Chapter 12

1051 Words
[KISSES' POV] "Pasensiya ka na sa sinabi kanina ni Isa. Makakarating talaga yun sa music teacher namin para mabigyan siya ng parusang nararapat sa kanya." sabi sa 'kin ng leader ng music club. "Okay lang. Sanay naman ako eh. 'Wag mo nang intindihin ang sinabi niya." tugon ko na lang sa kanya. Maraming masasakit na salita na akong naririnig at nababasa tungkol sa 'kin. Kahit masakit sa dibdib but I have to ignore it. Kahit na ipagtanggol ko pa ang sarili ko ay wala namang makikinig at maniniwala. Tanging si Lance lang ang nakakaintindi sa 'kin noong nasa showbiz pa ako. "Sa totoo lang Miss Kisses. Hindi mo deserve ang mga masasakit na salitang naririnig at nababasa mo. You're genuine at mabait nang makilala kita. Sana malampasan mo ang pinagdadaanan mo ngayon at mabigyan ka ng second chance." aniya sa 'kin. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil do'n. Despite of mayroon akong 99.9% na bashers, mayroon pa rin mga taong nagmamahal sa 'kin kahit mga .1% lang ito. But I treasure that .1% na nagmamahal sa 'kin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Salamat." tipid kong sabi. Sabay kaming lumabas sa Music Club Room. By the way, yung iba siguro sa inyo ay nagtataka kung bakit naging mentor ako rito sa Music Club ng DCU. Simply because I need money. Since wala akong career sa showbiz sa ngayon ay kailangan ko ng work kahit mga temporary lang. Ayoko namang umasa sa parents ko at kailangan kong tumayo sa sarili kong paa. Madali rin akong nakapasok dito dahil maliban sa former student ako ay close friend ko rin ang owners ng school na 'to. Actually, naging classmates ko sina Fred Dela Cruz at Rissey Navarro-Dela Cruz. Isa sila sa nakakaalam sa past namin ni Jameson before we entered showbiz. "O siya, mauuna na ako sa 'yo. May klase pa kasi ako." paalam niya. Tumango lang ako at kinawayan siya. Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong dalawang pamilyar na tao. Ang dalawang taong ayaw ko nang makita pa. "Kisses?" gulat niyang sabi nang makita niya ako. Si Jameson. Kasama niya si Elisa na grabe makahawak sa kanyang braso. Kailangan talaga idikit ang boobs niyang fake. Ang landi talaga ng babaeng 'to. Pero may karapatan naman siyang gawin yun dahil siya ang girlfriend. "Oh hi Kisses. Long time no see. Nalaman kong nag-quit ka na sa showbiz. Good riddance." sabi sa 'kin ni Elisa na may ngiting asar. Sarap niyang kalbuhin eh. "Well I'm not really quitting Elisa. Nagpapahinga lang ako. I will be back soon as a better me." confident na sabi ko sa kanya. Babalik ako not as an actress only, but a total performer. "Really? Kung gano'n, goodluck na lang kung may tatanggap pa sa 'yo sa mundo ng showbiz." aniya sa 'kin. "Let's go baby." At umalis na silang dalawa sa harapan ko. Sa totoo lang, nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko silang magkasama. Hindi naman basta basta mawawala ang nararamdam ko sa kanya na parang tae lang na nasa toilet bowl na pwede kong i-flush para mawala na. Hindi gano'n ang puso ko. [JAMESON'S POV] *heart beats* Natutulala at tumitibok pa rin ang puso ko kapag nakikita ko siya harap-harapan. "Really? Kung gano'n, goodluck na lang kung may tatanggap pa sa 'yo sa mundo ng showbiz. Let's go baby." - Elisa Hinila naman ako ni Elisa habang tulala pa rin ako. Iba talaga ang epekto sa 'kin ni Kisses. Damn! I want to hug her and kiss her. I miss her so bad. If only I can do that. But not now. "Kainis! Bakit nandito ang bruhalditang yun?" narinig kong sabi ni Elisa. She sounds threatened nang makita niya si Kisses. Napatingin naman ako sa kanya. Mukhang hindi siya makapaniwalang makikita niya si Kisses dito sa DCU. Ako nga rin hindi makapaniwala. Ano kaya ang ginagawa niya rito? Hindi kaya para bisitahin si Lance? Pwede. Pero okay lang sa 'kin yun lalo na't nalaman ko mula kay Rafaela na wala silang relasyong dalawa. Ang pinagtataka ko lang, paano nagkagusto ang lalaking yun kay Rafaela? Well not being a judgemental. Maganda naman talaga siya sa personal at mabait. Pero she's an unknown person. Hindi siya kilala sa showbiz world. Pwedeng ikasira ito ng career niya kapag magkagusto siya sa babaeng yun. Wait. Did I say 'ikasira ito ng career niya kapag magkagusto siya sa babaeng yun?' That gives me an idea. *evil grin* [RAFAELA'S POV] Nang malapit na ako sa room ng first subject ko this afternoon ay nakita ko sa may tapat nito si Lucas. *shock* May kayakap siyang isang lalaki? Nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko makita ang mukha niya at may suot pa itong cap. Sino kaya ang lalaking yun? Oh my god! *takip sa bibig* Hindi kaya trip niya ngayon ay lalaki na? Pero nasaksihan ko kanina mula sa phone ko ang ginawa niyang kamalignuhan with a girl. Hala! Baka nagsawa na siya sa mga babae kaya lalaki naman ang pinatulan niya. Hindi ako makapaniwalang ganyan pala si Lucas. Baka magka-HIV siya nang wala sa oras niyan. Natatakot tuloy ako para sa kanya. Nakita kong umalis na yung lalaki. Parang pamilyar siya sa 'kin sa built pa lang ng katawan niya. Hindi ko lang maalala kung sino. Nilapitan ko naman si Lucas. "Sino yung lalaking kayakap mo kanina?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya. Huli ka! Sinasabi ko na nga ba. "Ah... eh... W-wala yun Rafaela. Nagtatanong lang siya ng direksyon." epic fail niyang pagsisinungaling. May nagtatanong ba ng direksyon habang magkayakap? Hay naku Lucas, palusot ka pa. Ngayon alam ko nang hindi ka pala pure straight. *riiiiiiinnnnnnggggggg!* Tumunog naman yung school alarm. It means kailangan na naming pumasok sa loob ng classroom. [LANCE'S POV] Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Hawak-hawak ko ngayon ang aking dibdib. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Kaya pala ganito ang naramdaman ko nang makita ko siya. Siya pala ang first love ko. After so many years ay nagkita ulit kaming dalawa. Tadhana nga naman. Siguro ay tama siya. Destined talaga kaming dalawa sa isa't isa. Plus the fact na until now ay may feelings pa rin ako sa kanya. Ngayon ay nakita ko ulit siya, I will do everything para mapasa'kin siya. Kung kailangan ko siyang markahan, gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD