Ashy Heart Swifth ( POV )
Obviously, hindi na natahimik ang buhay ko simula ng mag-enroll si Elayda sa school namin. Araw-araw lagi silang nakadikit sakin kung hindi kami magkasama. Hindi ko maitanggi na na-aannoy na ako sa kanila. Kahit saan ako magpunta palaging may sumusuyo sa'kin na kausapin ko raw si Elayda para makapagpa-autograph sila, makapag-papicture o di kaya gusto nilang makasama o maging kaibigan din si Elayda. Nakakainis. Ayaw ba nilang tantanan ang bestfriend ko? Gano'n ba talaga ang mga fans? Hindi ba nila naiisip na tao rin si Elayda, kailangan niya rin ng space at kailangan niyang magpahinga.
Minsan gusto kong magalit sa kanya, bakit ba kase nag-enroll pa siya sa skwelahan namin e' sobrang hectic ng schedule niya! Ang alam ko marami siyang photoshoots, rehearsals, fan meeting at marami pang iba! Isa pa, wala ba siyang balak magpahinga? Mahirap kayang ma over fatigue! Paano na lang kung may mangyaring hindi maganda sa kanya?!
Minsan gusto kong isipin na sana naging isang normal na studyante nalang siya. Wala siguro kaming magiging problema. Kaya lang ang selfish ko naman kung gano'n.
"At bakit naman kaya nakabusangot ang mukha ng mahal kong kaibigan?" ngiting tanong sa akin ni Elayda. "Ayaw mo ba ng pagkain? Gusto mo bang bilhan na lang kita ng iba? Anong gusto mong kainin?"
Malalim akong bumuntong hininga at nakasimangot parin na inilipat ang tingin sa kanya, "Hindi ka ba nahihirapan sa mga fans mo? Hindi ka ba napapagod? Bakit ka pa nandito? Hindi ba dapat nagpapahinga ka? Ayokong napapagod ka, Elayda! Paano nalang kapag bumigay ang katawan mo?! Pa--" Hinawakan ako ni Elayda sa magkabilang balikat. Mahina niya akong inalog nang nakangiti.
"Ano ka ba! Diba sinabi ko na sa iyo na okay lang ako? Isa pa, hindi ako papayag na may mangyaring hindi maganda sa akin kase ayokong mag-alala ka."
"Hindi ka ba na-aannoy sa mga fans mo?"
"Hindi. Okay lang naman sa akin. It's the culture of my job."
"Hindi ka ba nahihirapan kase palagi silang nakasunod sa iyo?"
"Nope."
"Pero kase nagiging issue na sa mga fans mo kung bakit hindi ka sa isang mas maayos na skwelahan nag-aaral."
"Bahala sila."
"Elayda naman, hindi mo ba iniisip ang pangarap mo? You can't just left it behind dahil lang sa gusto mong mag-aral dito."
"Kaya ko naman e'"
"Sure ka bang okay lang ang lahat ng mga nangyayari ngayon sayo? "
" Oo."
"Pano kung magkasakit ka dahil sa sobrang stress at hectic ng schedule mo?"
" Papadoktor ako."
Nasabunot ko ang buhok ko dahil sa mga sagot niya sakin. "Ano ka ba Elayda?! Iniisip mo pa ba ang sarili mo? Alam mo pa bang tao ka?"
"Oo naman!"
Napasabunot ako lalo ng buhok ko sa ulo. "Mas lalo akong nag-aalala sa'yo niyan e! Ba't mo ba pinahihirapan ang buhay mo, Elayda?!"
Napatigil si Elayda sa pagnguya ng cake niya at napabaling ng tingin sa akin. She furrowed at me. "Hindi ko naman pinahihirapan ang sarili ko, ah? Tska." Lumapit siya sa akin para akbayan ako tapos malapan na ngumiti na animo parang walang problema sa buhay. "Kaya ako nandito kase gusto ko palagi tayong magkasama." Aniya. Hinalikan niya ako sa pisngi at sumubo ulit ng cake.
Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan nalang siyang kumain. Nginitian niya ako at ngumiti naman ako pabalik. Minsan kapag nakikita ko siyang ganito kasaya at kapayapa parang nawawala ang lahat ng problema ko. Gumagaan ang pakiramdam ko.
Ang totoo niyan, hindi ko ma-imagine kung ano ako kapag nawala si Elayda sa buhay ko. Pareho kase kaming lumaki na magkasama parati kaya siguro hindi ko siya masisisi kung bakit gusto niya akong kasama palagi. Busy ang mama niya at kahit kailan hindi ito nagkaroon ng time para sa kanya.
Pa'no kaya kung mainlove si Elayda. Pa'no kaya kung gusto niya nang magkaroon ng sariling pamilya? Pa'no ako? Pag gano'n ba, gusto parin kaya niya akong makasama?
"Huy!" Pinisil bigla ni Elayda ang ilong ko kaya nabalik ako sa sarili ko. "Ang lalim-lalim ng iniisip mo ah, baka malunod ka n'yan!" natutuwang pang-aasar niya sa'kin. "Hindi mo parin ginagalaw ang pagkain mo. Gusto mo akin nalang?"
Kinuha ko ang in-order kong pizza at sinubo ito sa bibig ko. Ang sarap!
"Nagagandahan ka ba sa'kin, Ashy?" Kamuntikan na akong mabulunan sa abrupt niyang tanong. Para tuloy siyang na-offend sa naging reaction ko. "Ah. So hindi ako maganda, gano'n?"
"Wala pa nga akong sinasabi!"
"Sus! So, nagagandahan ka sa'kin o hindi?"
"Tanga! Shempre maganda ka! Tska ang ganda pa ng boses mo! Matalino. Matanggad! Whole package!" Proud na proud kong sabi.
"Will you fall in love with someone like me?" sabi niyang mahina kaya hindi ko masyadong narinig.
"Ha?"
"Wala! Tanga mo!"
"Hala! Tanga agad?"
Tumawa lang siya nang malakas. Gaga! Pinagttripan na naman niya ako. Napatawa nalang din ako kase nakakahawa ang tawa niya. Ilang saglit pa, pakiramdam ko parang biglang nag slow motion ang lahat. Pati pagtawa ni Elayda. Dahil do'n pakiramdam ko para akong binigyan ng pagkakataon para mas masilayan ko pa ang maamo at napakaganda niyang mukha. Ramdam ko bigla ang malakas na pagtibok ng puso ko sa mga oras na ito tapos parang may nagsisiliparang mga paru-paru sa paligid. It's so magical. Sa sobrang ganda ng tanawin sa harapan ko para akong nahihipnotismo.
Maya-maya nagring na yung bell para sa susunod na subject namin at sa pag-ring ng bell ay bumalik sa normal ang lahat.
"Oops! Pa'no 'yan? Next subject na. Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo. Isang kagat palang pala 'to oh?" Ngayon ko lang tuloy naramdaman ang sobrang gutom. Kainis! Bakit ngayon pa talaga?!
Tumayo na lang ako tska tumalikod at aalis na sana kaso pinigilan ako ni Elayda.
" Hindi ka pa kumakain. "
I fake a smile. "Mamaya ko nalang uubusin 'yan pagkatapos ng subject natin Elayda. I-isa pa busog pa naman ako--" biglang kumulo ang tiyan ko na para bang ipinagsisigawan niya kay Elayda na nagsisinungaling ako. Namula tuloy ang mukha ko.
Elayda sigh pagkatapos ay hinila niya ang isang kamay ko. Lumapit kami sa counter ng canteen at nagsimula siyang um-order ulit.
"Umm..Tatlong ham and cheese burger, pakibalot nalang." Kinuha naman ng nagtitinda ang in-order ni Elayda tska inilagay ito sa brown na supot. Ibinigay niya ito sa kanya pagkatapos. "Salamat." Ani Elayda at dali-dali kaming umalis roon.
Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa classroom ay bigla niyang inabot sa akin ang isang burger na nabili niya kanina. "Kainin mo 'yan."
"Ha? Pero bawal tayong kumain habang nasa klase diba?"
"Akong bahala, ang importante hindi ka magugutom. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka mahahalata."
"Ha?!" Kinakabahan tuloy ako sa binabalak nitong si Elayda. "Pero bawal nga. Pwede namang--" kumulo na naman ang tiyan ko and this time, mas malakas pa. Kainis naman!
"Basta, kainin mo 'yan please. Ayokong magka-ulcer ka."
"Dahil hindi ako kumain?"
"Ng burger." Seryosong sabi niya at napatawa naman ako. "Sige tumawa ka lang. Gaga ka talaga." Mas lalo tuloy akong napangiti. Kahit kailan napaka-sweet talaga nitong si Elayda.
"Pero, paano kung makita ako ng profesor natin?"
"Hindi ka makikita."
"Sigurado ka ba?"
"Yeap. Basta nga h'wag kang papahuli."
Tumango nalang ako tska tinanggap yung binigay niya sakin. Maya-maya pumasok na kami ng classroom. Magkaklase kase kami ni Elayda kase pareho yung kursong kinuha naming dalawa. Education. Nagtataka nga ako sa kanya kung bakit niya kinuha ang kursong education. Ang alam ko hindi education ang gusto niyang kurso. Nung minsang tinanong ko siya, sinabi niya lang na gusto niya lang akong makasama palagi. Diba? Nonsense?
Sa bagay, nasanay narin naman ako sa kanya simula pa no'ng bata kami kaya okay na lang sa'kin. Nakikita ko naman na masaya siya sa bawat disisyon niya.
Lahat ng gusto ko gusto rin niya pero hindi naman kami nag-aaway kase siya yung nag-gigive way para sakin. Ngayon kahit sobrang sikat na niya ng singer hindi parin siya nagbabago sakin, sobrang mahal parin niya ako biglang bestfriend niya. Para sa akin isang napakabuting kaibigan si Elayda at wala na akong mahihiling pa sa kanya .
Habang naglelecture na yung teacher namin ay hindi ako mapakali sa upuan ko. Gutom na gutom na talaga ako at gusto ko ng kumain. May 53 minutes pang natitira bago matapos ang klase namin at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin. Lalo pa't naalala kong may burger ako sa loob ng bulsa ko. Hindi na talaga ako makahintay kaya naman palihim kong kinuha ang burger sa bulsa ko. Yumuko ako ng bahagya para matakpan ako ng kaklase ko sa harapan at hindi ako mahalatang kumakain ni teacher. Sobrang saya ko sa unang pagkagat ko sa burger! Sobrang sarap! Mas lalo tuloy akong ginutum kaya binilisan ko pa lalo ang pagsubo ng burger kaya lang bigla akong natigilan nang mapansin kong nasa harapan ko na pala ang teacher namin at galit na galit na nakatingin sa akin. Sa sobrang takot ko ay nabitawan ko hawak kong burger at sa pagtawag niya sa pangalan ko ay automatic akong napatayo! Kinabahan ako ng sobra at pakiramdam ko naninigas na ang katawan ko at naliligo na ako sa sarili kong pawis!
Matalim ang tingin sa akin ng teacher namin habang nakatingin naman sa akin lahat ng aking mga kaklase. Napalingon ako kay Elayda sa unahan at kitang-kita ko sa mga mata niyang gulat na gulat din siya.
Napalingon kaagad ang professor samin samantalang ako napalingon kay Elayda na nasa tabi ko. Nagsimula na akong kabahan tapos parang nabibitawan ko na yung hawak kung burger sa sobrang takot ko sa susunod na sasabihin nitong kaklase ko. Siguradong isusumbong niya kung sino yun ! Lagot !
Kumunot ang noo ng professor namin at ipinatong sa table ang dala niyang libro tska humakbang ng isa . " Can you tell me who's that person?? "
"Bakit ka kumakain sa loob ng classroom. Hindi ba't in-orient sa inyo na bawal ang kumain habang hindi pa tapos ang klase?!"
Napapikit ako sa takot. "S-sorry po Sir!" Sa sobrang takot ko pakiramdam ko maiihi na 'ko! Ang laking kahihiyan 'to!
"Alam mo naman siguro na may consequences ang lahat, Ms Swifth?!"
"Sir! Sorry po talaga! Ah!" Napatili ako nang bigla niyang hugutin ang braso ko at halos dumiin na ang kamay niya sa balat ko sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya roon. Bago paman niya ako kaladkarin palabas ng classroom ay nakita kong tumayo bigla si Elayda at sinalubong ang teacher namin. Ipinakita niya sa harapan nito ang brown na supot kung sa'n may naglalaman pang dalawang burger do'n.
