[RAFAELA'S POV]
"Ayos ka lang Lucas?" tanong ko sa kanya.
Ang tagal na simula noong makita ko siyang malungkot.
"Naalala ko lang si Dad. Matagal na rin simula noong hindi ko siya nakita." malungkot niyang sagot.
Mukhang na-mi-miss na niya ang daddy niya.
"Kaya nandito ako parati sa lugar na 'to dahil kapag pumupunta ako rito ay naaalala ko si Dad. Kapag nandito ako, pakiramdam ko ay kasama ko siya." aniya.
Hindi ko naman mapigilang malungkot para kay Lucas. Ang hirap siguro kapag kulang ng isang miyembro ang isang pamilya. Kahit hindi ko iyon naranasan pero nararamdaman ko ang sakit mula kay Lucas.
"Iba pa rin talaga kapag kausap ko siya sa personal kaysa online. Doon ko nararamdaman ang pagmamahal niya sa 'kin." sabi niya.
Tumayo naman ako para lapitan siya.
At niyakap ko siya.
*shock* - Lucas
"Kahit na wala ang Daddy mo sa tabi mo, nandito naman kami ng Mama mo na nagmamahal sa 'yo. Sa totoo lang, maswerte ako dahil naging bestfriend kita simula noong bata pa tayo. Ikaw ang tumayong superhero sa tuwing binubully ako sa school." Bumitaw ako sa pagkakayap kay Lucas at tinignan siya sa mga mata niya. "Ito lang ang masasabi ko sa 'yo Lucas, darating din ang araw na magkikita ulit kayo ng Daddy mo. Tatandaan mo yan." sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman sa 'kin si Lucas at ginulo niya ang buhok ko.
"Salamat Rafaela. Sa tuwing malungkot ako ay parati kang nandyan para pagaanin ang loob ko. Pero sa totoo lang, mas maswerte ako nang maging bestfriend kita. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ang parating nagpaparamdam sa 'kin nang ganito." aniya.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagsidatingan na ang mga bata. Mukhang tapos na ang klase nila.
"Shall we?" sabi ni Lucas sabay lahat ang isang kamay niya sa 'kin.
Hinawakan ko naman ito at umalis na kami ng playground.
[JAMESON'S POV]
Shit! Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?
Did I do something wrong to her?
O baka busy lang siya?
Pero halos tatlong araw na niya akong hindi sinasagot.
Hindi kaya...
Imposible.
Imposibleng alam na niyang ginagamit ko lang siya dahil wala namang nakakaalam sa sikreto ko.
"Okay Jameson and Lance. Kayo na ang susunod." sabi sa 'min ni Director Tim na feeling pogi.
Agad naman kaming pumwesto ni Lance sa gitna ng court ng DCU. Ako, naka-upo sa sahig habang hawak-hawak ko ang kunwaring masakit kong paa. Habang si Lance naman ay nasa malayo at lalapit sa akin.
"Okay Scene 7, Take 1. Lights, camera, action!" - Director Tim
"A-araaaaaayyyyyyyy!" ako yan habang umaarteng masakit ang isang paa ko.
"Pre!" si Lance habang papalit ito sa 'kin.
"Ang sakitttttttttt!" bulong ko.
"Ayos ka lang ba pre?" kunwaring nag-aalalang tanong niya nang makalapit na siya sa 'kin.
"Oo, okay lang ako, okay lang ako. Nakikita mo namang namamaga ang kaliwang paa ko." sarcastic kong sabi sa kanya.
Tinignan naman niya ang kaliwang paa ko.
"Mukha nga. Na-sprain yang paa mo." sabi niya at inalayan niya ako sa pagtayo. Yung kaliwang kamay ko ay nakaakbay sa kanya habang ang kanang kamay naman niya ay nasa bewang ko.
Dinala niya ako sa may bench at doon niya ako pinaupo.
"Huhubarin ko muna 'to para matignan ko nang maigi yang paa mo." sabi niya habang nakaluhod sa harapan ko at tinanggal niya ang sapatos sa kaliwang paa ko.
"Dalhin mo na lang kaya ako sa clinic? Hindi ko kailangan ang tulong mo." walang emosyon kong sabi.
"Sarado na ang clinic sa oras na 'to. At saka may paraan ako para gumaling 'tong paa mo." aniya.
"Ha? Ano naman ang... Aaaahhhhhhhhh!" Napasigaw ako kunwari nang patunugin niya ang paa ko. "M-masakit!"
"Tiisin mo lang pre. Magiging masarap naman ang kasunod nito." aniya.
"Nababaliw ka na ba? Hindi ka man lang nagpaalam sa 'kin na gagawin mo yan!" kunwaring inis kong sabi kay Lance.
"Oops! Sorry pre." nakangisi pa niyang sabi habang tinutuloy pa rin niya ang ginagawa niyang pagpapatunog sa kaliwang paa ako.
Ako naman ay napapikit at napakagat-labi para tiisin ang kunwaring sakit.
"Argh! Pre, be gentle." kunwaring nanghihina ko nang sabi.
Tapos ay minasahe na ni Lance ang kaliwang paa ko.
Biglang nawala ang sakit dahil do'n.
"Di ba ang sarap?" nakangisi pa niyang sabi.
"Ooohhhh! Ang sarap naman yan pre! Wag mong itigil! Aaahhh!" napaungol ako bigla sa sarap. Part iyon ng script pero ba't parang hindi?
"Parang kanina ay gusto mong itigil ang ginagawa ko. Pero ngayon ay nagmamakaawa kang wag itigil. Ano ba talaga pre?" aniya.
"W-wag mong itigil pre! Diinan mo pa. Oooohhhh!" nanghihina kong sabi. Ang sarap pala niyang magmasahe.
"Cut! Good job guys." narinig kong sabi ni Director.
Agad namang tumigil si Lance at tumayo na siya.
Nakakabitin naman 'yon.
Ako naman ay tumayo na rin at sinundan siya. Hindi ko alam kung bakit. Basta gumalaw na lang ang dalawang paa ko para sundan siya.
Hanggang sa makalabas kami ng gymnasium.
Napatigil siya sa paglalakad.
"Ba't mo ako sinusundan?" tanong niya nang hindi tumitingin sa 'kin.
"A-anong sinusundan kita diyan? W-wag ka ngang assuming." sabi ko sa kanya at nilampasan ko siya.
Kainis! Napahiya ako bigla sa sinabi niyang 'yan.
Pero hindi pa ako nakakalayo...
"Lance!"
...ay narinig ko ang boses ni Kisses.
Nilingon ko si Lance.
*shock*
Nagulat ako nang makita kong magkayakap silang dalawa.
Hindi ko mapigilang mainis at magselos sa nakita ko. Parang gusto ko siyang hilain at ilayo kay Lance ngunit hindi ko ito magawa.
May takot pa rin sa akin na baka may mangyari na namang hindi maganda kapag ginawa ko 'yon.
Agad ko silang tinalikuran.
Pero nang tinalikuran ko silang dalawa.
Ay nasa harap ko na si Rafaela.
[RAFAELA'S POV]
Nagkahiwalay kami ng landas ni Lucas nang may lumapit sa kanyang isang babae. Hindi ko na alam kung saan sila nagpunta.
Ako naman ay kinuha ang aking phone sa bag para tignan ang oras.
In-on ko ang phone ko.
*power on*
At bumungad sa 'kin ang mga missed calls at unread messages. Mostly ay galing kay Jameson.
Binuksan ko naman ang mga messages galing sa kanya.
***
From: Jameson my loves
Where are you right now?
Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?
Are you alright?
May problema ba?
It's been two days na hindi ka nagpaparamdam sa 'kin.
Please answer my calls.
*sad emoticon*
***
Ang dami niyang message na sinend sa 'kin pero ini-skip ko yung iba at tinignan na lang ang recent text niya.
***
From: Jameson my loves
Meet me at the gymnasium today. I'll wait you.
***
Agad kong inilagay ang phone ko sa aking bag at naglakad ako papuntang gymnasium. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa relasyon naming dalawa.
Nang makarating ako sa tapat ng gymnasium ay agad kong nakita si Jameson.
Pero hindi lang siya ang nakita ko.
Nakita ko rin sina Kisses at Lance na magkayakap.
Ewan ko pero parang may kumirot sa puso ko.
The way Jameson look at them.
Parang may halong selos.
But that's not the reason kung bakit kumikirot ang puso ko.
Ito'y dahil kina Kisses at Lance na magkayakap.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Wala sa sarili akong lumapit kay Jameson. Nakatingin pa rin ako kina Lance at Kisses.
Saktong pagtalikod ni Jameson kina Kisses at Lance ay nakaharap na siya sa 'kin. Halatang nagulat siya nang makita niya ako.
"R-rafaela." gulat niyang tawag sa 'kin.
Agad nabaling ang atensyon ko kay Jameson.
"G-gusto sana kitang makausap." sabi ko sa kanya.
Pero hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa 'kin.
"N-nabasa ko ngayon lang..."
*shock*
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sunod na ginawa ni Jameson.
*heart beats*
OMG!
Am I dreaming again?
Pinikit-pikit ko pa ang mga mata ko pero wala pa ring nagbago.
I am not dreaming.
JAMESON REALLY KISSED ME!
Nakita naman ng isang mata ko sina Kisses at Lance. Nanlaki ang mga mata nila habang nakatingin sa direksyon namin.
Ako naman ay hindi makakilos. Hindi ma-process ng utak ko ang paghalik sa 'kin ni Jameson.
Ramdam ko ang paggalaw ng labi niya.
Mali 'to. Maling-mali. Ano na lang ang iisipin ni Kisses sa 'kin dahil sa nakita niya ngayon?
Pero imbes na itulak ko si Jameson.
Tumugon ako sa halik niya.
Napakarupok ko talaga.
[B.M.'S POV]
Naikuyom ko bigla ang kamao ko sa aking nakita.
Akala ko ay magiging okay na ang lahat simula noong nilayuan ni Jameson ang babaeng yun.
Pero nagkamali ako.
Matigas pa rin ang ulo ng lalaking 'to.
Hindi ko hahayaang mangyari 'to.
Lahat ng sisira sa plano ko ay may kalalagyan.
Pamilyar sa 'kin yung babae.
Siya yung na-issue na ka-date niya ang kalaban ni Jameson sa showbiz.
At may pumasok na ideya sa aking isip.
*evil grin*