Chapter 27

1098 Words
[RAFAELA'S POV] Pakiramdam ko ay bumalik ang lahat sa dati. Yung hanggang tingin lang ako kay Jameson. Noong hindi ko pa naging kaibigan si Kisses. Noong hindi pa kami nag-meet ni Lance. Parang nag-time travel lang ako. Tanaw na tanaw ko mula sa bintana ng classroom si Jameson na ka-eksena si Elisa sa taping. Simula nang sinabi niya sa harap nina Lance at Kisses na girlfriend niya ako ay hindi ko na sila malapitan pa. Hanggang ngayon ay na-gui-guilty pa rin ako sa ginawa ko. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa karupukan ko ay hindi sana mangyayari 'to. Pero okay na rin ang ganito. At least tahimik na rin ang buhay ko. Nasaktan lang talaga ako sa F.O. namin ni Kisses. Ramdam ko pa rin ang coldness niya sa tuwing nagkikita kaming dalawa. Sana maging maayos na ang lahat sa aming dalawa. Maya-maya pa ay dumating na yung prof para sa subject na 'to. "Good morning class." bati sa 'min ni Mr. Cedron. "Good morning Sir Jed." sabay sabay naming bati sa kanya. "Okay class, wala tayong klase ngayong araw na 'to. But I have a special task na ibibigay sa inyo. I will group you into three members. Ang gagawin niyo lang ay gagawa kayo ng production number or performance. Dapat both singing and dancing ay gagawin niyo just like k-pop groups. The performance should be at least five minutes and you should perform at least two songs. You only have three weeks to finish the tasks. Understood?" - Sir Jed "Yes, Sir Jed." sabay sabay naming sagot. "I will post the criteria later at our group chat. And now, it's time for the groupings." - Sir Jed Sana makagrupo ko sina Kuya at Lucas. "Blossom Del Valle, Bubbles Lopez and Bellum Salvador." "Maxwell Stanford, Kaizer Sandford and Drake Willford." "Clarence Marco, Clarisse Perez and Clint Navarro." "Joseph Lim, L.A. Echavez and Lady V Jeon." "Layzhelle Aballa, DO Diaz and Kayleen Ann Igao." And so on... And so on... "Last group are Lucas Alexander Kim, Rafael Montebello and Rafaela Montebello." Yes! Magkagrupo kaming tatlo. "Hangga't maaga pa ay dapat niyo nang paghandaan ang gagawin niyong production number para mapa-impress niyo ang panel of judges. Makikilala niyo ang panel of judges sa takdang panahon. Sa ngayon, class dismissed. Goodbye class." - Sir Jed Nang makaalis na si Sir Jed ay kanya-kanya na kaming plano sa gagawin naming production number. "Ano ang una plano natin?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Magsimula muna tayo sa pagpili ng kanta. Kailangan nating mag-perform ng at least two songs." sagot ni Lucas. "May alam ba kayong kanta?" "Puro rock songs lang ang nasa playlist ko." si Kuya Rafael. "Sige, i-se-search ko na lang sa Google ang mga kantang pwede nating i-pe-perform." si Lucas. "Ako na ang bahala sa choreography." sabi ko sa kanila. "Sige." si Lucas. Umabot hanggang lunch break ang pagpaplano namin para sa prod number. "Sige Rafaela, mauna ka na sa cafeteria. CR muna kaming dalawa ni Lucas." sabi sa 'kin ni Kuya Rafael. "H-ha?" nagtatakang sambit ni Lucas pero kita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Basta sumunod ka na lang." sabay batok ni Kuya Rafael sa kanya. Tumayo na silang dalawa at nagpaalam sa 'kin. Weird. - CAFETERIA - Nang makarating ako sa cafeteria ay saktong nakasalubong ko si Director Tim. "Long time no see Rafaela. It's been two weeks simula noong nakausap kita." sabi sa 'kin ni Director Tim. "H-hello po Director Tim." bati ko sa kanya. "Sakto at nahanap kita. Nakapagdesisyon ka na ba tungkol sa offer na binigay ko sa 'yo?" tanong niya sa 'kin. Yung tinutukoy niya ay ang isasali ako bilang cast ng movie na kasama sina Lance, Elisa at Jameson. "Ah pasensiya na po Direk. Hindi ko ho matatanggap ang offer niyo. Marami po kasi akong gagawin." sagot ko sa kanya. Maliban sa magiging busy ako ay ayoko silang makitang dalawa. Alam niyo na kung bakit. "Gano'n ba? Sayang dahil nakikitaan pa naman kita ng potential. Hindi na ba magbabago ang isip mo?" - Director Tim Ngek! Nakikitaan daw niya kuno ako ng potential. Hindi pa nga niya ako nakikitang umarte eh. "Pretty please. Pumayag ka na." sabi niya with matching puppy eyes pa. Waaaaa! Bakit ganyan siya makatingin? Parang ang hirap tanggihan. Huhuhuhu! Ang cute niyang tignan. No Rafaela. Hindi pwede. Wag kang magpadala sa cuteness niya. "Sige." ang nasagot ko bigla. Waaaaa! Ano ba self! Bakit parating sumasalungat ang bibig mo sa iniisip mo? "Great! Ipapadala ko mamaya sa bahay niyo ang script. Don't worry dahil konti lang naman ang scenes mo sa movie." aniya. "P-pero..." "I'll see you next week Rafaela. Make sure na sa susunod nating pagkikita ay memorize mo na 'yan." aniya. Aangal sana ako pero umalis agad siya. Hindi man lang niya ako pinagsalita. Haaay! Bakit kasi ganito ang bibig ko? Laging sumasalungat. May sumasapi ba sa aking espiritu kaya hindi ko makontrol ang pagsasalita ko? Tinignan ko naman ang script na binigay sa 'kin ni Director Tim. Ano pa ba ang magagawa ko. Kailangan ko nang tanggapin ang offer niya kahit labag sa kalooban ko. At siguro naman ay may kikitain ako sa pag-arteng kong 'to para mabawas-basawan man lang ang gastusin nina Mama at Papa para sa tuition ko. "Rafaela!" May tumawag sa pangalan ko. "Elisa!" sambit ko nang makita ko ang tumawag sa pangalan ko. Lumapit naman siya sa akin. "How are you? Matagal din tayong hindi nagkita." tanong niya sa 'kin. "A-ayos lang ako." sagot ko kay Elisa. "I just saw you talking to Director Tim. Ano bang pinag-usapan niyo?" aniya. Sasabihin ko ba sa kanya? "Ha? W-wala 'yon." sagot ko sa kanya. Ayoko munang sabihin ang tungkol sa pagiging cast ko sa movie nila. I-su-surprise ko na lang sila sa set. Hehehe! Tumagal ang pag-uusap namin ni Elisa. Well, nag-usap lang kaming dalawa ng kung ano-ano and all I can say is masarap talaga siyang kausap. Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. Pagkatapos ng lunch break ay pumunta ako sa Music Club Room. As usual, cold pa rin sa akin si Kisses. Naiintindihan ko naman siya pero hindi ko talaga kayang tanggapin na gano'n siya sa 'kin. Pagkatapos ay pumunta na ako sa first subject ko this afternoon. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko bigla si Lance. Napatigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya at blangkong tinignan niya ako. *sad* At nilagpasan niya ako. Galit pa rin siya sa 'kin. Sa tuwing iniiwasan niya ako ay nasasaktan ako. Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Akala ko ay si Jameson talaga ang gusto ko. Pero nagkamali pala ako. Bakit ako nagkakaganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD