Chapter 15

1274 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 15 "RACHELLE, people are looking at us," banayad na wika ng binata ngunit naroon ang kaseryosohan. Hindi alam ni Sunny kung bakit at paano nasira ng kasintahan niya ang buhay ng katrabaho nila. She was clueless! "Alam ko, Nico! Pero buntis na ako! Buntis ako!" humahagulgol na sigaw ni Rachelle. Sunny can't find words how she can describe her feelings. Masaya lang siya kanina, segundo lang ang lumilipas ay masayang-masaya pa siya kaya hindi niya alam bakit kailangan niyang maramdaman ang pakiramdam na ito. Nilingon ni Sunny si Nico, nakita niyang hindi makakibo ang binata, mukha itong nagulat. Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit ganoon ang reaction ng kasintahan niya. Is it a confirmation? Na ang kasintahan niya at ang katrabaho nila ay may nangyayari din sa kanila, na pareho sila? Ginawa siyang tanga ni Nico. Mahal niya kaya napaniwala siyang mahal din siya nito, o baka mahal naman siya, dalawa nga lang sila. Hindi siya nagmumurang tao but she can't help it! She is really really mad. Naging tapat siya, tunay ang nararamdaman niya! Bakit nila ito ginawa? Masakit na masakit ang pakiramdam ng dalaga. "Damn you, Nico! Ikaw lang sa akin alam mo iyan!" "I can explai—" Hindi na natapos pa ni Nico ang sasabihin nang buong lakas itong sinampal ni Sunny. She never get mad at him, not before, ngayon lang kasi putan**na, sinong hindi magagalit na ang kasintahan mo ay may nabuntis and she just know it now? How it happened if those times may nangyayari rin sa kanila? "Sunny, it's not what you think," sabat ni Rachelle. Hindi na ito umiiyak ngayon, bakas sa mukha nito ang pagkabalisa. "Nico?" tanong pa nito sa binata. That was the cue! Umalis siya. Tinalikuran niya ang dalawa. Nanlalabo na ang mata niya dahil sa luha at sa bigat na nakapatong sa puso niya. Para itong dinaganan sa sobrang bigat. Galit na galit siya tapos ay naaawa pa para sa sarili niya. Tanga niya. Habang naglalakad ang dalaga ay hinablot ni Nico ang braso niya. Niyakap agad siya nito. Wala ng lakas ang dalaga na makipaghilahan pa ng sarili sa binata kaya umupo na lang ito sa damuhan habang mahinang sinusuntok ang dibdib ng binata. "Okay lang noon na hindi mo suklian ang pagmamahal ko sa iyo, ayos lang ako na ganoon, pero ano ito, Nico? Masakit," nanghihina niyang wika sa kasintahan. "May part na nagkamali siya, Sunny, but he is not the father of my child." Mabilis na nilingon ni Sunny si Rachelle. "Hindi siya ang ama? Walang nangyari sa inyo?" Hindi umimik ang dalaga pagkatapos ay ibinalin niya ang tingin kay Nico, malamlam ang mata nitong nakatingin sa kaniya. "Nang malagyan ko ng pangalan ang nararamdaman ko sa iyo, I swear that I never have s*x with others. Mahal kita, baby. Masyado kitang mahal para lokohin." "Pero sabi ni Rachelle—" nalilito niyang tanong. Wala na ang sakit pero nahihirapan pa rin siyang magsalita, that's not what she remembered, buntis ito at kasalanan ni Nico, sinira ni Nico ang buhay niya. Tumayo si Nico at lumapit kay Rachelle. "Can we talk it in our house?" tanong nito kay Rachelle. Tumango naman ang dalaga kay Nico. Rachelle is smiling so bright while looking at Nico. Ayaw niya ang nakikita taliwas kasi iyon sa sinasabi ng dalawa. Does Nico really love her? "Halika na, baby," sabi nito sa kaniya. "Tayo ka na, let's go to my car." Hindi siya inalalayan ng binata, itinayo lang siya. Ang inalalayan nito ay ang dalaga, maybe because Rachelle is pregnant? Naiintindihan niya pero hindi ang namumuong pamilyar na pakiramdam. She smells something danger. She starts to feel jealous. Nakauwi sila ng bahay ng walang nagpapansinan sa kanila. Even the sounds of stereo, hindi pinagana just because silence is the best way to calm them. Hindi mo nabuntis, ah. Let's see. -- "I really need to know what was that," panimula ni Sunny. She prepared orange juice and cookies for their pregnant guest, Rachelle. "Nico, ikaw magsimula." "Hindi ko alam paano magsalita o magpaliwanag, baby, don't leave me if I tell you everything," nahihirapan nitong sagot. "Depende. Hindi ako ang klase ng babaeng kayang sumira ng pamilya ng isang batang di pa nga nailuluwal, sira na agad ang pamilya." "I am not the father!" agap ng binata. "Then explain, my god!" hindi na nga naiwasan ng dalaga na sumigaw. She is really curious at the same time nervous. "Ako ang magpapaliwanag," walang kaamor-amor na singit ng dalaga. "I like Nico, kaya ko ginagalingan sa kumpanya is because I like him. Kung nagseselos ka agad dahil sa sinasabi ko, wag lang sa akin, he is everyone's crush, so magalit ka sa aming lahat," nakaismid na simula ng dalaga. "But then you came, dumating ka at inangkin mo siya sa amin. You came and the boss who always smile at us only smiles on you. Ikaw na lang ang nakikita niya, kahit anong selos namin sa iyo, hanggang doon na lang kasi ang boss namin, mahal ka nga yata." "And then?" mahinang tanong ni Sunny. Tiningnan ni Rachelle si Nico. "I seduced him. Naghubad ako sa harap niya at niyaya siya." Napahawak ang dalaga sa bibig niya sa sobrang gulat. "So, may nangyari sa inyo?" Sumabat si Nico sa usapan, "Of course not, Sunny! Walang nangyari sa amin!" "Then what!?" sigaw niya. She can't really help herself not to get hysterical. Rachelle just got naked in front of her boyfriend! "He fired me. Sabi niya, huwag na raw ako mag-report sa kumpanya which is hindi pwede, education graduate ako, Sunny, I'm not even qualified in this company pero dahil sa mga skill ko tinanggap niya ako, wala ng ibang kumpanya na tatanggap sa akin maliban kay Sir Nico that's why I apologized." Tumingin si Rachelle kay Nico and the girl just make a sad face, "pero matigas ang puso ni Sir sa akin, I offended him. I still have to pack my things and leave." "Bakit nasa kumpanya ka pa kung 'di ka naman niya pinatawad?" tanong niya rito. "Dahil nagkasundo kami na kailangan maibalin ni Ashton ang pagtingin nito sa iyo at mailipat kay Rachelle, baby, nagseselos ako and nagagalit sa pagbabago ng trato mo sa akin, that's the only thing I know para ibalin mo sa akin ang atensyon mo ulit," singit ni Nico. Hindi makapaniwala si Sunny sa naririnig niyang rebelasyon galing sa kasintahan niya. Gusto niya matuwa dahil gumawa ito ng paraan but she can't be happy when someone is in pain. Paano nila napaglaruan si Ashton nang ganoon-ganoon lang? The man is so innocent! She feels so sad. She feels so bad for Ashton. Minahal siya nang binata nang buong puso, totoong hindi niya ito mahal, natutuwa nang bahagya ang puso niya na ginawa ng binata ang lahat, even if it is bad just for her, kasi mahal siya nito. Pero hindi niya talaga gusto ang ginawa nila. "Nico, alam mong hindi ito tama!" "Sunny..." nagmamakaawa nitong tugon. "I am so desperate, e. We're always fighting...noong akala ko na mamahalin mo na ako, nagkamali pa ako. Everything I did for you, wala lang sa iyo. You were always with him, at sa panahong iyon, I killed Ashton in my mind a million times. Kaya ko ginamit si Rachelle para siya na ang bahala kay Ashton." "Nico!" gulat na tawag ni Sunny sa pangalan ng binata nang biglang sumulpot si Ashton sa likuran nito at sinuntok ang binata. "You and that slut just ruined my life!" sigaw nito habang itinuturo pa si Rachelle. This is so tiring...this love is so tiring. Nakakapagod. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD