Chapter 15

1057 Words
[RAFAELA'S POV] Hindi ko mapigilang mainis kay Kisses. Feeling ko ay plinano niya talaga 'to. Tinuloy talaga niya ang pagiging cupid niya sa 'ming dalawa. "Samahan daw kita dito sa mall sabi niya." sabi sa 'kin ni Lance. Napasimangot tuloy ako. Alam niyo namang hate na hate ko ang lalaking 'to kahit hindi masyadong halata. Si Jameson my loves lang ang gusto kong makasama. "Gawin mong boyfriend mo si Lance Jerold Kim." Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa 'kin ni Jameson kanina. Oo nga pala, kailangan kong maging boyfriend 'tong lalaking 'to for the sake of my love. "Anong gusto mong gawin natin? Mag-enjoy tayo rito sa mall o umuwi na lang tayo?" tanong niya sa 'kin. Kailangan ko nang gawin ang first move ko. Yan ay ang makasama muna siya to make him fall in love with me. "Tutal nandito rin naman tayo eh ituloy na lang natin 'to. At saka boring din kung mag-stay ako sa bahay namin." sabi ko sa kanya. "Okay." yun lang ang naging tugon niya. Since wala nga rito si Kisses ay kami na lang ni Lance ang kumain sa inorder niyang pagkain. Sayang din naman kasi kapag itinapon lang. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng Shakeys. "Saan mo gustong pumunta?" aniya sa 'kin. "Quantum tayo." sagot ko. "Okay." tipid na tugon niya. Sa totoo lang, I can't imagine myself na sumama sa lalaking hate na hate ko at rival ng idol ko. Pero wala eh. Kailangan ko talagang gawin 'to para kay Jameson my loves. Kararating lang namin dito sa quantum. "Anong gusto mong unahin nating laruin?" tanong ni Lance sa 'kin. "Basketball." matipid kong sagot. Siya nga pala yung nag-offer na bumili ng tokens. Ang dami nga niyang binili eh. Hehehe. "Okay." - Lance Pero grabe lang. Parang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. It really feels comfortable playing with him. Nagtatawanan pa kami habang naglalaro ng basketball as if na magkaibigan talaga kami. Pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang aking main agenda. "Ano? Saan naman tayo?" tanong ulit sa 'kin ni Lance. "Try na natin lahat hanggang sa maubos ang token natin. Hehe." nakangiting sagot ko sa kanya. He smiled at me then pull my hand. Kung saan saan kami naglaro hanggang sa maubos ang token namin. "Napagod ako dun ah." hinihingal na sabi ko. I smiled when he suddenly gave me a bottle of water. "Drink this first." Tinanggap ko naman iyon at ininom. "Sa DQ naman tayo. Kain tayo ng ice cream." sabi niya. Sumang-ayon naman ako. Na-crave ako bigla sa ice cream nang sinabi niya 'yon. Nang makarating kami sa Dairy Queen ay pumunta agad kami sa counter para umorder. "Anong gusto mong flavor?" tanong sa 'kin ni Lance. "Rocky road." sagot ko. Favorite flavor ko 'yon. "Pareho pala tayo." ang nasabi niya. Nang maka-order na kami ay naghanap kami ng vacant seat. Isang gallon nga ang binili niya eh. Mauubos kaya namin 'to? "Kukuha lang ako ng kutsara at baso." sabi niya sa 'kin. Tumango lang ako. Habang hinihintay ko si Lance ay may lumapit sakin na dalawang lalaki. Yung isa chinito at yung isa naman ay amerikano. Umupo sila sa upuan na nasa harap. "Mag isa ka lang ba miss?" tanong sa 'kin nung chinito guy. "Ahm hindi." sagot ko sa kanya. Totoo namang hindi ako nag-iisa. "Ah ganun ba? Kasi kanina ka pa namin nakikita eh, gandang-ganda kami sa 'yo ng friend ko. Pwede ba namin makuha yung number mo?" sabi naman nung amerikano guy. Ito ang first time na may nagsabi sa 'king maganda ako at dalawang lalaki pa. Pogi rin naman sila pero mas pogi pa rin si Jameson my loves. "Ahm..." hindi ko alam ang sasabihin ko. "EHEM." Nakatayo na pala sa likod ko si Lance dala yung kutsara at baso. Ang sama nga ng tingin niya dun sa dalawang lalaki. "Babe, sino sila?" tanong niya sa 'kin. Teka, anong sabi niya? "Ah sorry pare, akala kasi namin single 'tong si Ate Ganda." sabi nung chinito guy. "Sorry but she's mine. Alis!" - Lance ANO RAW? "Ah hehe. Sige, alis na kami. Tara na pare." at umalis na nga yung dalawang lalaki. Pagkaupo niya ay parang wala lang nangyari. "Hoy. Ano yun ha?" inis kong tanong sa kanya. "Ang alin?" nakangiting tanong siya sa 'kin. "Anong babe at she's mine ang pinagsasabi mo diyan?" "Haha! Bakit natuwa ka ba sa sinabi ko?" - Lance Nakita kong pakindat-kindat pa siya. Hindi naman masyadong tinted ang suot niyang shade ngayon kaya kita ko ang mga mata niya. Pero wala pa rin namang makakakilala sa kanya. "Syempre hindi noh. Hindi ikaw yung type ko. Si Jame..." "Gutom na ako. Kumain ka na nga lang babae ka." - Lance Ay mood swing? Biglang sumungit ang mukha niya. Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay lumabas na kami ng DQ. "May gusto ka pa bang puntahan?" tanong niya sa 'kin. *tenenenenenenen!* Sakto namang tumunog ang phone ko. *** From: Kuya Rafael Nasaan ka na? Kanina pa kami nag-aalala sa 'yo. Pa-gabi na. *** Hanla. Hinahanap na ako ni Kuya Rafael. Lagot ako nito. Hindi ko man lang namalayang pagabi na pala. *** To: Kuya Rafael May pinuntahan lang ako. Uuwi na ako. *** "May problema ba?" tanong sa 'kin ni Lance. "Ah eh oo. Uwi na sana ako. Pagabi na din kasi." sagot ko sa kanya. Masyado akong nag-enjoy sa ginawa namin kaya hindi ko man lang namalayan ang oras. Tumawa naman siya. "Sure. Gusto mo hatid na kita? I have my car." aniya. "Eh hindi na. Mag-ji-jeep na lang ako." sabi ko sa kanya. Syempre may hiya pa rin ako. Sinamahan na nga niya ako. Tapos siya pa ang nanlibre sa 'kin. "Sure ka ba?" tanong niya. Yung itsura niya ay parang ayaw niyang pumayag na mag-jeep na lang ako. Tumango ako. "Oo. See you na lang kung magkita pa tayo." "Sige." sabi niya at... *tsup* *shock* Nagtatakbo na siya palayo sa 'kin habang kumakaway. Habang ako naman ay tulala. Hinalikan niya ako sa pisngi? *heart beats* Waaaa! Bakit ganito ang nararamdaman ko? [LANCE'S POV] Nang makalayo na ako sa kanya ay hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. *heart beats* Napahawak naman ako sa aking dibdib. Hindi pa rin talaga nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. She's still the Rafaela I know. My first love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD