YOU ARE MY SUNSHINE
written by JellyPM
Chapter 18
MAGMULA kaninang umaga pa na parang hangin lang si Sunny sa bahay ni Nico habang ang binata at si Rachelle ay magkatabi sa mahabang sofa sa living room. Pareho ang mga ito na ganadong nagpapalitan ng kuro-kuro sa maaaring mangyari sa pinapanood nilang series sa Netflix.
Ilang beses na tumulo ang luha ng dalaga, ilang beses niyang pinilit ang sarili na ngumiti para lang hindi mahalata ng mga ito na nasasaktan siya. Mahirap kasi na pagdamutan ang taong buntis.
"Sana pala ako na lang ang buntis," malungkot na bulong ni Sunny sa sarili habang nagtitimpla siya ng sarili niyang kape. She will go again in the long table sa kitchen habang panonoorin ang dalawang masayang nanonood. That should be us, right? Sila dapat ang masayang nakaupo, hindi iyong mag-isa siyang nagkakape.
Why does she have this feeling na hindi na siya belong sa buhay ng lalaki? Does Rachelle is better than her in taking good care of Nico?
Napailing siya. Hindi na nga niya mailuha ang sakit. She is freaking hurt! And worst, she can't express it!
"Waaaaa!" napabalikwas si Sunny nang marinig ang sigaw ni Rachelle, akala niya ay may nangyaring hindi maganda sa dalaga but it's like a dagger hitting her heart when she saw that Rachelle is hugging Nico's arm.
"Puny*ta! That's a big demigorgon! Mapapano si Elle!" tukoy ni Rachelle sa bida sa pinapanood nilang Stranger Things habang ang isang kamay ay nakapulupot sa braso ng lalaki
"Huwag kang natatakot lalabas ang bata na matatakutin, sige ka!" masayang tugon ng binata. Hindi tinanggal ng binata ang pagkakakapit ni Rachelle sa braso nito kaya siya selos na selos na.
She wants to scream at alisin ang maruming kamay ng babae! Napupuno na siya. Punong-puno na!
Hindi niya napansin na yupi-yupi na ang plastic na kutsarang ginamit niya sa panghalo ng kape. She is f*****g mad at them.
Mayamaya ay tumayo ang binata at luminga-linga upang mahanap siya, nang makita siya nito ay awtomatiko niya itong tinaasan ng kilay.
Kumunot-noo lamang ang binata. Why is he looking at me when there is someone beside him? Nakakawalanghiya talaga sila.
Tuluyan nang pumasok ang dalaga sa loob ng kaniyang kwarto at pabagsak na sinalampak ang sarili sa kama. Malungkot niyang tinanaw ang kisame habang iniisip ang sama ng loob niya sa dalawa.
Normal ba ang ganoon? Na masaktan siya sa atensiyon na ibinibigay ni Nico kay Rachelle? O masyado lang siyang nag-iisip?
Normal lang siguro na magselos sa iba kung talagang mahal mo ang tao, magseselos nga tayo, pero baka sa kaseselos, napagdududahan natin ang pagmamahal sa atin ng iba.
Nasa ganoong ayos siya nang tumawag sa kaniya si Rose, isa sa mga kaibigan niya noong nasa kolehiyo pa siya.
"Rose! Buti napatawag ka?" bungad niya sa kaibigan.
"Are you free today?"
"Yea, I think so, why?"
"Let's hang out today! Sunday naman, wala kang pasok."
Pumayag si Sunny sa paanyaya ng kaibigan, she can accept any invites right now since she is really feeling down.
Kumuha siya ng isang white tube at kulay itim na blazer tinernuhan niya ng itim na leather skirt para sa pang-ibaba at nagsuot ng boots na kulay itim.
She also curl a little for the volume in the end of her hair and of course kinapalan niya ang kulay ng lipstick niya pero light lang sa mata, she just use mascara to highlight her long and thick eyelashes. To complete her get-up, kumuha rin siya ng malaking itim na eyeglasses.
Sunny took a one selfie and send it to their batch group chat bago ito lumabas ng kwarto.
Nang makalabas siya, hindi siya agad-agad namataan ni Nico dahil nakatalikod ito but Rachelle did. Hindi niya alam kung paghanga ba ang nakikita niya sa mukha ng babae, anuman iyon, wala siyang pakialam.
Lumapit siya sa mga ito, doon lang siya napansin ni Nico. When Nico saw her, napatayo agad ito.
"What the! Saan ka pupunta? You're showing so much skin, baby!"
"I don't need your opinion about how I dressed up. Aalis na ako, makikipagkita ako sa dati kong kaklase," seryoso kong sabi sa kaniya na ikinabuka nang bahagya ng labi nito.
"No! Wait, damn, I'll join you!" sagot nito sa kaniya, mukha itong naiirita sa kaniya.
"No, you stay here. It's okay lang naman na ako lang mag-isa, just don't disturb me and I will do the same thing, hindi ko kayo iistorbuhin sa pinapanood ninyo."
"No, sasama ako," sabi pa rin nito. Nagmamadali itong pumasok sa kwarto nito para magpalit siguro ng damit but Sunny is so damn mad at him kaya iniwan niya ito.
Tinext niya si Rose na susunduin siya nito dahil wala naman siyang kotse at hindi siya marunong mag-drive.
Sakto naman na paglabas niya ng gate ay ang pagdaan ni Rose, she immediately get inside the car and tell Rose to make it fast, nagtaka sa kaniya ang dalaga pero tumalima naman agad.
Nasa isang resto-bar sila huminto, she smiles when she saw in the clear glass wall ang mga dati niyang kaklase.
"Blooming mo, gaga ka!" bati sa kaniya ng mga babae niyang kaklase habang ang mga lalaki ay napatayo upang mag-offer ng seat sa kaniya.
"Ano nga sekreto mo, girl? Gumanda ka lalo."
"Gumanda? Parang wala namang ganda sa akin," pabiro kong sagot sa kanila.
Nagtawanan ang mga ito sa pagiging humble ng dalaga. Mayamaya ay nag-ring ang cellphone niya, it is Nico. Pinatay niya ang kaniyang cellphone, she is here to enjoy, she is here to forget. Kung busy siya sa babaeng iyon, magpapaka-busy na lang din siya. It is so hard to control her emotion when Rachelle is around.
"May boyfriend ka na, di ba?"
Hindi niya sinagot ang tanong na iyon sa kaklase nilang lalaki na si Julius. Si Julius ang lalaking nababalitaan niya noon na may malalim na pagtingin sa kaniya na hindi niya pinatulan.
"May boyfriend na iyan, Juls. Iyong nagsusundo rin sa kaniya noong college tayo," sabat ni Rose. "Di ba, Sunny? Kasi nandoon ako noong fashion show ni Ashton."
Natawa siya bago tumango. "Yes, he is my boyfriend now."
"Kayo rin pala nagkatuluyan, no? Sabagay dati pa naman patay na patay sa iyo iyon, e."
"Sa akin?"
"Ay, bakit, girl, di mo alam?" umiling si Sunny. "Gaga ka, iyang si Julius at Jake pati si Vergara, manliligaw sana ang mga iyan noon sa iyo pero hindi pa man nakakalapit sa iyo, inaabangan na agad ni Ortiguerra,"
"I didn't know..." mahina niyang sabi.
"I am also a man, Sunny. Masasabi namin kung kailan nagmamahal ang kapwa namin lalaki, college pa lang tayo, mahal ka na niya."
Hindi man gustuhin ni Sunny but she is really happy hearing those words from her classmates.
Sa sobrang sarap ng kwentuhan nila, napasarap din tuloy ang inuman nila hanggang sa tuluyan na siyang nalasing.
"Tapos, ano pa, Jake?" natatawa niyang tanong sa lalaking niyang kaklase.
"Edi nasa elevator kami noon ni Rose, hindi ko napigilan ang sarili ko nautot ako, nang umalingasaw ang amoy, kunwari ako inaamoy-amoy ko si Rose at nilukot ko ang ilong ko sabay taboy ng amoy gamit ng kamay ko, ang alam talaga ng mga katrabaho namin sa building na iyon, siya ang umutot kahit ako naman talaga iyon!" pabidang kwento ni Jake.
" HAHAHAHAHAHAHAH"
"G*go ka! Hayop ka talaga. Dugyot ka!" sigaw ng kaibigan niya. Natatawa talaga siya sa dalawang kaklase niyang ito, noon pa man ay parang aso't pusa na ang dalawa. Hate nila ang isa't isa pero hindi mo rin naman mapaghiwalay.
Sa buong linggo ngayon lang siya nalibang nang husto, iyong pagod at hinanakit ng puso niya, nawala na magmula nang maikwento sa kaniya ng mga kaibigan niya ang sakripisyo ni Nico mabakuran lang siya nang maraming taon. Maaaring mahal siya ng binata noon pa man, hindi lang siguro nito na-realize agad.
"Text mo nga ang boyfriend mo, Sunny. Pasundo ka sa kaniya."
"Why?"
"Sumakit ang sikmura ni Rose, e. I have to bring her in the nearest hospital."
"Sama ako!" umiling si Jake. "Hindi na. Gabi na! Pasundo ka na lang muna sa boyfriend mo, pasensiya na talaga."
Nagmamadali nang tumalikod ang mga ito. Nakauwi na rin kasi ang iba. Sila lang tatlo ang naiwan to pay for the bills. Nag-CR lang siya saglit, namimilipit na si Rose sa sakit ng tiyan, mag-isa niya na lang tuloy.
Paglabas niya ng resto-bar na iyon ay siya ring bungad sa kaniya ni Julius. Lumapit ito sa kaniya at niyaya siyang sumakay sa kotse nito.
If she is not drunk, pauunlakan niya ang invitation niti na maihatid siya pero kasi lasing siya at ganoon din ang lalaki, hindi naman sa wala siyang tiwala rito pero maganda na ang nag-iingat siya.
"Thanks, Juls. Pero parating na kasi si Nico, e."
"Samahan na lang kita kung ganoon habang wala pa siya."
"Hindi na talaga, Julius. Hehe. Okay lang naman ako dito. Marami pang tao."
Hindi ko na siya kinibo pero ang lalaki ay nasa tabi pa rin niya, iyong tipong tabi na konti na lang ay didikit na sa kaniya.
"You are still stunning as ever, Sunny."
Nilingon niya ito at ganoon na lang ang gulat niya nang konting konti na lang ang layo nito sa kaniya kaya naitulak niya ito agad-agad.
"Hindi ako hihingi ng pasensiya sa iyo, Julius, I told you that I will wait Nico here. Ano ba ang problema!?"
Napaupo ito nang maitulak niya. Nagi-guilty siya pero kailangan niya tatagan ang loob dahil baka mabastos siya tuluyan ng binata.
Inayos niya ang kaniyang pagkakatayo nang biglang may dumaan na kotse at nakita niyang si Ashton iyon.
"Sunny!"
"Ash!"
Nagmadali siyang lumapit kay Ashton na ngayon ay gulat na makita siya.
"Where is Nico? Why are you with that guy? Is he harassing you?" sunod-sunod nitong tanong nang makapasok siya sa loob ng kotse nito.
"It's a long story but to make the story short, I got jealous because my boyfriend is so busy taking good care of the mother of your child," inis niyang sabi. Hindi niya alam kung dulot ba iyon ng inis sa alak at sa hindi pagkakahatid sa kaniya kaya nakalimutan niya ang sakit ng salitang binitawan niya. "Opps, sorry."
Natawa sa kaniya ang binata. "Same old you, huh."
Ngumiti siya rito bilang ganti. "We did something bad to you pero hindi ang bata, Ash. Give it a chance."
"Yeah," sagot lang nito.
Ililiko na sana ng binata ang kotse nito pero may humarang na kotseng Ford sa kanila. Bumaba ang may-ari nito at tumambad ang binatang minamahal niya.
Agad silang bumaba ng kotse pero di pa man tapos ang sinasabi ni Ashton ay binirahan na agad nito ng isang suntok ang binatang naghatid sa kaniya.
"Hindi mo matatakas si Sunny sa akin! G*go!" galit na galit na sigaw ni Nico kay Ashton.
Itutuloy....