[RAFAELA'S POV]
Nang malampasan namin ang mga reporters ay dumiretso kami ni Lance sa clinic ng school, 'di ko napansing magka-holding hands pala kami habang naglalakad.
Nang makarating kami sa clinic ay walang tao ro'n. Sinara ni Lance yung pintuan.
"Are you okay? May nasaktan ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin.
"Bakit mo sinabi sa kanilang girlfriend mo ako? At saka bakit may kumakalat na issue na may relasyon daw tayong dalawa?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko namang napayuko siya.
"Sorry for what happened earlier. May nakakilala sa 'kin kahapon sa mall dahil sa suot kong damit." - Lance
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Yung suot kong damit kahapon. It's my own designed shirt. Ako lang ang taong nagmamay-ari no'n. Minsan ko suot yun kapag gusto ko. Everyone knows about that shirt. I'm sorry for causing you trouble." pagpapaliwanag niya.
Pero hindi ko pa rin ma-gets ang ibig niyang sabihin. Anong kinalaman ng shirt niya sa issue?
"Ha?" yun lang ang nasabi ko.
"You still don't get it?" tanong niya.
Tumango naman ako. Eh sa hindi niya ineexplain nang maayos ang pinopoint niya.
Kinuha naman ni Lance ang phone niya. May pinindot-pindot pa siya at binigay niya ito sa 'kin.
Kinuha ko naman ito at tinignan ang nasa screen.
*shock*
Yung suot niya kahapon ay kapareho sa suot niya sa isa pang picture na kita ang mukha niya. Kita rin ang mukha ko na masayang kasama siya.
Ito pala ang pinopoint niya.
"Now you get it?" tanong niya.
I nodded. "Pero bakit mo sinabi sa media na girlfriend mo ako?" tanong ko sa kanya.
"To protect you." sagot niya.
"Ha? To protect me? Parang mas lalo mo pa yatang pinalala yung issue." sabi ko kay Lance.
"Don't worry. Magpapa-schedule ako ng press conference about the issue. We will explain everything and pretend to be couple." aniya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa huling sinabi niya.
"Hoy, anong pretend to be couple ka diyan? Hindi ako papayag diyan sa plano mo." sabi ko sa kanya. At saka hindi yan ang nasa plano ko.
"Kapag hindi natin ginawa yun, sasabihin nilang malandi ka, s**t ka, flirt ka. Buti nga yun eh pinagtanggol pa kita." - Lance
"So kailangan ko pang magpasalamat sa 'yo dahil sa ginawa mo." sarcastic kong sabi.
"Yes, you should be thankful na magiging fake boyfriend mo ang gwapong nilalang na 'to." nakangiti pa niyang sabi sabay kindat. Ay grabe, bumabagyo yata ngayon. Mga nasa Signal No. 10 na dahil sa kahanginan niya.
"Yabang." bulong ko.
"Hindi ako mayabang. Sadyang nagsasabi lang talaga ako ng totoo." aniya. Whatever.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng clinic. May isang babaeng nurse na nakatayo roon at nanlaki pa ang mga mata niya nang makita niya kami. Baka kung ano ang isipin nito tungkol sa aming dalawa.
"Please check her." sabi ni Lance sa babaeng nurse.
"S-sige po." tugon ng babaeng nurse at nilapitan niya ako.
Agad naman ako tinignan ng nurse. Chineck niya ang balat ko kung may sugat ba ako at tinignan niya rin ang blood pressure ko.
"She's fine. Wala naman siyang sugat na natamo at okay rin ang heartbeat niya." sabi ng babaeng nurse. "Pero Miss, kung may nararamdaman kang hindi maganda pumunta ka lang dito sa clinic."
"Sige po." sagot ko sa nurse.
Nang makalabas na kami ng clinic ay wala na kaming nakita pang mga reporters. Buti naman.
"Teka, ano pala ang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Nagtataka nga ako kung bakit siya nandito sa DCU.
"Cast ako ng bagong movie na kukunan dito sa school niyo." sagot niya sa 'kin.
Kasama pala siya sa bagong movie nina Jameson? Sana second lead lang ang role niya. Dapat sa boyfriend ko ang main role. Hihihi! Ang sarap pakinggan sa ears na boyfriend ko si Jameson my loves.
"Yung reporters din kanina na lumapit sa 'yo ay para sana sa interview ng bagong movie. Kaso dahil sa nangyari sa 'yo ay na-cancel na yung interview." dagdag pa niya. Nangongonsensiya ba 'tong lalaking 'to? "Sige na, pumunta ka na sa class mo." sabi pa niya.
Hindi naman ako tumugon pero sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ako pwedeng umabsent lalo na't may perfect attendance ako.
***
Pagkatapos ng morning classes ko ay naghanap ako ng place na walang tao. Parang ayoko kasing kumain sa cafeteria. Kanina kasi habang nasa klase ako ay nafifeel ko ang indifference sa 'kin ng mga classmates ko. Ewan ko pero ang sama ng tingin nila especially yung mga girls. Tapos idagdag mo pa 'tong si Lucas na daig pa ang nasa talk show kung makatanong tungkol sa nangyari.
Una ko munang pinuntahan ay ang playground kung saan ako dinala dati ni Lucas. Pero may mga batang naglalaro doon. Weekdays pala ngayon kaya may mga bata.
Sunod ko namang pinuntahan ay ang garden. Buti na lang at walang tao ro'n.
Umupo ako sa isa sa mga bench at nilabas ko ang aking baon na sinangag at hotdog. Napaka-peaceful naman dito. Tapos tanaw ko pa ang iba't ibang klase ng mga bulaklak. Ang sarap din ng simoy ng hangin dito.
After kong kumain ay tumayo na ako at inilagay ang aking pinagkainan sa bag. Then lumabas na ako ng garden.
Habang naglalakad ako sa corridor ay may bigla namang humarang sa 'kin na mga girls na hindi ko kilalala.
"She's the one."
"Talaga? Itong low-class girl na 'to?"
May mga babaeng lumapit sa 'kin at tinuro-turo pa ako.
Tinawag pa talaga nila akong low-class girl. Ano naman ang ginawa kong kasalanan sa kanila?
"Totoo bang nag-de-date kayo ni Fafa Lance?"
"Ha?" yun lang ang nasabi ko. Wala akong masagot.
"Sino ka para i-date siya? You're just an unknown girl."
"Tapos ang landi mo pa! Inaakit mo si Lance habang sila ni Elisa!"
Napakuyom ako bigla nang may tumawag sa 'king malandi. Agad kong nilapitan yung babaeng tumawag sa 'kin ng malandi at pinagsusuntok ko siya na parang si Pacman. Pinagtatadyakan ko sila at napaluhod naman sila sa harap ko habang umiiyak at humihingi ng sorry.
Pero syempre joke lang yun. I'm not like that. Baka ma-expel pa ako kapag ginawa ko yun. Ito talaga ang totoo ng nangyari.
Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad. Kaso hinawakan ng babae yung braso ko nang mahigpit na mahigpit. Yung iba naman pinaligiran ako.
"A-aray." ang nasabi ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak sa 'kin.
Huhuhu! Someone please help me.
"Excuse me? What are you doing to her?"
Napalingon sila sa nagsalita at bigla naman akong binitawan nung isang babae at halatang nagulat sila. Napatingin ako dun sa nagsalita at nanlaki ang mga mata kung sino ang nakita ko.
Si Elisa Vermunte?
"M-miss Elisa."
"Alam niyong bullying 'tong ginagawa niyo. Pwede ko kayong isumbong sa dean dahil sa ginagawa niyo sa kanya." sabi niya sa mga babaeng umaapi sa 'kin.
Teka, tama ba 'tong nakikita ko?
Nililigtas ako ni Elisa?
"P-pasensiya na po Miss Elisa." sabi sa kanya ng babaeng tumawag sa 'kin ng malandi.
"Say sorry to her." sabi pa niya sa mga babae.
"Sorry sa ginawa namin Miss Rafaela." they said in chorus at agad silang umalis.
"Are you okay Miss?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Elisa.
"A-ayos lang ako." sagot ko sa kanya.
"Good thing that I saw you. Dapat hindi ka rin nagpapaapi at matuto kang lumaban. Hindi sa lahat ng oras ay may tutulong sa 'yo. Kailangan mo ring ipagtanggol ang sarili mo sa tuwing may umaapi sa 'yo." sabi niya sa 'kin. Si Elisa ba talaga 'to?
Tumango lang ako sa sinabi niya.
"By the way, it's nice to finally meet you Rafaela." sabi sa 'kin ni Elisa.
"Teka, kilala mo ako?" tanong ko sa kanya. Alam niya kasi ang pangalan ko.
"It's on your ID." sabi niya. Ay oo nga pala, may ID pala akong suot. Akala ko kilala niya talaga ako.
Pero mabait naman pala siya sa personal. Kabaligtaran ng pagkukuwento sa 'kin ni Jameson tungkol sa kanya. Na-guilty tuloy ako dahil jinudge ko siya nang masama.
"Salamat pala sa pagligtas mo sa 'kin kanina." sabi ko sa kanya.
"Wala yun. Pero simula ngayong araw na 'to ay friends na tayo ha." tugon niya.
Mga ilang minuto rin kaming nag-usap ni Elisa. Sa totoo lang, ang sarap niyang kausap. Para ngang barkada na ang turingan namin.
Nagkapalitan din kami ng number ni Elisa bago siya magpaalam.
"I have to go na Rafaela. Tinatawag na kasi ako ng manager ko." aniya sa 'kin.
"Sige, see you next time na lang." sabi ko sa kanya.
At umalis na siya.
[ELISA'S POV]
I smiled dahil nagtagumpay ako sa plano kong maging friend siya.
"Grabe din ang acting skills mo Miss Elisa. Napaniwala mo agad yung low-class girl na yun." sabi sa 'kin ni Agatha. Yung isa sa mga umapi kay Rafaela kanina.
"Kayo rin naman ay magaling umacting. You did your job well done." sabi ko sa kanila. Yung nangyari kanina kay Rafaela ay isang palabas lang yun. Inutusan ko silang apihin siya habang ako naman ay magpapanggap na 'to the rescue' sa kanya.
Simula nang may lumabas na issue tungkol sa kanila ni Baby Lance ko ay nainis ako lalo na sa babaeng yun. Matagal ko nang inaakit at nilalandi si Lance pero hindi ito tumatalab sa kanya. Tapos sobrang nainis pa ako nang malaman kong close pala sila ni Kisses. Ang babaeng kinaiinisan ko rin. Buti na lang at wala na siya sa landas namin. Pero may dumating namang bagong kinaiinisan ko. Si Rafaela.
Kinaibigan ko lang siya para sa binabalak kong plano para sa kanya. Yun ay ang ilagay siya sa tamang lugar kagaya ni Kisses. Hindi siya nababagay para kay Lance. Masyadong low ang babaeng yun para i-pair siya sa isang celebrity. Ako lang ang nababagay kay Baby Lance at wala nang iba pa.
Ano ba ang meron sa babaeng yun para pansinin siya ni Lance? Is she good on bed? I can do better than that.
Ipaparanas ko sa babaeng yun ang ginawa ko kay Kisses para ma-realize niya kung saan nababagay ang tulad niyang walang kwenta.