Chapter 28

1290 Words
[LANCE'S POV] Naikuyom ko ang kamao ko nang nilampasan ko siya. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya. Hindi ko matanggap na niloko niya ako. Niloko niya ako kahit wala naman talaga kaming label. Hindi ko matanggap na sila pala. Paano nangyari yun? Hindi ko maintindihan. Ilang saglit pa ay nakasalubong ko ang kapatid ko na naglalakad sa corridor. "Oh pre, saan ang punta mo? Hinahanap mo ba si Rafaela?" tanong niya sa 'kin. "Hindi, babalik na ako sa set. Nagbanyo lang ako." sagot ko kay Lucas. "Ah akala ko pa naman hinahanap mo siya." aniya. Kahit half-brother ko lang siya ay siya lang ang nakakaalam sa mga sikreto ko. Isa na do'n ang nakaraan naming tatlo ni Rafaela. "O siya, may klase pa ako. Sabay tayo mamayang umuwi ha?" aniya. "Geh." tipid kong sagot sa kanya. "Magkita na lang tayo mamaya sa parking area L.J." dagdag pa niya at umalis na siya. Kahit na magkaiba ang Nanay naming dalawa ay hindi iyon naging hadlang upang kamuhian namin ang isa't isa. Sa katunayan, mas naging close pa kaming dalawa despite of our differences. Jolly siya, masungit ako. May pagkamadaldal siya, tahimik lang ako. Babaero siya, loyal ako. Hahaha! Maliban sa pareho kami ng Daddy ay may isa pa kaming similarities. Yun ay pareho naming kilala si Rafaela. Unang tingin ko pa lang dati kay Rafaela noong birthday naming dalawa ay na-inlove agad ako sa kanya. Hindi ko lang pinahalata at sungit-sungitan lang ako. Pero hindi ko talaga mapigilang mamangha sa ganda at cuteness niya. Kaya ang ginawa ko noon ay niyakap ko siya behind her back at hinalikan sa pisngi. Nagulat nga siya sa ginawa ko at biglang umiyak. Pero pagkatapos ng birthday naming dalawa ay hindi ko na siya nakita ulit dahil nangibang bansa na kami nina Mom at Dad. Si Lucas na lang ang nakikita niya at hindi na ako nagtaka pa kung gaano sila ka-close ngayon. But after so many years ay nagkita ulit kami. But in an unexpected way. Unang pagkikita ulit naming dalawa sa bus noon ay naghalikan agad kaming dalawa. Noong una, medyo nainis ako although may kakaiba akong naramdaman sa halik na 'yon. Pero noong malaman ko mula kay Lucas na siya pala ang batang nakalaro namin noong birthday namin ay biglang nawala ang inis ko. Simula nang malaman kong siya pala ang first love ko ay nag-isip agad ako ng paraan para mapasa 'kin siya. Pero mukhang malabong mangyari 'yon lalo na't may boyfriend na siya. *sad* Ano ba ang nakita niya sa lalaking 'yon? O sadyang naging mabagal lang talaga ako. Plano ko sanang ipagkalat sa buong mundo na girlfriend ko siya during our press conference pero nilamon ako bigla ng galit at selos ko. Ngayon na wala na talaga akong pag-asa sa kanya ay kailangan ko na talagang mag-move on. Mawawala rin 'tong nararamdaman ko sa 'yo Rafaela. - SATURDAY - [RAFAELA'S POV] Dance at vocal training namin ngayong araw. Hanggang ngayon ay ang cold pa rin sa 'kin ni Kisses. Hindi ko na talaga 'to matiis pa. Pagkatapos ng aming training ay nilapitan ko agad si Kisses. "Kisses, sandali!" pagpipigil ko sa kanya. Tumigil naman siya pero hindi niya ako nilingon. "Anong sasabihin mo?" tanong niya. "Pwede bang sa isang coffee shop na lang tayo mag-usap?" I asked her. "No, wala akong pera." - Kisses "Ako ang magbabayad." "May gagawin pa ako." - Kisses "Kahit ten minutes lang." "No." - Kisses "Five minutes." "No and that's final." sabay lakad papalabas. Ang hirap naman niyang pakiusapan. Ganito ba talaga siya kapag galit? "I'll tell you everything." ang nasabi ko sa kanya kaya napatigil siya. Napatingin siya sa akin. "Everything?" aniya. Tumango naman ako. "Okay." tipid niyang sagot kaya natuwa naman ako. Nang makarating kami sa coffee shop ay binati kami ng isang gwapong nilalang. Shaun ang pangalan. "Good day Ma'am. Welcome to JaxShaun Coffee Shop." bati sa 'min nung Shaun. "Hello Shaun. Musta naman ang new coffee shop niyo?" tanong ni Kisses sa kanya. Magkakilala sila? "Okay naman Kisses. Mas lumalaki ang kita namin." sagot nung Shaun. "Nice. I hope makapagtayo kayo ng panibagong branch at makagawa kayo ng new set of coffees." - Kisses "Sana nga." - Shaun Pumila kaming dalawa ni Kisses sa counter. "Magkakilala kayong dalawa ng lalaking yun?" tanong ko kay Kisses. "Yep, at 'wag mo siyang lalandiin dahil may boyfriend na 'yan." aniya. Napatungo naman ako dahil do'n. Iniisip ba niyang malandi ako? At teka, boyfriend? Baka girlfriend kamo. "Good day Ma'am. What do you want to order?" tanong sa 'min ng gwapong barista. Jax ang pangalan. "One expresso please." sabi ni Kisses sa barista. "Isang cappuccino naman ang sa 'kin." sabi ko naman sa barista. Pagkatapos naming umorder ay naghanap kami ng vacant seat at saktong nahanap namin ang pinakapribado. "Now spill." aniya. Kinuwento ko lahat lahat sa kanya ang meron sa amin ni Jameson. Kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nagkaroon relasyon, at pati na rin ang deal naming dalawa. "You mean inutusan ka niyang maging spy sa 'min ni Lance? How could you!" galit niyang sabi sa 'kin. "Sorry talaga Kisses. Ginawa ko lang naman yun dahil fan niya ako." sabi ko sa kanya. "Tapos gagawin mo pang boyfriend mo si Lance while you are in a relationship with Jameson? Malandi ka nga talaga. Mas malala ka pa kay Elisa." sabi niya kaya napakagat-labi naman ako sa guilt. "Nakipag-break na ako kay Jameson kahapon." sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya. "H-ha?" hindi makapaniwalang reaksyon niya. "Nakipag-break ako sa kanya. Na-realize ko kasing hindi pagmamahal 'tong nararamdaman ko sa kanya. Maybe paghanga lang 'tong nararamdaman ko." I said to her. "What do you mean?" - Kisses "Kinumpara ko ang nararamdaman ko kay Jameson at kay Lance. Ewan ko pero sa tuwing nakikita ko si Lance ay parang may kakaiba sa aking puso. Siya lang ang nagpaparamdam sa 'kin nang ganito. Kapag si Jameson naman ang nakikita ko, kinikilig naman ako. Pero hindi yung kilig na ma-fa-fall ka talaga sa kanya. Iniisip kong na-i-inlove ako kapag kinikilig ako kay Jameson. O baka pinipilit ko lang ang sarili kong ma-inlove ako sa kanya. Nalilito ako sa nararamdaman ko." mahabang paliwanag ko. Nakita ko naman ang pagngisi ni Kisses kaya napakunot ang noo ko. "Mukhang in love ka na sa kanya." aniya kaya mas lalo akong nagtaka. "H-ha?" "Nothing. Ngayon na narinig ko na ang explanation mo. Maybe it's time for me to forgive you." aniya na ikinatuwa ko naman. "T-talaga?" "Yes, but you have to prove that you really value our friendship." - Kisses "What do you mean?" "One more mistake, friendship over na talaga." - Kisses "Salamat Kisses dahil binigyan mo ako ng second chance." "Matitiis pa naman kita?" sabi niya. Nagkuwentuhan at nagtawanan lang kaming dalawa. *** Nang makauwi na ako ay sinalubong ako ni Kuya Rafael. Sinabi niya sa 'kin ang mga kantang pinili nila ni Lucas na kailangan kong gawan ng choreography. "At oo nga pala, mayroon kang sulat. Nakita ko lang yan sa may gate." sabi niya sabay bigay sa 'kin ang isang envelope. Napakunot naman ang noo ko. Sino kaya ang nagpadala nito? First time ko kasing makatanggap ng sulat at itim pa talaga ang envelope. Baka invitation 'to para sa lamay. Meron bang gano'n? Binuksan ko naman ang envelope. *shock* At nanlaki ang mga mata ko sa laman nito. Dalawang picture. Yung isang picture ay yung picture namin ni Jameson na naghahalikan. At yung isa naman ay magka-holding hands kami ni Lance. Nakaramdam ako bigla ng kaba. May nakita pa akong isang papel sa loob kaya binuksan ko ito. *** Stay away from Jameson Faulkerson. Or else... - B.M. *** Napalunok ako sa nabasa ko. Halatang may pagbabanta ito. Sino ang nagpadala nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD