[RAFAELA'S POV]
*boogsh!*
Nagulat na lang ako nang may humila kay Jameson mula sa pagkakahalik sa 'kin.
Si Lance.
Bigla na lang niya sinuntok si Jameson.
"Oh my gosh!" narinig kong sigaw ni Kisses.
Napahiga si Jameson dahil sa suntok ni Lance.
"Bastos ka ah!" galit na sabi ni Lance at hinawakan niya sa kwelyo si Jameson. "Ba't mo siya hinalikan?"
Napangisi naman si Jameson. "Anong pakialam mo?"
*boogsh!*
Agad ko namang nilapitan si Jameson nang sinuntok ulit siya ni Lance.
"Lance, tama na!" sigaw ko sa kanya.
Binitawan naman ni Lance si Jameson. Tumingin siya sa 'kin at hinawakan niya ang isang kamay ko.
"T-teka, anong gi..."
Pero hindi natuloy ang sasabihin ko nang hinila niya ako.
"Saan mo siya dadalhin?" narinig kong tanong ni Jameson.
"Wala ka nang pakialam do'n." sagot ni Lance habang hinihila niya ako papalayo kay Jameson.
"May pakialam ako dahil girlfriend ko yang hinahawakan mo!" - Jameson
*shock*
"May pakialam ako dahil girlfriend ko yang hinahawakan mo."
"May pakialam ako dahil girlfriend ko yang hinahawakan mo."
"May pakialam ako dahil girlfriend ko yang hinahawakan mo."
"May pakialam ako dahil girlfriend ko yang hinahawakan mo."
"May pakialam ako dahil girlfriend ko yang hinahawakan mo."
Paulit-ulit na nag-echo sa isip ko ang mga binitawang salita ni Jameson.
Hala!
Waaaaaaaaa!
Sinabi ba talaga niya yun sa harap nina Kisses at Lance?
"What?" narinig kong reaksyon ni Kisses.
"Girlfriend ko si Rafaela." pag-uulit ni Jameson.
Naramdaman ko naman ang pagbitaw ni Lance sa kamay ko. "Is he telling the truth?" narinig kong tanong niya. Alam kong ako ang tinatanong niya.
Pero hindi naman ako makasagot. Napayuko lang ako dahil sa guilt na nararamdaman ko.
"Bullshit!" narinig kong sigaw ni Lance.
Napatingin naman ako sa gawi niya at nakita kong papalayo na siya. Mukhang galit siya.
"I can't believe this. I thought we are friends Rafaela?" narinig kong sabi ni Kisses.
"Magpapaliwanag..."
*pak*
Hindi natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinampal.
"Alam mong mahal ko si Jameson. Pero anong ginawa mo? Jinowa mo siya! Jinowa mo ang lalaking mahal ko!" sigaw niya sa 'kin habang umiiyak.
"S-sorry Kisses. P-patawarin mo ako. H-hindi ko sinasadya. H-hindi ko rin alam." naiiyak ko na ring sabi.
"Hindi ko kailangan ng isang sorry sa isang traydor na kagaya mo! Akala ko ay iba ka sa kanila. Nagkamali pala ako. You're just like her. Higad. Ahas. Malan..."
*pak*
Sinampal ko naman siya.
"Wala kang karapatang husgahan ako Kisses. Hindi ako malandi." seryoso kong sabi sa kanya habang pinupunasan ko ang aking mga luha.
"Sa tingin mo paniniwalaan kita? Noong una si Lance. Sa totoo lang, suportado akong maging kayo ni Lance eh. Naging kupido pa nga ako para sa inyong dalawa. Tapos ngayon ay malalaman kong dinedate mo si Jameson?" aniya.
"Hayaan mo akong magpaliwanag Kisses. Mahal ko siya..."
"Mahal mo si Jameson? Unbelievable. Kailan mo pa yan nilihim sa 'kin?" - Kisses
"P-pero hindi pa..."
"Shut up Rafaela. I don't need you excuses." - Kisses
Napayuko naman ako. Naiintindihan ko siya. Nararamdaman ko ang sakit na dinadanas niya sa puso niya. Sino ba naman ang hindi masasaktan na ang lalaking mahal mo ay boyfriend ng kaibigan mo?
"Ito lang ang masasabi ko sa 'yo Rafaela. Stay away from Lance. Stay away from me. From now on, we're no longer friends." sabi niya na ikinadurog ng puso ko.
Nang makaalis na siya ay humagulgol ako sa pag-iyak. Wala na akong pakialam pa kung may dumaan mang mga tao rito.
Lumapit naman sa 'kin si Jameson.
*crying*
At niyakap niya ako.
Sa nangyari ngayon...
Biglang lumito ang nararamdam ko kina Jameson at Lance.
***
Ngayong araw na gaganapin ang press conference namin ni Lance. Tuloy pa rin ang press conference despite of what happened. Pero dahil sa nangyari ay hindi ko na nakakausap pa si Lance. Sa tuwing nagkakasalubong kami ay iniiwasan niya ako.
Ang cold niya sa 'kin. Hindi ako sanay sa naging treatment niya sa 'kin sa nagdaang dalawang araw. Yung manager na lang niya ang nakakausap ko about the press conference.
Nang makarating ako sa conference hall ay sinabi sa 'kin ng manager ni Lance na ma-la-late siya.
Habang inaayusan ako ay may naririnig akong mga usapan na pumukaw sa dalawang tenga ko.
"OMG! Look Pinky. Magkasama ngayon sina Lance at Elisa sa mall."
"Kyaaaaaaaa! Ang cute nilang tignang dalawa. So totoo ngang nag-de-date sila."
"Well siguro. Malalaman natin yan mamaya sa press conference."
"Bagay talaga silang dalawa."
"Oo nga. Sana sila nga."
May kumirot naman sa aking puso nang marinig ko iyon.
"He's here. Kailangan na nating maghanda para sa interview." sabi sa 'kin ng manager ni Lance.
Huminga naman ako nang malalim at tumayo.
"Kaya mo 'to Rafaela." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Dinala ako ng manager ni Lance sa backstage at nakita ko siyang nakatayo do'n.
Pero hindi man lang niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa kurtina.
Ako naman ay tumabi sa kanya at hinintay ang pagsisimula ng interview.
"Please welcome, the most number of actor of the year and the brand reputation king, Mr. Lance Jerold Kim, with Rafaela Montebello."
Agad namang bumukas ang kurtina at saktong nasa harap na kami ng mga reporters.
*flash*
*click*
*flash*
*click*
Puro kuha sila ng picture sa aming dalawa.
Naunang naglakad si Lance papuntang stage at umupo na siya sa seat niya. Hindi man lang niya ako hinintay.
Sumunod naman ako at umupo sa assigned seat ko na nasa tabi niya. Bale kaharap namin ang mga reporters. May table din sa harap namin na may nakapatong na dalawang mic na nasa magkaibang mini stand para sa 'min ni Lance.
"Isa-isa lang ang pagtatanong." sabi ng isang beki sa mga reporters.
"Good day Mr. Lance Jerold Kim and Ms. Rafaela Montebello. Totoo ba ang kumakalat na issue na nag-de-date raw kayong dalawa?" tanong ng isang reporter na may suot na malaking salamin.
Nasa script ang tanong na yan. Una muna siyang sasagot.
"Hindi." diretsahang sagot ni Lance.
*shock*
Napatingin naman ako sa kanya.
Bakit 'hindi' ang sinagot niya?
"Magkakilala lang kaming dalawa." dagdag pa niya. Kitang-kita ko ang mukhang niyang walang expression man lang.
Bakit gano'n ang sinabi niya sa mga reporters? Akala ko ba ay magpapanggap kaming magjowa.
"But the article na kumakalat sa social media na nakita raw kayong dalawa sa mall na magkasama dati. So that was a fake?" tanong naman ng isa pang reporter.
"I admit na kami ngang dalawa yung nasa article. But it doesn't mean that we're dating that time. Hindi lang kaming dalawa ang makasama that time. May kasama pa kaming isa pang kaibigan namin. It's just that kaming dalawa lang ang nakunan ng camera." pagpapaliwanag niya.
Totoo lahat ang mga sinabi niya. Pero bakit nasasaktan ako?
"Kung gano'n, if you're not really her. So it's true that you're dating Ms. Elisa Vermunte?" - Reporter na kulot ang buhok
Kinabahan naman ako sa tanong na 'yon.
"I'm single. Wala sa priority ko ang lovelife sa ngayon..." sagot niya kaya nakahinga ako nang maluwag. Akala ko 'oo' ang isasagot ni...
"But I'm already liking someone else." dagdag pa niya at tumingin siya sa 'kin na ikinagulat ko.
*shock*
"But I'm already liking someone else."
"But I'm already liking someone else."
"But I'm already liking someone else."
"But I'm already liking someone else."
"But I'm already liking someone else."
Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang huling sinabi niyang iyon.
He's liking someone else?
*heart beats*
Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko?