Chapter 3

1161 Words
"Nako naman! Tingin mo naman Lopez? Gosh!" Pinipilit takpan ni Angela ang bibig ni Xandro pero nasa lahi na nga yata nito ang bunganga na hindi humihinto! " Teka wait ugh, nasusuka yata ako." Jester stood up at nag kunwari pang naduduwal sa tabi ng adviser nila. "Lopez! Alisin mo kami sa lugar na to please, 'yong sikmura ko, 'di na kaya!" "Tumahimik kayo," Angela firmly said. She's trying to keep a straight face while watching her student's reaction after facing the so called victim. "Lopez! Nakikita mo ba 'yan?!" "Nilapastangan niyo ang pagkatao ko, niyurakan niyo ang budhi ko. May paniniwala ako, pero dinumihan nin'yo ako." "G*go ka Paolo! Magkasabay tayong nagpatuli! Huli naming kita sayo noong nagpagupit pa kami sa' yo!" Xandro screamed. "Mr. Pulis! Hindi namin pagsasamantalahan 'to kahit bigyan mo kami ng isang milyong pabuya!" sabat naman ni Allen "Straight po kami, promise. Tsaka kung gagawa kami ng gano'n na kasalanan, hindi naman kay Paolo Sir!" said Jester. "Mr. Pulis, please po puwede po ba na iuwi ko muna 'yong mga estudyante ko? Hindi ko po sila maaaring iwanan dito sa lugar na 'to lalo pa at hindi pa napapatunayan 'yong kaso." "Maam, matinding kaso po ang sinasabi ni Ms. Punzalan." "Miss Punzalan? Kailan ka pa nagkaroon ng matres Paolo?" sigaw ni Trunks. "So magkakakilala kayo talaga?" "Opo Mamang Pulis. Sinamantala nila ang kahinaan ko. April 16 nilasing nila ako. At paggising ko, madumi na ako." Nagkatinginan ang tatlong estudyante at sabay-sabay na halos masuka na sa pakikinig nila sa kuwento ni Paolo. Umaakto pa ito na iniipit ang semi-kalbo niyang buhok sa kanyang tenga. "Ikaw ang nagpainom Paolo! Ang sinabi mo, iniwanan ka ng Girlfriend mo! Eh hindi nga namin nalaman na bakla ka kung hindi ka pa nalasing!" "Ano ang buong pangyayari?" "Nilasing po nila ako! Hindi ko po sila napigilan, tatlo sila! Hirap na hirap ako." "P*tang ina! Tigilan mo nga 'yan! Alam mo ba kung gaano kalala itong binibigay mo sa amin ha?" "Goku, pagkatapos niyo akong pagsawaan? Kahihiyan ko 'yon!" "Paolo! Pasensya na kung nasaktan ka sa sinabi namin noon sayo pero ganun parin talaga! Hindi kami pumapatol sa lalaki." "Gohan! Dinumihan ninyo---" "Ngayon malalaman na ng lahat sa school. Masaya ka na? Sinira mo na ang pangalan namin? Nakapaghiganti ka na?" "Trunks! Binabaliktan niyo ako!" "G*go! Hindi kami ang pinaka matinong tao na makikilala mo, pero hindi kami naninira at tumatapak ng ibang tao!" "Panagutan niyo ako!" "Tumigil ka," cold voice, strong words and death glaring eyes stopped his madness. "Sino ba kasi itong babae na 'to? Kanina ka pa singit nang singit!" "Tumigil ka, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" "Hoy Manang, hindi ka—" "No one ever dared me to repeat my words for the third time. Kapag sinabi ko na tumigil ka, tumigil ka." The Police Officer held Angela's arm to make her calm down but she just looked at him and he behaved as well. "Sabihin mo ang totoo, bakit mo sila sinisiraan?" "Anong sinisiraan?! Ako ang biktima dito!" "Alam ko na hindi sila magsisinungaling sa ganitong sitwasyon, kaya naman sa huling beses inuulit ko, bakit mo sila sinisiraan?!" "Officer! Tinatakot niya po ako, hindi po ba siya pwedeng isama sa sasampahan?" Paolo started fake crying. But Angela stepped a bit closer to him. Hindi niya hahayaan na makawawa ang mga estudyante niya! "Sasabihin mo ang totoo, oh iimbistigahan ko ang lahat-lahat, ipapapatawag ko ang mga sinabi mo na nandoon, at kukumpirmahin natin