Chapter 29

1153 Words
[RAFAELA'S POV] "Kanino galing ang sulat?" tanong sa 'kin ni Kuya Rafael. "Ah a-ano... Galing kay Lucas." pagsisinungaling ko sabay tago sa likod ko ang pictures at sulat. Tumango naman siya at saka umalis papuntang kusina. Ako naman ay napaupo sa sofa at tinignan ang sulat at litrato. "Sino kaya ang nagpadala nito?" tanong ko sa sarili ko. Kung sino man ang nagpadala nito, pakiramdam ko ay matindi ang galit niya sa 'kin. Natakot tuloy ako bigla. Pero teka, ang sabi sa sulat ay 'stay away from Jameson'. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Nakakatakot talaga ang pagbabanta ng B.M. na 'to. *** - MONDAY - Lunes na lunes ay napuyat ako dahil sa kagagawa ko ng dance step para sa special project at pati na rin sa pag-me-memorize ko ng script. Ang dami kong gagawin. Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay napansin ko agad ang tinginan ng mga classmates ko especially the girls. "OMG! Andyan na siya." "Totoo kaya ang lumalabas na balita tungkol sa kanya?" "Grabe, hindi ako makapaniwalang ganyan pala siya kalandi." "At may gana pa talaga siyang pumasok." "Argh! I hate her." Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga bulungan nila. Ano ba ang pinagsasabi nila? "Rafaela." tawag sa 'kin ni Lucas. Agad naman akong lumapit sa kanya. Pero may napansin ako kay Lucas, parang may kakaiba sa tingin niya. "May problema ba Lucas?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi ka ba nagbukas ng social media kanina?" aniya. "H-hindi. Nagmamadali kasi ako dahil late na akong nagising. Ano bang meron?" tanong ko. Kinuha niya ang phone niya. "You have to see this." sabi niya at pinakita niya sa 'kin ang nakalagay sa screen. *shock* What the-- *** DCU Chikas shared a link "Celebrity Hooker "Rafaela Montebello", pinagsabay ang dalawang top actors na sina Jameson Faulkerson & Lance Jerold Kim. Sino kaya ang viral girl na 'to?" dyosanews.ph 69K Reactions • 100K Comments • 1.3K Shares *** Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. "Kalat na kalat na sa social media ang balitang yan." - Lucas Binuksan ko naman ang link. *shock* Muntikan ko nang mabitawan ang phone nang makita ko ang picture ko do'n. Pati na rin ang dalawang picture na kapareho ng ipinadala sa 'kin noong sabado. Sino ba ang nagkalat nito? *tenenenenenenenen!* Bigla namang tumunog ang phone ko. May nag-text. *** From: Unknown Number Nakita mo na ba ang news feed ng facegram mo? Mas malala pa ang gagawin ko diyan kapag hindi mo nilayuan si Jameson Faulkerson. - B.M. *** Napalunok ako bigla nang mabasa ko ang text. Paano niya nalaman ang number ko? "Are you okay Rafaela?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Lucas. "O-oo. Okay lang ako." pagsisinungaling ko. I'm not okay. Natatakot ako. Pero natatakot din akong sabihin sa kanya ang tungkol dito dahil baka nandito yung B.M. na yun at lumala pa ang sitwasyon. I need someone who could help me. But who? "Kailangang makita 'to ni L.J." narinig kong sabi ni Lucas pero hindi ko 'yon pinansin. Agad naman akong tumayo para lumabas at hanapin si Jameson. *blaaaaaggggggggg!* "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Pero bago ako makalabas ng classroom ay may pumatid sa 'kin, nadapa tuloy ako. Nakita ko yung mga classmates kong pinagtatawanan ako. "Yan yung bagay sa 'yo malandi ka!" "Two-timer!" "Hooker!" "Pangit!" "Pasikat!" "Hindi mo mapapantayan ang kagandahan ni Miss Elisa Vermunte!" "BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Pakiramdam ko ay wala akong laban. "Rafaela!" narinig kong sigaw ni Lucas. Agad naman niya akong inalayan sa pagtayo. "Tumigil na nga kayong lahat! Sino ba kayo para husgahan siya? Alam niyo ba ang buong kwento? Napakinggan niyo na ba ang side ni Rafaela?" galit na sabi ni Lucas sa mga classmates ko. Nagsitahimik naman sila. Ang sakit ng tuhod ko pero pinilit ko pa din na tumakbo. Tumakbo ako palayo sa classroom na 'yon. Pero nanlaki ang mga mata ko nang sinalubong ako ng mga reporters. "Miss Montebello, ano po ang masasabi niyo sa kumakalat na issue tungkol sa 'yo?" "Is it true na hooker ka?" "Ilang lalaking celebrity na ang nakarelasyon mo?" "Sino ang mas gusto mo kina Jameson at Lance?" "Totoo bang pinagsabay mo silang dalawa?" Sunod-sunod na tanong sa 'kin ng mga reporters. Waaaaaaa! Help me! "EXCUSE US!" "EXCUSE US!" May narinig akong dalawang pamilyar na boses. Nagtinginan ang mga reporters. Napatingin din ako. *shock* Sina Lance at Kisses. "EXCUSE US!" they both said. Lumapit naman sa 'kin sina Lance at Kisses. "Tara na Rafaela." sabi sa 'kin ni Kisses. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila. "Girlfriend mo din ba si Miss Montebello, Lance?" "Ano ang relasyon niyo? Anong masasabi niyo sa kumakalat na issue na hooker siya?" "Kasinungalingan ba ang lahat ng sinabi niyo noong press conference ninyong dalawa?" "Bakit kasama niyo rin si Miss Kisses Alonte?" "Magkakilala ba kayong tatlo?" Hinawakan ni Lance ang kanang kamay ko at hinila ako sa pagitan ng mga press. "EXCUSE US!" aniya sabay hila sa 'kin patakbo. Hinahabol pa rin kami ng mga press pero mabilis na tumakbo si Lance habang hila-hila ako. Halos madapa-dapa na ako sa sobrang bilis tumakbo ni Lance na halos kaladkarin na ako. Plus the fact na masakit pa ang paa ko sa pagpatid sa 'kin kanina ng isa kong classmate. Pero dahil gusto kong makaalis sa mga reporters na 'yon ay nagpaubaya na ako at tumakbo na rin. Nang makalabas na kami ng school ay saktong may mga guards na pumigil sa mga reporters. "Sumakay ka kayo!" sabi ni Lance sa 'min ni Kisses nang marating namin agad yung kotse niya. Sumakay naman kami ni Kisses. Sa harap ako na katabi ng driver's seat umupo habang sa likod naman si Kisses. Si Lance ang nagmamaneho sa kotse niya. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako dahil sa nangyari. "Sshhh! Calm down Rafaela. Everything will be alright." narinig kong sabi ni Lance at hinaplos niya ang ulo ko. Dahil sa ginawa niya ay kumalma ako. [THIRD PERSON'S POV] May kausap na misteryosong lalaki si Elisa. "Bakit mo ako pinapunta rito? Hindi ba't ikaw yung lagi kong nakikitang nakakasama dati ni Jameson?" tanong ni Elisa sa misteryosong lalaki. "Ako nga yun. Kaya kita pinapunta rito para sa isang proposal." sagot ng misteryosong lalaki. "Proposal?" nagtatakang tanong ni Elisa. Ngumiti naman na parang demonyo ang misteryosong lalaki. "Gusto mo bang mapasa 'yo na nang tuluyan si Jameson?" ang misteryosong lalaki. "Anong ibig mong sabihin?" si Elisa. "I can help you." ang misteryosong lalaki. "Help huh?" si Elisa. "Tutulungan kitang mapasa 'yo siya." ang misteryosong lalaki. "But I am no longer interested with him." si Elisa. "Hindi pwede!" ang misteryosong lalaki. Natigilan naman si Elisa sa sigaw na 'yon. "And who the hell are you to shout at me?" galit na sabi ni Elisa. Tumayo naman ang misteryosong lalaki at pumunta sa likod ni Elisa. "Ako lang naman ang taong pwedeng tumupad sa mga gusto mo." sagot ng misteryosong lalaki. Napangisi naman si Elisa dahil do'n. Animo'y nagustuhan niya ang sinabi ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD