YOU ARE MY SUNSHINE
written by JellyPM
Chapter 14
"DAHIL bukod sa masaya ako ngayon, tagumpay pa ang project ng mahal ko, let's call it a celebration! Ako ang bahala sa dinner party ngayon!" masiglang wika ni Nico sa lahat ng production team.
Lahat naman ay naghihiyawan, lahat ay masaya, maging si Sunny ay nasisiyahan din sa nakikita. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayaring maganda sa buhay niya ngayon.
Nakita ni Sunny na sa lahat ng mga tao roon, si Reena lang ang di masaya. Mukha itong balisa kaya nilapitan niya ito.
"May problema ka, bi?"
Hindi niya alam kung bakit magmula nang makilala niya ang dalaga ay laging mabigat ang loob nito sa kaniya. Hindi siya nito nginingitian, hindi siya binabati. Wala naman siyang natatandaan na ginawa sa dalaga dahil kung mayroon man siya ang unang hihingi ng dispensa.
"Wala po, Miss Sunny. Parang napansin ko po kasi si Ma'am Rachelle doon sa tawid na may kasamang lalaki pero ngayon wala nanaman."
Tumango-tango na lang siya. After that kissing incident, hindi na niya nakita pa ang dalaga. Hindi niya rin alam pero mukhang hindi rin siya gusto ng team leader nilang iyon.
Umalis na siya sa tabi ni Reena at lumapit na lang kay Nico. Pumulupot siya sa braso ng binata kaya agad siya nitong nilingon, nang makita siya nito ay nginitian niya lang ito.
"Stop smiling at me like that, baby. Naaakit ako."
Kinurot niya ito sa tagiliran. Pagkatapos ng ilang sandaling pagkakapulupot sa braso ni Nico ay kumalas na siya.
"Tara na, amo. Gutom na ako," nakalabing ungot niya sa binata.
"I told you to stop calling me like that, girlfriend kita at hindi alila."
"Sanay na nga kasi ako," kibit-balikat niyang sagot dito.
"Puwes sanayin mo rin ang sarili mo na huwag akong tawaging ganiyan."
"O, pwede na ba ang Dudung sa iyo?" nakangiti niyang tanong.
"Lintik na endearment iyan, Sunny!" natatawang bulyaw sa kaniya ng binata.
Inakay na siya ng binata palabas ng kumpanya nila. Napagkasunduan nila na kakain sila sa restaurant malapit lang sa kanila. Korean restaurant ang pinuntahan ng buong team, nag-order ng ilang beers ang ilan sa mga ito.
Mayamaya pagkatapos ng masayang kainan ay nagsipag-uwian na ang lahat. Inakay uli siya ni Nico sa kotse. They are both holding hands.
Habang nagmamaneho ang binata ay nakahawak pa rin ito sa isang kamay niya. Paminsan-minsan ay tinitingnan siya nito.
"Maaaksidente tayo niyan, e," saway niya rito.
"I just can't believe that you're with me now."
"Wow, ha. Parang lumaki naman tayong magkasama. Naghiwalay na ba tayo?"
"Pilosopo ka talaga," nakanguso nitong wika sa kaniya.
It is her time to laugh now. "Niloloko ka lang, ito naman."
"So, niloloko mo lang pala ako?"
"Muntanga ka, Nico," sabi niya sabay irap dito. "Kung niloloko lang kita, matagal na sana."
"I just want you to know na hindi ko sasayangin ang tiwala at pagmamahal mo sa akin, I love you. I really do."
"Mahal din kita kaya tumingin ka sa dinadaanan baka maaksidente tayo."
Sa buong byahe, nakatulog siya. Stress siya at kulang palagi ang tulog kaya hindi na niya namalayan na nasa kwarto na siya, sa kwarto niya. Binuhat siya ng binata.
"Nico..."
"Shhhh, you can sleep. Matulog ka na."
"Pero hindi pa ako inaantok, dito ka muna."
"No, I am sorry, baby, but I really need to turn you down. Hindi pa ganoon kalalim ang gabi at baka mahuli ako ni Nanay Cars, bukas sasabihin na natin sa kanila na magkasintahan tayo."
Tumango siya rito. "I want milk and sunny side up egg and a fried rice when I wake up, Nico."
Tumawa ito nang mahina. "Masusunod, aking kamahalan."
Dahil sa sarap ng tulog niya, nagising siyang good mood. Hindi siya madalas maglinis ng buong bahay pero ginawa niya kahit may gumagawa naman no'n sa mga kasambahay ni Nico. Nagising din siya na wala ang mga magulang niya. Lately, hindi niya nadadatnan ang mga ito. Laging may pinupuntahan. Palibahasa ay gabi na rin siya nakakauwi.
Napatigil si Sunny sa pagwawalis ng sahig nang marinig niyang nag-ring ang cellphone niyang naka-charge. Dali-dali niyang tinanggal ang cord sa cellphone niya at sinagot ang tawag, ang amo niya ang tumatawag!
"Hello, baby," boses ni Nico sa kabilang linya. Boses pa lang niya miss na miss na niya ito. Nasaan kaya ito? Ayaw niya kasing nagpupunta sa kwarto ng binata magmula ng may mangyari sa kanila, nadedemonyo kasi ang pag-iisip niya.
"Dudung!" asar niya rito.
"Ha ha, funny, Sunny," pikon nitong ganti. "I miss you, day off mo, let's go somewhere else?"
"Where naman?"
"Kahit saan," sagot nito.
"Mahirap ang kahit saan, Nico," seryoso niyang sagot sa binata. Tumawa lamang ito nang malakas.
"You really know how to make me laugh, Sunny."
Nagbihis si Sunny ng isang plain na turtle neck na damit na tinernuhan ng kulay itim na maong skirt.
Pagkalabas ng binata sa kwarto niya ay siya naman ang natulala rito. Her boyfriend is really handsome, his color is far from being manly kasi maputi ito na may mapupulang labi, malayong-malayo sa kulay ng balat niya. Bahagya ring singkit ito gayunpaman ay makakapal ang mga kilay nito kaya talagang gwapong-gwapo ito.
"What's my rate?"
"Ha?"
"You are checking my physical appearance, that's why I'm asking kung ano ang grado ko sa girlfriend ko."
Ngumiti lang siya rito. Hindi na niya sinabi kung ano talaga ang grade niya sa lalaki baka lumaki ang ulo.
Dinala siya ni Nico sa isang amusement park. Nang tingnan niya kanina ang binata hindi niya masyado napansin na mukhang balisa ito dahil sa itim na sunglasses nito, ang mga mata nito ay mukhang nagdadalawang-isip na hindi mo mawari.
"Nico, do you have something to say to me?"
Napakamot ito sa likod ng batok, hindi ko alam kung nahihiya ito o hindi pero mayamaya ay umiling na lang ito sa kaniya.
"Nothing, dinala kita rito to make you happy, this is our first day of being in a relationship, hindi ko p'wedeng sirain ito," sabi ng binata pagkatapos ay nagbuntonghinga.
She knows the man very well. Lumaki sila nang sabay kaya batid niyang nagsisinungaling ang lalaki. Gusto niya itong kulitin but she had to respect her boyfriend din, kaya hindi na siya nagtanong.
Naging masaya naman sila. Tawa sila nang tawa lalo na siya dahil si Nico ang nagdala sa kaniya sa amusement park pero halos magyaya ito ng break up nang sumigaw ito nang sumigaw sa horror booth.
"Sunny, you are rude!" bulyaw nito sa kaniya pagkalabas nila ng horror booth. Kung maputi na ito ay mas lalo itong pumuti. Tinakasan ito ng kulay sa mukha.
"What? Sabi mo matapang ka?"
"That's another thing, you rude woman!"
"Tao lang mga iyon! Ano ka ba, ikinagagalit mo iyon?" natatawa niyang sabi rito.
"I can't believe you think of doing this to me. Hihimatayin yata ako sa loob. Paano nila nagawang maging mukhang totoo?"
"Ewan ko sa iyo, Nico. Tao lang mga iyan!"
Hinawakan ng binata ang sarili nitong dibdin tapos napamulagat ito, "My gosh, baby, my heart is beating so fast! You are really so rude!"
Tawa lang nang tawa si Sunny habang hinahabol pa rin ng binata ang hininga niya.
"I think, nagka-phobia ako," deklara ng binata habang naupo sila sa isang bench na naipalalaliman ng puno.
"O.A ka naman, Nico."
"O, sige na. Mawawala lang ito kapag kiniss mo ako. Bilis."
Bagaman natatawa ang dalaga ay kinintalan pa rin niya ito ng halik sa pisngi pero hindi iyon sumapat sa binata, hinapit niya palapit sa kaniya ang dalaga at dinukwang ang bibig.
Nico is kissing her! Not just that, he is kissing her in public!
Bahagyang nagpupumiglas ang dalaga pero lalo lamang siyang siniil ng halik ng binata. In her peripheral view, alam niyang maraming tao ang nakatingin sa kanila. That's where she really push Nico not that strong, tamang pagtulak lang.
Tama nga ang dalaga. Maraming nanonood sa kanila. They were just doing PDA, talagang hahakot sila ng audience, and it's an amusement park. Sinong hindi makakakita sa kanila.
Sa hiya ay nagtago ang dalaga sa likuran ng binata na tuwang-tuwa sa atensyon na nakukuha nito at sa reaksyon na ipinapakita niya.
"That kiss served as a punishment for being so rude kanina," wika nito kaya inirapan niya lang ito.
Kasabay ng pag-irap ng dalaga ang paghagip ng tingin niya sa dako ng isang babae— it is Rachelle!
Nakatayo ito, nanlalalim ang mga mata habang diretsong nakatingin sa kaniya pagkatapos ay sa binata.
"You destroyed me, Nico! You destroyed my life! I am pregnant!" hysterical nitong sigaw habang siya walang naiintindihan sa nangyayari.
Itutuloy....
A/N: Ilang chapters na lang, sana nagugustuhan ninyo mga updates ko! Stay tune for the next 6 chapters.. Salamat sa suporta, dahil baguhang writer pa lang ako, kinikilig ako sa comments ninyo. Hahahah.