[RAFAELA'S POV]
Boring.
Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko. Wala kaming pasok ngayon dahil holiday. Haaay! Wala man lang ako magawa.
I opened my f*******: account para may paglibangan ako. Nagbasa-basa lang ako ng mga post sa newsfeed ko.
Until I saw a post that caught my attention.
***
Dyosa w*****d Stories shared a link
"Actors Elisa Vermunte and Lance Jerold Kim are officially dating"
dyosanews.ph
***
Totoo ba 'tong nababasa ko? Nagde-date sina Lance at Elisa? Paano nangyari 'to? Hindi ako makapaniwala. At paano na si Jameson my loves?
Binuksan ko naman ang link.
***
On the latest tweet of Elisa Vermunte in twitter, the actress confirmed the she's secretly dating the top actor Lance Jerold Kim for three days already. The actor has still no response about the actress tweet. But one thing for sure, the fans of both actors are happy about the news and became more excited about their movie.
Find out more updates in our social media sites.
***
Bago lang ang relasyon nilang dalawa. Alam na kaya 'to ni Jameson my loves?
*tenenenenenenen!*
Tumunog bigla ang phone ko. May nag-text. Galing kay Jameson my loves.
***
From: Jameson my loves
Magkita tayo ngayon sa coffee shop dito sa may Dreame Street. Pumunta ka rito ASAP.
***
Nang mabasa ko ang message ay nagbihis agad ako at syempre nagpanda na rin. Dapat presentable ako sa harap niya para ma-inlove siya sa 'kin. Charot!
[LANCE'S POV]
"Totoo ba 'tong nabasa ko mula sa twitter ni Elisa?" tanong sa 'kin ng manager ko.
Ako naman ay inis na inis nang mabasa ko kanina ang tweet ni Elisa na we're dating for three days already. Nag-trending pa nga ito na lalo kong ikinainis.
"Syempre hindi. Hindi ko gusto ang babaeng yun." inis kong sagot. Mukhang nababaliw na ang babaeng yun para magkalat ng fake news for her own benefit. Alam kong ginawa niya lang yun to gain attention.
"Ang kapal talaga ng mukha nang Elisa na yun. Noong una ay si Jameson, tapos ngayon ay ikaw naman. Ang landi talaga niya at famewhore pa. Ang sarap niyang sabunutan at sampalin!" nanggigigil na sabi ng manager ko.
"Wag kang mag-alala Manager. Magpapatawag ako ng press conference para i-deny ang news na kumakalat sa 'min." sabi ko sa kanya.
"Hindi gano'n kadali ang gagawin mo Lance. Kagaya mo ay marami ring fans si Elisa. Naranasan din ni Jameson ang ginawa niya sa 'yo. I'm sure pagbabantaan ka rin niya tulad ng ginawa niya kay Jameson dati." aniya.
"Pwes. Hindi ako natatakot sa kanya. Siya ang matakot sa 'kin sa gagawin ko." seryoso kong sabi.
"A-anong ibig mong sabihin?" - My Manager
Hindi ko hahayaang magtagumpay ang babaeng yun sa binabalak niya.
*tenenenenenenenen!*
Tumunog naman ang phone ko. May text galing kay Kisses.
***
From: Kisses
Samahan mo ako ngayon sa mall Lance. Wala kasi akong magawa rito sa bahay. Isasama ko rin si Rafaela para mag-bonding tayong tatlo.
***
Agad naman akong napangiti dahil do'n.
"Sino yang nag-text sa 'yo? Ba't ka nakangiti?" tanong sa 'kin ng manager ko.
Hindi ko naman sinagot ang tanong niya.
[JAMESON'S POV]
Puro mura ang inabot ko sa aking manager dahil sa lumabas na issue tungkol kina Lance at Elisa.
("Napakahina mo talaga kahit kelan Jameson! Ang g*go mo para hayaan si Elisa na gawin yan. Sinasabi ko nga ba, dapat niligawan mo na lang si Elisa para h...")
Agad kong pinatay ang tawag. Bahala siyang umayos sa issue. Alam ko namang hindi totoo ang sinabi ni Elisa sa twitter. Nangyari na rin 'to sa 'kin dati. Aba si Elisa pa ba? Attention-seeker ang babaeng yun. Gagawa siya ng issue para mapansin siya. Tapos blackmailer pa siya.
*flashback*
Naibato ko sa pader ang cellphone ko dahil sa nakita kong post sa f*******:.
"Hey baby, are you okay?" nag-aalala ngunit malanding tanong sa 'kin ni Elisa. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Bakit mo yun sinabi sa media?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Ang alin baby?" - Elisa
Nagtaka pa talaga siya.
"Sinabi mo sa media na sinagot mo na raw ako and we're officially couple kahit hindi naman yun totoo." sagot ko sa kanya.
"Ah yun ba baby? Syempre sinabi ko yun sa media para mas lumakas pa ang ating tandem at mas dumami pa ang ating mga fans. Kaya whether you like it or not, we're officially couple now." sabi sa 'kin ni Elisa. Mas lalong dumilim ang aura ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit kailangan pang humantong sa ganito Elisa? You need to stop this. Tell them the truth na wala tayong relasyon." seryosong sabi ko kay Elisa.
"Okay, I will tell them na wala na tayong relasyon because you broke up with me at si Kisses ang dahilan ng paghihiwalay natin. Baka mas lalo pang dumami ang bashers ng pinakamamahal mong Kiti-kiti--este Kisses. Kawawa naman siya kung kuyugin siya ng napakaraming bashers niya." sabi sa 'kin ni Elisa at umarte pa siyang malungkot. Damn! She's really a blackmailer. Simula nang sumikat ang loveteam namin ni Elisa ay lagi na lang niya ako binablackmail. Kaya nga hindi ako makalapit kay Kisses dahil sa kanya. Dati pang may gusto sa 'kin si Elisa kaya ginagawa niya ito. As if namang magugustuhan ko rin siya. Walang-wala siya kay Kisses ko.
"Don't say that to them." sabi ko kay Elisa at halos muntikan na akong magmakaawa sa kanya.
"Then be my boyfriend." sabi sa 'kin ni Elisa.
I took a deep breath.
"Fine." tugon ko na lang kahit labag ito sa kalooban ko. I have no choice. Kailangan kong sundin siya bago pa niya sirain ang image ng babaeng mahal ko.
*end of flashback*
Pero naghiwalay din kami nang makahanap siya ng ibang target. Latest target niya ngayon si Lance. Walang makakapigil sa mga plano niya lalo na't maraming nagkakagusto at sumusuporta sa kanya.
Nang makarating ako sa coffee shop ay nakita kong naghihintay doon si Rafaela. Nilapitan ko naman siya. Syempre naka-disguise ako kaya walang nakakakilala sa 'kin.
"Anong itatanong mo sa 'kin tungkol sa kanya?" aniya.
"Wala akong itatanong, pero may ipapagawa ako sa 'yo." sagot ko sa kanya.
"Ha? Anong ipapagawa mo sa 'kin?" nagtatakang tanong niya.
Alam kong mali 'tong ipapagawa ko sa kanya but she have to do this.
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.
"Gawin mong boyfriend mo si Lance Jerold Kim." sabi ko sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.
"ANO?!" hindi makapaniwalang sabi niya.