YOU ARE MY SUNSHINE
written by JellyPM
Chapter 13
"OKAY, models ready!" sigaw ng maliit na babae na siyang nakatoka sa entrance-exit ng mga models.
Nico and everyone are ready for a catwalk, tanging si Sunny na lang ang wala pa. Limang minuto na lang ang nalalabi bago magsimula ang pagrampa nila. Nawala na ang tensyon dulot nang pagkawala ng mga main models nila ngunit 'di lang nila alam ang magiging epekto nito mamayang malaman ng lahat na ang designer model ay wala sa entablado.
"Hindi pa siya tapos?" tanong ni Nico sa iba.
"Malapit na siya, sir."
"Sir, ready na si Miss Sunny!"
Lahat ng mga mata ay lumingon sa pinanggalingan ng dalaga. Alanganin itong ngumiti, hindi nito sigurado kung dapat ba niyang irampa ang collection na ito ni Ashton, hindi naman kasi siya sanay na nagsusuot ng mga magagarang kasuotan.
"Perfect!"
"Are you sure hindi ka modelo?"
"Nag-aalala ako nang ikaw ang magmomodel dahil hindi ka naman modelo but I think you can nail it!"
"Damn, girl, you look so stunning!"
Hindi alam ni Sunny kung mahihiya siya o magiging confident sa mga komento ng ibang modelo, pero kahit nakakataba man ng puso ang mga komento nila ay sa binata pa rin siya naghihintay ng reaction.
Naglakad siya, a walk that she learned from her previous years in pageant. Napagalitan pa siya nang kaunti dahil ang turo ay lakad na natural, tindig na tindig, parang walang emosyon pero ang itusura ay nagsusumigaw ng kaelegantehan. She takes note all what the expert says kaya nang lumapit siya sa binata ay titig na titig pa rin ito sa kaniya.
"Muntanga ka, naestatwa ka diyan, loko," asar niya rito.
"Sunny...."
"O?"
"Bakit ka sumasagot? Ikaw ba si Sunny?" natatawang wika ng binata sa kaniya.
Napangiti na rin siya.
"Siraulo ka!" Tinapik niya nang malakas ang balikat ng binata. "May iba pa bang Sunny sa lugar na ito."
"Hindi ako makahanap ng salitang lalamang sa talagang napakaganda mo, baby, you are really look so fabulous. Ikaw ba talaga iyan?"
Inirapan niya ito at tumalikod. Ayaw niyang ipakita sa binata ang kilig na nararamdaman. Alam niyang maganda siya, morena siya pero ni minsan ay walang nang-asar sa kaniya na pangit siya. Pero ngayon lang niya talaga na-appreciate ng sobra ang kagandahan niya. Other appreciates her beauty so much, maging ang binatang minamahal niya. She could not ask for more.
"In three, two, one—" narinig na lang niya ang pagpalakpak ng mga audience sa labas kasabay ng pagpatay ng lahat ng mga ilaw, ang natatanging natitira ay ang mga ilaw galing sa big screen na nagco-compliment sa magagarang denims. "first model out!"
Nagpalakpakan ang mga tao sa backstage.
"Ang ganda..." bulalas ng lahat nang makita nila ang pinagpagurang runway.
Naluluha si Sunny pero di niya magawa dahil masisira ang make-up niya. Lumingon siya sa mga nagtrabaho para sa kumpanya sa ilalim ng pangunguna niya and they can see to their faces how happy they are.
"Wait lang, amo."
Lumapit ang dalaga sa mga employee ni Nico.
"Salamat nang maraming-marami sa mga itinulong ninyo sa project na ito. Hindi magiging ganito kaganda kundi dahil sa inyo," punong-puno ng sinsero niyang pahayag.
"No, Miss Sunny. Dahil ito sa mga time to time check mo sa amin kung kaya pa namin, kung kumain na muna kami at sa mga pagtimpla mo ng kape sa amin oras-oras."
"Hindi mo nga kami itinuring na nagtatrabaho lang para sa inyo ni Sir Nico kundi parang kasama ninyong nangunguna sa kumpanyang ito. Naging confident kami at maraming natutuhan under your supervision."
"Maysakit ka nga pero lagi ang tawag mo na kumain muna kami at magpahinga, you always remind us how important our health are."
Niyakap ng dalaga ang mga ito, gusto niya talagang umiyak dahil sa mga pagal nila pero tinawag na siya ng organizer.
"Main models up next! Stylist, please assist their dresses."
Inayusan na siya uli, retouch and fixing the denims in touch of dress.
"Always remember that you should walk as if no one is looking, walk like you're not impressing people,"
Pareho silang tumango ni Nico.
"Three, two, one—go!"
Pinatay maging ang background screen. There are no lights to see them, ayon sa briefing ay pupunta sila sa likod sa bandang gitna na nakayakap siya sa leeg ng binata habang nakasapo naman ito sa likod niya.
Ginawa nila.
"Sunny..."
"O?"
"Do you have any idea about my feelings for you?"
"Ha? Muntanga ka talaga, pinagsasabi mo."
"Mahal kita." Madilim pero nakikita niya ang mga mata ng binata. Diretso itong nakatingin sa kaniya. "Mahal kita hindi bilang kaibigan ko o bilang kababata ko, I love you just because you're my Sunny."
Natulala siya sa binata.
"You always have something special in my heart na hindi ko mapangalanan noon but now, I am sure that you are the one I love. I love you, Sunny. You are my Sunny, my sunshine."
"Bakit sinasabi mo sa akin ngayon iyan?"
"Dahil baka kapag natapos na ang project na ito, mawalan ka na ng time na lagi akong harapin, ayoko lang sayangin ang oras pa. Matagal na akong nagsasayang."
"Nico..." she stares Nico intensely. Iyong puso niya ay walang paglagyan sa tuwa. She wants to cry knowing na iyong lalaking minamahal siya ay mahal din pala siya. "Are you sure about your feelings for me? Baka dahil maganda lang ako ngayon, ha."
"Sus, pumangit ka man o gumanda ka pa ng sobra para sa akin diyosa ka."
"Bolero," wika niya. Bigla siyang hinigit ng binata palapit sa kaniya. Nico kissed her! She was so shocked! Kasabay nang panlalaki ng mga mata niya ang pagbukas ng mga spotlights, the audience are all gasped! Nagulat sila pero mayamaya ay pumalakpak ang mga ito!
"This is so awesome!" sabi ng isa sa mga bigating pulitiko.
"I like the graphics and the elegance of both denims! Plus the one who wore it!" sabi ng first lady ng presidente.
Unang naglakad si Nico at naiwan siya roon nang tulala. Kailanman ay hindi niya nakita ang binata na naglakad sa entablado, he surely knows how to move and looks so masculine. He is so confident about his physical appearance. Galing!
According to the briefing, magsisimula siyang maglakad kapag nasa gitna na ng entablado ang binata. So, she walked!
Naglalakad siya habang ang buhok niya ay sumusunod sa kaniya, her mouth is half open and her eyes stare only not to the audience but to their top of heads. Lahat ng audience ay pumalakpak sa paglakad niya.
"Bravo!"
"This is more than a perfect catwalk!"
Nang magpantay ng pwesto ang dalawa ay tiningnan niya ang binata nang patagilid, kinindatan siya nito kaya ang kanina ay seryoso niyang mukha ay biglang ngumiti. Hindi mapigilan ng dalaga na hindi ngumiti. She is inlove, more than inlove with his friend!
Nang nasa gitna na sila ay lumabas na rin ang ibang mga modelo, ang mga audience naman ay pumalakpak.
Lumabas ang host at humingi ng pasensiya sa mga audience for expecting Ashton to model his collection.
Hindi nga lang niya inaasahan ang susunod na nangyari...
Nico get the microphone and tell people how much he loves me!
"I am sorry for the little scene over there," nahihiyang sabi ng binata. "But I want people to know na I used you, guys! Pasensiya na sa panggagamit ko sa inyo para umamin sa taong mahal ko."
Biglang nag-thumbs up sign ang ibang mga audience pati ang ibang mga kadalagahan ay kinukuhanan ng litrato ang binata.
Ang mga modelong kasama niya ay bahagya siyang tinatapik na parang sinasabi ng mga ito na ang swerte niya. Nahihiya tuloy siya.
"I am in love with Sunny for so long but I can't name that feeling until I saw someone who is really serious about her—nakakaselos pala ang makitang sumasaya ang mahal ko," malungkot nitong wika
She heard in the crowd said "aww' natatawa pa siya nang may marinig siyang "sana all"
All the audience are clapping, makikita mo ang mukha nilang masaya.
Pero wala nang sasaya pa sa nararamdaman niya na mahal na mahal siya ng taong mahal din niya.
Itutuloy...