawa niya. Iba talaga ang nagagawa ng karupukan. "Paano mo naman nasabi?" - Jameson "Eh sa sinabi nila sa 'kin na wala silang relasyon. Tapos ito pang si Kisses, nakakainis din minsan. Lagi kasi niya kaming inaasar ni Lance sa tuwing magkasama kaming tatlo." "Ha? Inaasar kayong dalawa ni Kisses?" - Jameson "Oo, kesyo raw bagay kami ni Lance. Destined kami sa isa't isa. Tapos kinukulit niya si Lance na may gusto raw ito sa 'kin kahit wala naman. At magiging masaya raw siya kapag magkatuluyan kaming dalawa." pagpapaliwanag ko. Nakakairita nga eh. She is being cupid to us. I would rather die kung si Lance lang man din ang makakatuluyan ko. "Hmm! Interesting." sabi ni Jameson sabay hawak sa chin niya. Parang may iniisip siya. "Ngayon ay panatag na akong wala silang relasyon." dagdag pa niya. Halata nga eh. Pero bakit naman? "May itatanong ka pa ba?" tanong ko kay Jameson my loves. "Wala na. You can enjoy your lunch now." sabi niya at umalis na siya. Pagkaalis niya ay saktong nagsidatingan naman ang mga estudyante. Ang haba nga ng pila sa counter dahil gutom na gutom na sila. Saan kaya sila nanggaling at na-late sila? Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Lucas. Mukhang busy siya sa babae niya. Nandidiri pa rin ako dahil sa narinig ko kanina. Masyado kasi akong inosente pagdating sa s*x. Haha! Pagkatapos ng lunch ay nagpunta muna ako sa Music Club Room. May pinost kasing announcement sa FaceGram group page ng Music Club na sinalihan ko. Kailangan daw naming magtipon-tipon do'n. May mahalagang sasabihin ang leader namin. Nang makarating ako sa Music Club Room ay saktong ako na lang pala ang hinihintay nila. "Rafaela!" May narinig akong isang pamilyar na boses na tumawag sa 'kin. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito. "Kisses?" gulat kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD