Napapaligiran ng mga itim na sasakyan ang buong building na inuwian ng binatang matagal nawala sa Pilipinas.
"Anong meroon dito?"
Maging ang kan'yang mga kasamahan ay hindi siya masagot sa kan'yang katanungan. Walang nakakaalam.
He stepped out of the car and smelled blood in an instant.
"Get your weapons ready."
Over time, he managed to have the coldest voice that he could possibly achieve.
All of a sudden they heard a woman's voice laughing.
"So, malayo-layo na rin pala ang narating mo, King Jeremy?"
He faced a woman wearing a black mask. You wouldn't have a hint of her identity if it wasn't for her healed Queen's Mark.
"Rosebud? Buhay ka?"
"Oh yes, my dear! Gulat na gulat ka yata? Ngayon ka palang ba nakakita ng taong nabuhay mula sa Queen's mark?"
"Paano siyang nabuhay? Kung mayroon siyang marka ng lakas at galit ni Ela?" isip ni Jeremy.
"Anong binabalak mo?"
Patuloy siyang lumapit sa binata, puno ng dugo ang puti niyang damit. At ngayon lang napansin ni Jeremy ang mga katawan na nakahandusay sa sahig dahil sa ...Queen's mark.
"Oo, wala si Autumn at oo, gawa ko 'yan."
"Sa tingin mo ba sa ginagawa mo na 'yan ay makakaganti ka kay Autumn? Na maaabot mo 'yong taas na naabot niya? No, never." Mahigpit na hinawakan ni Rosebud ang dalawang matatalas na katana niyang may bahid ng dugo at patuloy na naglakad palapit kay Jeremy.
"Sa tingin mo ba talaga Jeremy ginawa ko ito para maging kasing taas ni Autumn? Nagkakamali ka, pinapalabas ko lang ang nagtatagong Reyna para harapin na niya ako!" Sa isang iglap lang ay bumagsak ang isang bantay ni Jeremy at ang babaeng may kagagawan nito ay nakangiting nakatutok naman ang katana sa leeg ng isa pa.
"Bitawan mo siya."
Galit ang tanging makikita sa mukha ni Jeremy habang nakatutok ang baril sa ulo ni Rosebud.
"Ganoon nalang ba ako katanga para sumugod mag-isa?" Lumabas ang isang kasama ni Rosebud na naka mask habang nakayakap at nakatutok ang baril sa ulo ng taong kilalang - kilala niya.
"Xander! Anong ginagawa mo rito?"
"Bro, hindi ganito ang surprise na iniisip ko!" the poor guy shouted from the send floor of the building.
"Isang maling galaw mo lang Jeremy, alam mo ang mangyayari."
-
"Papasok pa ba ako?"
Naubos na ni Sheak ang ika-lima niyang lollipop sa paghihintay na pumasok si Angela sa Restaurant ni Xander. Ngayon na kasi ang reunion ng Section 3D, ang unang klase na tinuruan niya.
"Bossing Beshicakes, kapag ikaw hindi pa pumasok ngayon magkaka-diabetes na ako, kaya please,pumasok ka na!" Huminga nang malalim si Angela bago niya hawakan ang doorknob. Nakahinga naman nang maluwag si Sheak at nag handa na sa pagpasok nila. Lampas 30 minutes na siyang naghihintay na mawala ang kaba ni Angela.
"Buti naman! Gutom na gutom na ako! Gusto ko na rin makita si Beshicakes Jeremy ko miss ko na 'yong mokong na 'yon!"
"Teka, " Angela stopped. "Mga five minutes pa pala, wait lang."
"Beshicakes! Pasensyahan na pero sa ngalan nang kumukulong sikmura!"
Sunod-sunod ang pagmumura ni Angela dahil sa biglaang paghatak sa kan'ya ni Sheak papasok. Pero sa loob, kahit na nabigla ang lahat sa pagdating niya, hindi nila kayang maging masaya.
Angela immediately noticed, this is not how her former students act. Lumapit sa kan'ya ang mga lalaki na walang imik.
"Bakit ang tahimik niyo? Renzo, Randy, Andy? Anong nangyayari?"
"Bossing wag kang maingay!" nagmamadaling tinakpan ni Sheak ang bibig ni Angela.
"Baka may naglilista ng noisy."
"Leche naman Sheak! Bitawan mo ako!" Isa-isang humalik sa pisngi niya habang nananatilimg tahimik ang mga lalaki.
"Anong problema nin'yo?"
Wala pa rin ang dating makukulit at masayahing mga estudyante niya, hindi pa rin sila sumasagot.
"Wala ba talangang magsasalita?"
Tinitigan lang ulit siya ng mga ito.
"Okay, sige. Magmula ngayon, 'wag na 'wag niyo na akong kakausapin. Huwag na kayong magpapakita sa akin, kalimutan niyo na ako."
Nagsimula na sa paglalakad palayo si Angela.
"Ela"
"Pandak teka,"
"Taray naman!"
"Matanda na, menopause na siguro."
"Tawagin niyo bilis"
"Sasapakin ako niyan pag ako nagsabi."
"Itali niyo muna."
"Sheak! Send help!"
"I got you beshie!" sagot ni Sheak. Patalon-talon pa na lumapit si Sheak kay Angela. Mabilis niyang hinila ang isang takip ng lamesa at ibinalot ito sa kanyang Boss para hindi ito makapagpumiglas.
"F*ck off Sheak! Do you wanna die?"
"Besties, don't tell a lie na, 'di naman na makakapanakit si Bossing. 'Di naman din yan nangangagat."
"Ela, sorry pero hindi lang kasi namin alam kung paano sasabihin sayo eh."
"Edi 'wag nalang! Pakawalan mo ako Sheak! Aalis na ako!"
"Nakatanggap kami ng text message from Xander. Sabi niya kasi may bachelors party si Jeremy bukas sa gabi. Excited kaming lahat na pumunta dito at pagusapan ang lahat lalo na at may isang babae lang kami na naiisip na pakakasalan ni Jeremy. Pero pag punta namin dito, nadatnan namin ang invitations para sa kasal and its no where near expected. Hindi ito ang iniisip naming mababasa namin."
Hindi maigalaw ni Angela ang mga kamay niya kaya si Sheak nalang din ang nag bukas nito.
"Underworld celebration ito ah, The Mafia King and The Mafia Queen's Wedding? Bossing, hindi ka naman Mafia Queen diba? Gangster ka eh, ano to tino-two time ka tapos namili siya sa iba- ibang reyna sa underworld?"
"Sheak, ituloy mo," kalmado ang pagkakasabi ni Angela pero puno ng sakit ang kanyang mga mata.
"King and Rose-Rosebud? Bossing? Rosebud as in, ate ko? Rosebud as in Mari na napatay mo noon?"
Hindi na nahigpitan ni Sheak ang pagkakahawak niya kay Angela kaya naman nakatakas ito.
"Paanong nabuhay si Rosebud? Sigurado ako na siya ang first kill ko."
"Hindi pwede na magkamali ako Bossing, si Ate talaga itong nasa picture eh!"
"Aba, walang hiyang Jeremy na 'yan may pahintay-hintay pa! Edi sige magsama sila! Bahala sila!"
"Sandali lang Bossing, pigilan mo 'yang selos mo, tignan mo itong picture nila."
"Ano naman ang gusto mong tignan ko d'yan? 'Yong pag-upo ni Rosebud kay Jeremy?"
"Bossing, tignan mo nang mabuti. Jeremy can't do anything. May kadena na hindi natakpan ni Ate sa kanang kamay niya, naka kadena si Jeremy sa upuan."
"Tama si Sheak, Ela, kanina pa namin iniisip kung ano ang magiging dahilan ni Jeremy para magpakasal sa babaeng 'yan hanggang sa nakita namin 'yong kahina-hinalang bakal na naka palupot kay Jeremy. Naka kandong kasi si Rosebud kaya hindi namin napansin kaagad. He was kidn*pped and forced."
Tinanguan ni Angela si Renzo , hanggang ngayon mala-detective pa rin talaga ito kung magsalita.
"Ano na naman ang ginagawa nila ngayon? At kay Jeremy pa talaga, mga walang hiya."
"Kung tama ang hinala ko, gusto nilang lumabas ka na. Matagal-tagal ka na rin nawala sa mundo sa dilim."
Biglang sumulpot si Shaira sa tabi ni Angela at nang magtatanong na si Angela ay bigla naman pumasok si Nicole.
"That same exact invitation was sent to our underworld accounts. Nagmadali kami na pumunta rito, because we know that you are the target."
"And why would I be a target? Ngayon, si Jeremy ang nasa panganib! Malay ko ba kung sinasaktan nila ngayon si Jeremy! Kailangan ko siyang kunin!"
"We can't show up now."
"What do you mean that I freaking can't Shaira?! I am the Queen, I don't need anyone to dictate me," Angela coldly said. Her glare hasn't lost its sharpness.
"Everyone is now hunting you. "
"Let them, I am not called the Queen of Gangsters for no reason, Shaira."
"When I say everyone, I mean not only in the Gangster world but the whole underground society including Mafias and Assassins."
"As I've said, Let them, I am not called the Queen of Gangsters for no reason."
"But Angela! Hindi natin alam kung gaano kadelikado, hindi natin alam ang kakayahan nila! Hindi ka ba natatakot?"
Her eyes expresses only anger and Shaira can see that.
"Sa nakikita ko Shaira, hindi lang pag-aalala ang meroon ka. Nagdududa ka na ba sa akin? Hindi ba dapat sila ang matakot sa akin? Hindi pa nila nakikita ang kakayahan ko. Hindi nila alam kung gaano ako kadelikado. Ngayon kung puro pagdududa sa kakayahan ko ang meroon ka, you can freely leave. After all, I'm not tagging Breeze in this fight."
"Hindi ako kailanman nagduda sa'yo Angela, natatakot ako." Shaira held her hand.
"Ayoko na masaktan ka."
"Natatakot kami Angela."
Lumapit na rin maging si Nicole at hinwakan din ito sa kamay.
"Hindi ako mamamatay. Ipaghanda niyo lang ako ng Cheesecake pag -uwi ko."
"Mas sira ka pala eh!" Shaira screamed.
"Syempre sama- sama tayo. Hindi ka namin iiwanan dito 'no? Adik ka ba?!"
Sheak almost clapped when he realized that the group that he missed is slowly coming back together.
Ilang sandali lang, tuluyan na nagbalik ang tatlong dalagang pinaka-kinakatakutan sa underground society.
"Wala pa ba kayong nakukuhang message mula sa mga nauna?"
"Wala Ela, hindi nag-reply sila Ferb. Ang usapan, pagkapasok nila oobserbahan nila ang loob tapos sasabihan na tayo para alam natin ang gagawin natin."
"Mukha yatang may blocker sila sa loob. Pati ang tracker na idinikit ko sa mga kaibigan nin'yo wala ring signal sa loob ng building."
Halos masabunutan na ni Angela ang sarili niya sa sinabi ni Shaira.
"Kailangan ko na pumasok diyan ngayon na."
"Wala pa tayong magagawa sa ngayon Angela, wala pa tayong alam sa nangyayari sa loob."
"Ayun na nga Nicole! Wala tayong alam sa nangyayari! Nandoon ang mga estudyante ko!"
"Bossing!"
"Sheak? Saan ka galing? Ano 'yang hawak mo?"
"Ito na 'yon Bossing Beshicakes, ito na 'yon."
Sunod-sunod na hinagisan ng tig i-isang black na plastic bag sina Angela, Nicole at Shaira.
"Open na mga beshicakes!" pumalakpak pa ito. Bakas ang pagtataka at pandidiri sa mukha nila nang tumambad sa kanila nilalaman ng bag.
"Ano to Sheak?"
Humawak si Nicole sa likuran niya akmang bubunot ng combat knife.
"Oy, oy! Kalma! Bunny costume yan."
"At ano naman ang gagawin namin dito!"
Napahagis ng isang knife si Shaira na naiwasan naman ni Sheak.