lahat ngayon mismo? Sigurado ako na maraming cctv footage sa area, madaling mag-check sa oras at mga nangyayari kung tugma sa kuwento mo." There was a moment of silence. "So-sorry." "Bakit mo ginawa 'yon? Sisirain mo ang buhay nila!" "Nainis kasi ako na ayaw nila sa akin, diring diri sila at iniwanan ako. Magmula noing nalaman nila na bakla ako. Dati 'di ba, tayong apat naman talaga? Goku, Gohan, Trunks at ako si Piccolo, 'di ba?" "Hindi ka namin iniwan dahil bakla ka, wala nga kaming pakialam honestly. Iniwan ka namin kasi niloko mo kaming lahat." Mapait na ngiti ang naibigay ni Allen. "Tsaka bro, hindi naman puwede na patirahin ka pa rin namin sa bahay. After all the hidden cameras on the bathroom? Wala kaming sinabihan, pinili namin na itago, kasi kapag kumalat, kahihiyan mo 'yon." Dahil sa narinig ng mga pulis at sa confession ni Paolo, napalaya rin ang mga bata. Angela watched her three students bow at her, nahihiya pa ang mga ito na nagbigay galang bago tumakbo palayo. It was a long, eventful day. Ngunit hindi nito mapipigilan si Angela na sumugod sa Ramen shop. "Welcome po! Table for one po Ma'am?" "Ah, yes please. Nandito ba si Xander Lean?" sagot niya sa waitress. "Ay opo Maam! Dito po tayo, ano po order niyo?" "Isang set A." "Sige po, tatawagin ko nalang po si Sir." "Sige, thank you." She smiled looking at the Ramen shop. Asensado na ang dati ay kinukulit lang siya. Ang iyakin at makulit na batang ayaw siyang lubayan noon. "Ela?!" "Xander" "Sh*t ka Ela! OMG. Ela!" "A--ackk! Teka! Ahhh! Di ako makahinga!" "Hmm! Sorry! Sorry!" napabitaw si Xander sa mahigpit na yakap niya kay Angela. "Grabe, asensado ka na ha?" "Hindi naman, konting kembot lang 'to sa gay bar." Nanlaki ang mata ni Angela sa kuwento ni Xander. "Joke lang! Syempre tinulungan ako ni Mama, pero ako ang nag-manage talaga. Nag-aral lang ako, one year sa college pero ayoko na kaya ayun, work nalang." Tumango-tango naman si Angela. "Paano mo nalaman na nandito ako? Stalker ka ba?" "Estudyante ko si Xandro." "Weh? Nako, mas malala pa sa amin 'yong tatlong saiyan! Nakilala mo na ba? Ay nako mga sakit sa ulo!" "Oo! Kagagaling ko nga lang sa presinto. May nagreklamo ng r*pe sa kanila. Yung kaibigan din daw nila si Paolo." "Lukaret na 'yon! Imposible oy!" "Yup. Gawa-gawa lang ni Paolo." "Mabuti naman naayos, iba ka talaga. Sinindak mo ba?" "Heh, " Angela giggled. "Xander, bakit sabi ni Xandro wala siyang guardian?" Natahimik ang paligid bago mag salita si Xander. "Ampon namin si Xandro, namatay na kasi ang Tita Sandra. 'Yang bahay sa tapat, 'yan ang tinutuluyan nilang magkakaibigan." "Bakit?'Yong dalawa, saan ang pamilya nila?" "Si Allen, dati na naming kasama sa bahay. Pinamigay ng nanay, ayun kami ang nagpalaki. Si Jester naman, iniwanan ng nanay niya sumama sa Amerikano pagkatapos makipaghiwalay sa asawa niya, 'yong tatay niya ayun, hindi kinaya, alam mo na." "Ulila na pala sila." "Pag pasensyahan mo na sila, kulang lang sa atensyon." "Sanay na ako sa ganitong mga estudyante Xander! Sa batch n'yo palang, nako! Sana lang matutunan nila akong tanggapin kagaya nin'yo." "Ela! Sigurado 'yan 'no!" "Bakit nga pala may kuwentong horror story si Xandro na parang pamilyar?" "Ahhhhh-ehh.-Oo nga pala! May reunion sa Friday! Dapat nandito ka! Surprise ko sa kanilang lahat!" Xander's way of changing the topic worked. "Sinong lahat?" "4D, sino pa ba?" "La-lahat?" her voice was filled with nervousness. "Oo Ela, pati si Jeremy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD