[KISSES' POV] "Kisses?" hindi makapaniwalang sabi ni Rafaela nang makita niya ako. Lumapit naman siya sa 'kin at hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa 'kin. Tumingin naman ako sa leader nila para ipakilala niya ako. Naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin at lumapit ito sa 'kin. "By the way, kahit na kilala niyo na siya ay ipapakilala ko pa rin siya sa inyo. She's Kisses Alonte, our new temporary vocal mentor. Every weekdays natin siya makakasama since ang music teacher natin is on maternity leave." pagpapakilala ng leader nila sa 'kin sa mga kasama niya. "Do you have any questions?" May isang babaeng nagtaas ng kamay. "Ah leader. Bakit kailangan pa nating kumuha ng temporary mentor kung may iba pa namang music teacher na pwedeng tumul