"Duh! Bachelor's party nga 'di ba? Dapat may mga dancer, sasama kayong tatlo kina Renzo mamaya. May mask din 'yan at nagpa-ready ako ng malaking pasabog mamaya."
Napatingin silang lahat kay Angela at hinihintay ang reaksyon nito.
"Ano naman ang matatakpan nito?"
Peace sign nalang ang naiganti ni Sheak sa isa pang kutsilyo na muntikan na maihagis sa kanya.
Later that day, the gang moved and started their plan.
"Hindi kasama ang performers sa invitation."
"Grabe naman kayo Boss. Ngayon na nga lang namin mabibigyan ng surprise 'yong kaibigan namin oh, pagbigyan niyo na."
"Pero hindi kasi kami hinayaan na--"
"Sayang naman, mahal rent namin sa mga 'yan! Kung gusto niyo mamayang magsisimula na, manood din kayo."
"Mukhang mahal nga 'yan pre ha?"
Kinindatan pa ng isang bantay si Nicole at Shaira na tinutulak ang sinlaki nilang cake.
"Anong laman niyang cake?"
"Ah, pre 'yan na 'yong para sa Groom lang syempre. Uunahan mo pa ba? Padaanin mo na kami sige na."
"Sige na papasukin mo na. Mas maganda nga kung may mapasama na mga babae sa mga bihag natin para naman may mapaglaruan tayo."
"Oo nga no? Pare-pareho lang naman silang makukulong. Sige."
Narinig ni Renzo ang bulungan ng mga bantay ngunit nagkunwari nalang siya na hindi.
"O sige na pasok na kayo, enjoyin niyo na 'yang mga 'yan. Mamaya, kami naman."
"Salamat bossing!"
Mabilis silang kumilos at nagmadali dahil baka pigilan pa sila.
"What do you see?"
"Queen, chill ka lang. Nasa hallway palang tayo." Sheak whispered. He passed by a switch and pressed it. Luckily the lights on the hall turned off except for the disco lights.
Nagsimula ang malakas na tugtugan at pagsasayaw ng mga babae palibot sa isang upuan sa stage na natatakpan ng itim na tela. May ilan din na mga lalaki, kasama sa gang ni Rosebud ang nandoon. Marami ang mga kaibigan ni Jeremy na hindi alam ang nangyayari o mga susunod na mangyayari.
"Sh*t" Shaira gasped.
Nagsigawan ang mga lalaking kasapi ni Rosebud pagkahila ng telang itim. Tumambad ang kalunos-lunos na itsura ni Jeremy.
Nakagapos sa upuan at gutay-gutay ang damit nito sa mga latay na nag-iwan din ng dugo sa katawan niya.
"Kinawawa nila ang supertwin ko," mahinang bulong ni Sheak.
Nagsimula na ang plano nila Angela sa pag lapit nila sa stage. Isa-isang tinutulak nila Winter at Summer ang mga babaeng kanina pa sinasayawan ang hinang-hina na si Jeremy.
Ginawa nila ang makakaya nila para magmukhang seductive at nagpagiling-giling pa ang mga ito. Nanginginig nga lang ang mga bibig nila sa sa pilit na pag ngiti.
"Jeremy, naririnig mo ba ako?" Mahinang bulong ni Angela mula sa kahon na cake, narinig naman ni Jeremy. Bumukas ang kanyang mata at humarap sa mga babae na sinasayawan siya ngayon.
Sunod naman ay tumambad ang babae na nagpahiyaw sa mga manonood sa galing nitong mag sayaw at dahil na rin sa kitang-kita na kagandahan kahit na nakatakip ang kalahating mukha sa maskara.
"Jeremy, naririnig mo ba ako? Ayos ka pa ba? Makakaslis tayo," mahinang bulong niya habang nagsasayaw.
Gumalaw panandalian ang kanyang ulo ngunit pumikit ito ulit.
"Kaya natin 'to Jeremy, naniniwala ka naman sa'kin 'di ba? Kaya natin 'to."
"Ela,"
"I love you, just wait. I'll get you out."
Sa pagod ng kan'yang katawan ngiti at luha nalang ang sukli ni Jeremy sa kaniya.