Chapter 17

1400 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 17 KANINA pa nakaalis si Ashton, matigas nitong sinabi na wala siyang pananagutan sa bata, na kahit ito ang ama ay hinding-hindi niya pakikisamahan si Rachelle. Maari raw niyang suportahan ang bata pero hinding-hindi si Rachelle. Tahimik lamang si Sunny at Nico habang walang humpay ang pag-iyak ni Rachelle. They don't know what to do hanggang sa huminto ito sa pag-iyak. "Rachelle..." untag ni Sunny, lalapit sana ito sa dalaga pero pinahinto siya nito. "Naiintindihan ko, Sunny, ang pangyayari, na wala kang kasalanan, na mahal ka nila at ako'y ginamit lang. Naiintindihan ko pero sana intindihin mo rin na ikaw ang may dahilan ng lahat ng paghihirap ko, na kahit alam kong wala kang ginawa, na ako ang may kasalanan, ikaw pa rin ang dahilan, pasensiya na pero hindi ko kailangan ang awa mo kaya p'wede huwag kang mabait para may dahilan akong magalit." Malungkot na umurong ang dalaga at nagtago sa likod ni Nico. Nico let a heavy sigh. "It's all my fault, hindi ko nakita na mangyayari sa iyo ito, Rachelle," sinserong sabi ni Nico. Lalong pumalahaw ng iyak ang dalaga kaya ang kasintahan niyang si Nico ay tila nabalisa. "I will be responsible for what happened, please stop crying in my house," pagpapaliwanag ng binata. Biglang huminto ng iyak si Rachelle. "Magiging responsable ka sa akin? Sa anak ko?" tumango ang binata. "Papaano?" Magpapaliwanag na sana si Nico nang hinarap ito ni Sunny. "Do not tell me you'll breaking up with me, Dudung," nakalabi na tanong ng dalaga kay Nico. Paano na lang kasi kung siya ang maging ama ng anak ni Rachelle and the eventually, mai-inlove ito sa ina ng inaalagaan niyang bata. Paano kapag ganoon? Nico smiled at inakbayan ang dalaga. "Hell, no. Mas mabuti pang maging masama ako uli kaysa maghiwalay tayo. Pinaghirapan kitang makuha, Sunny. I've been through a lot of stess and negotiations just to have you tapos break up na agad? No fvcking way, baby," masuyo nitong sabi pagkatapos ay ginawaran siya ng mabilis na halik sa noo. "So, what happened to me is okay for the both of you?" galit na untag ni Rachelle. "If you didn't order me to seduce Ashton, I'll be fine, e!" Binalingan ng dalawa ang nakaligtaang dalaga. Nagsalita muli si Nico. "That's not it, I'll support you two. The baby and you," sabi ng binata sa dalagang nakalupasay sa sahig. "Lahat ng gagastusin hanggang sa manganak ka, I will shoulder it." "Hindi kailangan malaman ng magulang ko na buntis ako and my pregnancy is sensitive, Nico! Nagkulong ako sa bahay ng isang linggo just because my morning sickness is so suck!" "Saan ka ba maaaring tumira niyan? Any relatives here?" tanong ni Sunny. Siya man ay naaawa sa dalaga dahil kung sa kaniya mangyayari iyan ay mahirap din para sa kaniya. Kaya nga ang nanlilisik nitong mata sa kaniya ay pinapabayaan na lang niya. "I don't know where to live. This is Manila, sa Cabanatuan pa ang probinsiya ko." "You can live here for a while." Nagulat si Sunny nang marinig niya mula iyon sa kasintahan. This is the familliar feeling she doesn't want to feel. "Here, with Sunny?" tumango ang binata sa tanong na iyon ni Rachelle. Gusto niya sabihing huwag, this is the home they grew up together pero naaawa ang binata kay Rachelle at kasalanan nga naman talaga nito kaya di niya magawang pigilan ito but again, she have this familiar feeling na lumulukob sa pagkatao niya. Nagseselos siya, nagseselos siya sa malamlam na mata na meron ang binata kay Rachelle. "Is it okay to you, baby?" tanong naman sa kaniya ni Nico. Gusto niyang sumigaw na HINDI! Na ayaw niya, pero lalabas naman siyang bastos. Tumango siya sa binata at bahagyang ngumiti, kung papaano siya nakangiti ay hindi niya alam, she maybe an actress in her previous life, ang galing niyang magtago ng tunay na nararamdaman. "Si Mama pala, Nico?" pormal niyang tanong dito. "Oh, baby, she has a note on the ref, she went in La Union daw, kasama si Tatay Danny." "Bakit hindi sila tumawag sa akin?" "I don't know, sabi lang nasa La Union sila, ngayon na raw nila gagamitin day-off nila." Tumango na lang siya, never in her life na iiwan siya ng parents niya kapag umaalis ang mga ito out of town, tapos hindi pa tumawag ang mga ito sa kaniya. There is may be a problem in her Mother's hometown. -- Isang linggo na rin ang lumilipas, Rachelle is in a room where she has her own maid to look after her, mabait naman ito, hindi nga lang niya alam bakit ayaw niya ang pagiging mabait nito. Mabait siya sa tao. Pero there is something off talaga siyang nararamdaman kay Rachelle. Inaamin naman niya sa sarili na nagseselos siya at walang araw mula nang tumira ito na hindi masakit ang loob niya. Nico enjoyed the food that Rachelle cooked for him. Iniyak niya nang hindi pansinin ni Nico ang niluto niyang adobo na may pinya at mas inulam ang niluto nitong ginataang tulingan na isda. Ginawa niya ang paghuhugas ng pinggan but Nico doesn't appreciate that. Mas inuuna nito na kausapin si Rachelle about how the girl handle different projects in his company. Nakakaselos ang araw-araw kahit anong intindi niya na buntis si Rachelle at nagmamalasakit lamang ang binata rito. Sobrang nagmamalasakit fyi. Kakainis. "Your shorts too short, Sunny. Magpalit ka," nakabusangot nitong pansin sa kaniya. "And what's with you? Why are you wearing loose sando?" naiinis nitong tanong. Wow, ha. Iritado pa siya sa kaniya. "This is not short, Nico. Mahaba ito and I prefer this kasi mainit," hindi niya napigilang irapan ito. "Ayun, o!" turo niya kay Rachelle na may dala-dala nanamang sandwich, sandwich na isa lang. "She needs you again, go and have some fun! Goodluck!" Inirapan niya ulit ang lalaking natulala na lang sa kaniya. She is smirking pero sa loob-loob niya nanghihina na siya, gusto niyang umiyak sa binata pero ayaw niya namang lumabas na immature at walang pang-iintindi. Naiintindihan niya pero hindi niya pa rin maiwasang magselos. She should be the one who was doing that, siya dapat ang gumaganap sa papel na iyon but Rachelle always has her own way of capturing Nico's attention, akala ko ba hindi niya tinitingnan ang dalaga sa ibang paraan, mapagkakatiwalaan ba ang salita ng dalawa sa kaniya? Na talagang walang namamagitan sa dalawa? That night she cried again. Nagising si Sunny dahil sa paggalaw ng kumot niya nang tingnan niya, nahiga ang binata sa tabi niya. "Nico!" "Psshh," bulong nito sa tainga niya na agad namang gumapang ang kiliti sa buong pagkatao niya. "I miss you, baby." "Hmp." Inirapan niya muli ang binata, nakarinig si Sunny nang mahinang pagtawa. Pinagtatawanan siya ng binata. "Ang sungit-sungit naman ng baby ko." Nico is kissing her neck passionately, hindi ito nagmamadali gaya ng lasing ito. Para siya nitong inaakit na papaakit naman siya kung hindi lang masama ang loob niya. "Teka lang, Nico, what are you doing?" tanong niya rito kahit alam naman niya kung ano ang ginagawa ng binata sa kaniya. Masama ang loob niyang natulog kagabi at hindi pa rin iyon nagbabago kahit na nanghahalik na ang binata sa kaniya. Hindi alam ni Sunny kung saan niya kinuha ang konsentrasyon at pagpipigil dahil nakuha pa niyang ibalot ang sarili sa kumot pagkatapos ay tumalikod sa binata. Pumalatak si Nico. "May problema nga tayo, sabi ko na, e." "Ewan ko sa iyo, lumabas ka na rito," masungit niyang sabi. "Hindi ko magagawa iyon ng galit ka sa akin, what's wrong, baby?" "Baby? Wow. Sounds so convincing." Hindi niya inaasahan na lilipat ng p'westo ang binata, nakita tuloy nito ang namumuong luha sa mga mata niya. "Damn, baby. Ayoko ng ganiyan ka. Anong nangyari?" wala sa loob ng dalaga na irapan ito kahit umiiyak siya. "Wala ito, nami-miss ko lang sila Mama at Papa," palusot niya. Totoo naman na miss niya ang kaniyang mga magulang but her true reason why she cried is because hindi niya masabing selos na selos na siya. Na hindi niya gustong isipin ng binata na mababaw siyang tao. Gustong-gusto niyang hilingin sa binata na kung p'wede—kung p'wede lang naman ay kaniya na lang uli ang atensyon nito—iyong buo gaya ng wala pa si Rachelle sa relasyon nila. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD