Chapter 20

2077 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 20 (Finale/Epilogue) NAGISING si Nico na wala na si Sunny. The only thing he had this morning is a text message from her na dapat na daw silang mag-break. Tutol daw ang magulang nito sa pag-iibigan nila. Tulala lang siya pagkatapos niyang mabasa iyon. What's wrong? Ano ang aayawan sa kaniya ni Nanay Carmen kung nakita naman nito kung paano siya lumaki, wala siyang inagarabyadong tao at kung may kalokohan man siya ay hindi ito nagalit sa kaniya. He never thought of her parents as a problem to their relationship. Nasa ganoong ayos ang binata nang pumasok si Rachelle sa kwarto, may dala itong tray ng pagkain. "Kain ka na." "Hindi ka pa umaalis?" kunot noo niyang tanong rito. "Alam mong ayaw ni Sunny na nandito ka." "Wala naman siya. Umalis na siya kagabi, di ba? Narinig ko ang pag-alis niya." Napabuntong-hininga ang binata. "Hindi mo naiintindihan. Hindi magandang tingnan na naririto ka. Look, I love Sunny over my obligations to you." "E, wala naman nga siya. Noong una ay okay ka naman, ah. Naaliw ka pa sa pinagbubuntis ko," sagot nito na medyo nakataas na ang boses. "Hindi ko maintindihan, iniwan ka na ni Sunny, ngumangawa ka pa rin diyan." "Alam mo Rachelle kung gaano ako kadelikadong tao. Huwag mong subukan ang pasensiya ko. Sunny didn't leave me!" banta niya rito habang ang mata ay masamang nakatingin dito. "Ginamit ka lang naman ni Sunny...." patuloy pa rin nito. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili dala ng matinding stress, hinaklit niya tuloy ang braso ng dalaga. "Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong delikado akong tao, Rachelle. Kinailangan mo nang mag-aalaga sa iyo at diyan sa anak mo, at dahil nga sa akin ay saan-saan ka na dinala ng kahalayan mo, inobliga ko ang sarili ko na alagaan ka dahil sabi mo nga maselan ka magbuntis at walang pamilya kang matatakbuhan! Naiintindihan mo ba? I can be generous to you! But there's no point na mag-stay ka sa bahay na ito. Rachelle, please stop acting that you're my partner." "Ang sakit mo magsalita, akala mo kung sino kang malinis, Nico. You hurt Sunny by showing your affections to me kaya ako rin ay nadala na baka magbago ka ng nararamdaman, kasi baka di mo naman siya ganoon kamahal." "Stop that bullshit of yours! Kahit kailan walang ibang minahal ang puso ko maliban kay Sunny!" sigaw ng binata na nagpadagundong sa buong kabahayan. "I have my ways, kahit ipagtabuyan ako ni Sunny, hahanapin ko siya at ibabalik siya rito. Pagbalik ko, wala ka na rito or else I'll drag you out and force Ashton to take over you!" Natinag naman ang dalaga kaya hindi na ito nakapagsalita. Nico went out and contacted all of his connections. But months passed, despite of him having a lot of connections, hindi pa rin niya nahanap ang dalaga. Hindi siya sumusuko. Doon lang niya na-realize na nakaka-depress ang buhay na wala si Sunny sa tabi niya. In their twenty-nine years, ngayon lang siya tuluyang nalayo sa dalaga. At walang araw na hindi siya umiiyak. Hindi nangungulila sa dalaga. Kumusta na kaya ito? Nasa bar nanaman siya, he is sitting in a VIP seat, at mahigpit niyang ibinilin na walang lalapit sa kaniya. Not even his friends. Rudy is always with him para paalisin ang nagbabalak na makalapit sa kaniya. Mamaya ay rinig na rinig niya ang masayang halakhak ng bodyguard niyang si Rudy. Hindi ito laging ganoon. He is always silent but now he is happy. Siguro'y may kakilala lang. Hindi niya ito nilingon. "Hindi raw, Ma'am, e. Wala raw p'wedeng makalapit kay Sir Nico," masayang wika ng bodyguard niya. Bagaman malakas ang tama ng wine na iniinom niya ay dinig niya kay Rudy na siya ang hinahanap ng kausap niya. He doesn't care! f**k them all, but only Sunny he wanted right now. Lumagok siya ng isang baso at damang-dama niya ang nanunuot na pait sa lalamunan niya. "Ayaw niya talaga akong makita at kausapin, Rudy? But where would I stay? Walong oras ang binyahe ko makauwi lang sa kaniya?" sabi ng kausap ni Rudy. Nico smiled bitterly. Nakakainis. Tinatamaan na nga yata talaga siya pati boses ni Sunny ay naririnig na niya. "E, ayaw daw ni Sir Nico ng kausap, Ma'am Sunny, e," natutuwang sagot ni Rudy. Nalilito na siya. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya ng kaniyang pandinig, sa inis ay nilingon niya ang kaniyang bodyguard. Ganoon na lang ang gulat niya na ang matagal niya ng hinahanap na babae ay nasa harapan na niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Hindi niya inaalis ang tingin sa dalaga, natatakot siya na kapag pumikit siya ay mawala na sa harapan niya si Sunny. Sunny smiled at him. Naluluha ang dalaga habang nakatingin din sa kaniya, hindi niya rin mapigilan na hindi maluha. God knows how much he misses Sunny. Hindi siya makapaniwalang konting-konti na lang ang pagitan niya sa pinangungulilaang dalaga. "Rudy, I am not dreaming, right?" tanong niya sa bodyguard niya na siya ring kaibigan niya. "Hindi po, si Ma'am Sunny po talaga iyan." Bahagyang hinawakan ni Nico ang pisngi ng dalaga. Sinisiguro niyang totoo ito at hindi guni-guni lang. "Bumalik ka," sinserong pahayag ng binata. "akala ko hindi na kita makikita pa." "Akala ko rin, e," sagot nito habang nakangiti. "Tumakas lang ako..." "Bakit? Bakit ka umalis? Bakit kayo umalis?" "Nahihiya raw ang magulang ko sa mga magulang mo, ayaw nilang maisip nila Tita at Tito na sinasamantala namin ang kabaitan nila. Our neighbors were rude to my parents," mapaklang ngumuti ang dalaga. "Sinasabi nilang pamilya kaming mapanamantala, syempre iisipin talaga nila iyon dahil katulong lang kami sa inyo, pinag-aral ninyo ako tapos ngayon tutuhugin ko ang taong kumupkop sa amin. Hindi kaya ng magulang ko ang ganoon. That's why umalis ang mga magulang ko kasama ako, at wala ring mukhang maihaharap ang magulang ko sa mga magulang mo." "At kapag nakauwi ako, Sunny! Sinasabi ko sa iyo! Gagantihan ko ang mga nagsabi nang masasama sa inyo nila Nanay Carmen!" Hinawakan ng dalaga ang braso ng binata. "Don't. We solved the problem already." "Ha?" "In those months, nakahanap ako ng trabaho sa isang malaking fashion agency sa bansa bilang isang team head organizer. Kung sakali mang mahal mo pa ako at yayayain kitang pakasalan ako, may mukha na akong maihaharap sa iyo at sa magulang mo." "My parents love you, Sunny. You are their daughter." "Ibang usapan kapag naging daughter in law nila ako." Bumuntong hininga ang binata. Yumuko ito at nangingiti. Ngumuso si Sunny. "You are grinning." Hinarap siya ng binata. Naroon pa rin ang mapaglarong itsura nito. "I can't get over of what you said to me," di makapaniwala nitong sabi. "Iyong pagiging daughter in law nila sa akin? What's funny? Hindi ba talaga p'wede? But I have work already! I can support my parents. Hindi na sila maninilbihan sa inyo, ah!" Tumawa ito nang malakas. Kaya ang dalaga ay litong-lito. "No, that's not what I mean." "E, ano?" kinakabahang tanong ni Sunny. "Yayayain mo ako magpakasal sa iyo?" "Ay, bakit? Hindi na p'wede? Are you in a relationship right now?" nagsisimula na mautal ang dalaga at bagaman kinakabahan ay hindi pa rin niya mapigilan hindi maiyak. "Nahuli na ba ako, Nico?" "O ba't umiiyak ka? Sabi mo kasi yayayain mo ako, e, wala ka namang singsing, paano ako, magsasabi ng oo," panunukso ni Nico rito. Hindi alam ni Sunny kung gaano kasaya si Nico ngayon. Sunny didn't leave him, she fights for him. Hindi lang siya ang lumaban kundi pati rin ito. Mahal siya ng dalaga. At ngayon ay parang wala itong ideya sa gusto nitong i-offer sa kaniya. "No, meron akong singsing." Nagulat ang binata. "May singsing ka? Para sa akin?" Nagtataka naman ang dalaga. "Oo, meron. Kasi heto ang pinunta ko sa iyo, kung mahal mo pa ba ako, e, wait! Mahal mo pa ba ako?" "Hinanap kita nang matagal, nabaliw ako sa ideyang hindi ka na makikita. Itinakwil ko lahat ng lumalapit sa akin at sa umaga't gabi ay dinadamdam ko ang hindi natin pagsasama, kung hindi pa pagmamahal iyon sa iyo, Sunny, hindi ko na alam ang tamang salita pa," sinserong pahayag ng binata. "So, mahal mo pa nga ako?" "Kulit mo, oo naman!" "Mr. Ortiguerra, will you marry me?" kunot noong tanong ni Sunny. Hindi tuloy mapigilan ni Nico hindi matawa nang malakas. Nainis na tuloy ang dalaga sa kaniya. "Ayaw mo yata, e!" bulyaw sa kaniya ni Sunny. "Hindi sa ganoon, baby. Bakit kasi nagyaya ka ng kasal na parang nagyaya ka lang kumain sa Jollibee. Nakakunot pa noo mo na akala mo naman ay galit ka." Inirapan siya ng dalaga. "Ikaw kaya ang nasa kalagayaan ko, ikaw kaya magyaya! Hmf!" At tuluyan na talagang napahawak ang binata sa tiyan niya sa sobra nitong pagtawa. "Silly girl, ako naman talaga ang dapat magyaya sa iyo niyan, now that you are in my arms again, I will never let you go, baby. Not again." Niyakap ni Nico ang dalaga. "Baby, for now, pwede bang ako ang manghiram ng singsing na iyan at yayain kang magpakasal sa akin?" "So, it's a Yes na? "Of course, baby. It's a YES! Soon, you will be a Ortiguerra. I love you so much." ---- Nakayakap lang si Nico sa kaniyang tuhod habang nakaupo sa harap ng bahay nila ni Sunny. Kasama niyang nagmumukmok ang mga maleta niyang punong-puno nanaman ng damit na basta na lang dinampot ni Sunny at isinilid sa maleta. Pangatlong beses nang nangyari sa kaniya ito. Late nanaman kasi siya ng uwi dahil sa dami ng project na tinatanggap niya. Nakilala kasi lalo ang advertising company niya sa ibang malalaking bansa dahil sa pagbibida ng event na inorganize ng asawa niya nakaraang taon. Sunny is no longer working. Buntis kasi ito at nasa huling semester na. Maselan at talagang masungit ito magbuntis. He tried to come early as much as possible pero traffic talaga kaya na-late siya ng thirty minutes. Mayamaya ay bumukas ang gate. "Baby!" Pagkakita sa kaniya ng kaniyang asawa ay sinarado nito ulit ang gate at inirapan siya. Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob. Pero kilala niya ang asawa, nasa pinto lang ito. Nakapamaywang. Ganoon man ang ugali ng asawa niya ay inintindi niya. She is carrying their child. Malaki ang tiyan nito magbuntis and she is so irritated with that fact na chubby na ito ngayon. Mataba raw ito pero para sa kaniya ay hindi naman ganoon iyon. She still has her figure, malaki ang tiyan pero hindi ang katawan, she is still sexy and very very sexy that he still wants her wife in bed. Pero dahil delikado na lalo na at ilang linggo na lang ay manganganak na ito, hindi na niya magawa. "Baby, sige na, let me in." "No. You are late. You don't love me anymore." "I never love someone aside from you," sigaw niya rito kasi nasa door ito medyo malayo sa gate. "Then why are you so late!!" "Our client praise your runway project, baby! Hindi ko mapigilang hindi ka ibida sa kanila!" "Is your client a girl or a boy?" "A girl and a boy! Mag-asawa, baby! They are old!" Mayamaya lang ay naririnig na niyang binubuksan ang gate. Bumungad sa kaniya ang asawa niyang naka-maternity dress. "Hello, beautiful sunshine. Gabi pero nakikita lang kita lumiliwanag na ang paligid ko." "Corny mo! Totoong hindi ka nambabae kaya ka na-late umuwi?" "Pinaghirapan kita tapos lolokohin lang? No way! Hindi mangyayari iyon, baby." "Hmf." "sungit naman ng baby ko, ah," malambing na sabi ni Nico habang inaakbayan nito ang asawa. Alam ni Nico na sa mga oras na ito ay kumalma na si Sunny. Pumasok nang sabay ang dalawa sa kanilang bahay. Ito na rin kasi ang bahay na pinagtirhan nila pagkatapos ng isang beach wedding nilang mag-asawa. Sa bahay kung saan ay sabay silang lumaki, sa bahay kung saan sila bubuo nang mas malaking pamilya. Saksi ang bahay na iyon sa kung paano sila naging magkasintahan at patuloy itong magiging saksi sa marami pang magandang alaalang bubuuin ng dalawa. Siya, si Nico, na haligi ng tahanan. At si Sunny ang asawa niya at magiging ina ng kaniyang mga anak, magsisilbing ilaw ng tahanan ay siya ring liwanag ng kaniyang buhay. Sunny, you are my sunshine. I love you forever and ever. WAKAS. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD