Chapter 16

1127 Words
[RAFAELA'S POV] "Good morning Philippines!" masayang sabi ko nang makabangon na ako sa kama. Ito na yata ang pinakamaganda kong umaga. Siguro dahil sa maraming magandang nangyari sa 'kin kahapon. Isa na do'n ay naging boyfriend ko na si Jameson my loves. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala eh. Pero dapat walang makaalam sa relasyon naming dalawa lalo na sina Kisses at Lance. Alam niyo na kung bakit. Masaya akong bumangon at naghanda para sa class ko ngayon habang nakikinig ng music. "How you like that." pagsabay ko sa kanta sa iPod ko. Humarap ako sa salamin at hindi na ako mukhang stressed. Mas nag-blooming pa nga ako eh. Napangiti tuloy ako bigla. Ganito pala ang feeling kapag in love. Bumaba ako para kumain at nadatnan ko si Kuya Rafael na nakasimangot. "Anong problema mo?" tanong ko habang kumukuha ako ng pagkain. "Ang aga aga nakasimangot ka diyan." "Wala." tipid niyang sagot. "Anong wala? Ako pa talaga ang niloko mo." sabi ko sa kanya. Nang isubo ko na ang pagkain ay nagsalita ulit siya. "Sa school niyo na ako mag-aaral simula bukas." *cough cough* Napaubo ako bigla dahil do'n. Muntik ko tuloy mailuwa ang kinain ko. "Hoy! Sino ang nagsabi sa 'yong pwede ka do'n mag-aral?" inis kong tanong sa kanya. Bantay-sarado ako sa kanya kapag mangyari 'yon. Huhuhu! "Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang mag-aral do'n?" masugit niyang sabi. "Bakit mo namang naisipang mag-transfer do'n, aber?" tanong ko sa kanya. "Para mabantayan ka. Hindi ko hahayaang mangyari pa ang nagyari kagabi na umuwi ka nang late." sagot niya. Sinasabi ko na nga ba. "Tatay lang ang peg mo?" mataray kong sabi. "At saka dapat walang makaalam na magkapatid tayo." - Kuya Rafael Napataas naman ang kilay ko dahil do'n. "Teka, may problema ba?" tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot at umalis na siya. Napakasungit talaga niya kahit kelan. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang lunch box ko. "Rafaela!" Narinig ko ang sigaw ni Mama. Bakit na naman kaya niya ako tinatawag? Kinakabahan tuloy ako. May nagawa ba akong mali? Agad akong pumunta sa sala at naabutan ko do'n si Mama na nakatingin sa 'kin. "Mama, anong problema?" tanong ko sa kanya. "May bisita ka sa labas at hinihintay ka. Sabi niya sa 'kin boyfriend ka raw niya." seryosong sagot ni Mama. "Totoo ba yun anak?" Nanlaki naman ang mga mata ko. Si Jameson kaya ang tinutukoy ni Mama? "Ma, mamaya na lang po ako mag-e-explain. Ma-le-late na rin po ako." sabi ko sa kanya. Dumiretso agad ako sa kusina at nilagay ko sa baunan ko 'yong sinangag at hotdog para sa lunch. "Pero infairness anak. Ang pogi niya ha. Nice catch." sabi sa 'kin ni Mama nang makarating ulit ako sa sala. Pero this time ay nakangiti na siya. Mood swing din 'to si Mama eh. "Sige po Ma. Alis na po ako." sabi ko sa kanya sabay beso. "Ingat ka anak." tugon niya. Nagmadali na akong lumabas ng bahay. Baka mamaya maabutan pa ako ni Kuya Rafael dito. Isa pa, panigurado naman na madami pang itatanong 'yon sa 'kin si Mama. Pagdating ko sa labas, hinihingal-hingal pa ako sa kakatakbo. "Good morning, baby." bati sa 'kin ng isang poging nilalang na nakasandal ngayon sa isang mamahaling kotse. *heart shaped eyes* Si Jameson my loves nga. "Alam mo ba, magdamag kang nasa isip ko, nakatulog ka bang mabuti?" nakangisi niyang tanong. Automatic naman akong napangiti. Eeee! Enebe! Kahit simpleng banat lang yun ay kinikilig na ako. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "Syempre, ano pa nga ba. Para sunduin ang girlfriend ko." sagot niya sa 'kin. Mas lalo tuloy akong kinilig. "Tara na sa school baka ma-late pa ako." pag-aaya ko. Dapat hindi na kami magtagal pa dito sa tapat ng bahay dahil baka makita kami ni Kuya Rafael. Baka ma-hot seat 'tong si Jameson kapag mangyari 'yon. Artista pa naman 'tong boyfriend ko. "Okay, pasok ka na." sabi niya nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad naman akong pumasok tapos sinara na niya ang pinto. Pumasok na rin sa loob si Jameson. Habang nagmamaneho siya ay may tinanong siya sa 'kin. "Kumusta naman ang pinapagawa ko sa 'yo? Kayo na ba ni Lance?" tanong niya sa 'kin. "Hindi pa pero malapit nang mangyari 'yon." sagot ko sa kanya. "Mabuti naman kung gano'n." tugon niya. Wala pang fifteen minutes ay nasa school na kami kumpara kapag sumakay ka sa bus na forty minutes ang tagal. Okay din pala na sumasabay dito sa kotse ni Jameson. Sana araw-araw niyang gawin 'to. "Mauna ka na sa loob baby. I-pa-park ko lang 'tong kotse ko." sabi sa 'kin ni Jameson. Tumango lang ako at nagpaalam na sa kanya. Pagkapasok ko sa school ay napansin ko ang tinginan ng mga estudyante sa 'kin. Teka, may dumi ba ako sa mukha? Pumunta agad ako sa rest room para tignan kung may dumi ba ang mukha ko. Pero wala naman ah. Bakit kaya sila nakatingin sa 'kin? "Hoy Mira!" sigaw ng isang babae na nasa loob ng cubicle. "Nabalitaan mo na ba? Si Rafaela daw at si Lance nag-de-date na." Automatic na nagpintig ang tainga ko nang marinig ko yung pangalan ko at ni Lance. Ha? Kami ni Lance? Nag-de-date? Saang source naman nila napulot 'yang balita na yan? "Oo nga Joy. Kalat na kalat na raw sa buong school ang nangyari. Ewan ko lang sa labas. Pero grabe ha. After Lucas, si Lance naman? Ang landi talaga ng babae na 'yon. Sarap niyang sabunutan." sagot ng kasama niya sa kabilang cubicle. "Tumpak ka diyan girl. Baka nga may balak siyang landiin si Jameson sa susunod. Kawawa naman si Idol Elisa. I'm sure nasasaktan siya ngayon sa balitang nalaman niya." Napakuyom naman ang kamao ko dahil do'n. Sino sila para husgahan ako? Nabadtrip tuloy ako. Akala ko magiging maganda ang umaga ko ngayon. Lumabas na ako ng rest room at naglakad papuntang first subject ko. Pero nagulat na lang ako nang may mga taong lumapit sa 'kin. Mga reporters, tapos maraming taga-media. Mga press ata 'to. Anong nangyayari? "Miss Rafaela Montebello, totoo ba ang chismis na nag-de-date kayo ni Lance Jerold Kim?" tanong sa 'kin ng isang reporter. "Totoo bang nang-agaw ka ng boyfriend ng iba?" "Ano ang masasabi mo sa kumakalat na balita ngayon?" Puro flash sila ng mga camera nila. Ang sakit sa mata! Wala akong maaninag. "Please stop that." may narinig akong isang pamilyar na boses. Hindi ko namalayang nandito na pala sa tabi ko si Lance. Teka, anong ginagawa niya rito? Paano niya nalamang nandito ako? "Let us enter the school in peace. My girlfriend is not really feeling well today." sabi pa niya sa reporters. Oo nga. Mga epal 'tong mga-- Wait, Anong sabi niya? GIRLFRIEND???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD