[RAFAELA'S POV] "Gawin mong boyfriend mo si Lance Jerold Kim." sabi sa 'kin ni Jameson my loves na ikinalaki ng mga mata ko. "ANO?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Napatingin tuloy sa 'min ang mga tao. "Gawin mong boyfriend mo si Lance." pabulong niyang sabi. Seryoso ba siya sa pinapagawa niya? Hinintay kong magsabi siya ng 'Just kidding' pero wala akong narinig mula sa kanya. Hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. "Alam mo na ba ang kumakalat na issue na nagde-date sina Lance at Elisa?" tanong niya sa 'kin. Alam na pala siya. Malamang kalat na yun sa buong Pilipinas. "Nabasa ko sa f*******: ang tungkol sa kanila. Si Elisa pa nga mismo ang nag-confirm." sagot ko kay Jameson. "Fake ang news na yun." aniya. "Fake news? Paano mo naman nasabi yan?" nagtatakang tanong ko. "Dahil kilala k