"Sir. I told her to eat because she was so hungry. It's all my fault. Kung hindi ko po siya inudyuk, hindi po mangyayari 'to."
Nanlulumong napatingin ang teacher namin kay Elayda. "Alam ko ang stado mo sa buhay Ms Elayda pero magiging unfair sa lahat ng mag-aaral dito kung ang ginawa mo ay palalagpasin ko." Anito.
Biglang hinawakan ni Elayda ang isang kamay ng teacher namin at nagmakaawang h'wag na daw akong idamay. "Sir. Please, h'wag nyo pong parusahan si Ashy. Ako po talaga ang may kasalanan."
Ilang sandali ang lumipas bago nagbuntong hininga ang teacher namin. Dahan-dahan niya akong pinakawalan at matalim na tinitigan si Elayda.
"Alright. Since you wish for it then go to the front. Mag sit on the air ka d'yan for 5 minutes. Ikaw Ms Swifth, bumalik ka sa upuan mo."
Nakita ko ang pagkindat ng mata ni Elayda sa akin at nakangiti siyang pumunta sa harapan ng klase at walang pagdadalawang isip na nag sit on the air. Nanlumo naman ako at nabalot ng pagsisisi. Hindi siya dapat nand'yan. Ako dapat ang parusahan ng teacher namin kase ako ang kumain! Pwede naman kase akong tumanggi sa inalok sa'kin ni Elayda. Sa pagka-impatient ko, napahamak tuloy ang best friend ko.
"Oh! Ba't nakatayo ka pa d'yan Ms Swifth? Bumalik ka na sa upuan mo!" Sigaw sa akin ng teacher namin. Magsasalita pa sana ako kase dapat ako talaga ang nasa pwesto ngayon ni Elayda at hindi siya pero sinenyasan ako ni Elayda. Ipinakita niya ang napakagandang ngiti niya sa'kin na 'tila nagpapahiwatig sa'kin na magiging okay ang lahat at matatapos lang ito. Na madali lang ito sa kanya.
Halos maiiyak nako sa kinatatayuan ko pero wala akong nagawa sa huli at bumalik na lang ako sa upuan ko. Masakit sa dibdib ko na makita siyang nahihirapan sa harap ng klase habang patuloy na nagtuturo ang teacher namin. Gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko pero alam ko hindi iyon magugustuhan ni Elayda kaya inantay ko nalang talaga na matapos ang 5 minutes. Madali lang.
Minsan naiisip ko na napakaswerte ko kase may tunay akong kaibigan na kagaya niya at mahal na mahal ako kaya lang minsan parang nakakalimutan na niya ang sarili niya para lang sakin. Kahit kailan hindi ko napantayan ang pagmamahal niya bilang kaibigan sa akin.
***
"Oh! Ba't nakasimangot ka na naman d'yan?! Sige ka, siguradong mabilis ang pagtanda mo nyan!" Naglalakad na kami ngayon ni Elayda pababa ng hagdan. Kakatapos lang ng klase namin at hanggang ngayon iniisip ko parin yung ginawa niya.
" Elayda. Hindi ka ba napagod sa parusa mo? Dapat kase ako yung nandon at hindi ikaw. Alam mo bang pinipilit kong hindi umiyak kanina kase alam kong mag-aalala ka sa'kin."
"Buti alam mo!" Aniya. Inakbayan niya ako tska ngumiti. "Alam mo, basta para sa'yo lahat kakayanin ko! Isa pa hindi ko hahayaang maparusahan ang pinakamamahal kong kaibigan no! Tska ako kaya nagpumilit sayong kumain sa loob."
I bitterly smile. "Kahit na. May kasalanan din ako kase pumayag ako."
"Next time kase kumain ka para hindi na iyon maulit."
"Pasensya naman."
Pinisil lang ni Elayda ang noo ko at ngumiti ng sobrang tamis. "Ano ka ba! Wag kang mag-alala sa'kin. Tska, 5 minutes lang 'yun! Okay naman ako, eh! Ngumiti ka nalang para sakin bilang bayad mo sa pagtatanggol ko sa'yo."
Hindi niya na kailangan pang sabihin iyon kase napapangiti niya naman talaga ako palagi.
"Ayan! Mas lalo tuloy akong nagka-energy! Siguro kahit 30 minutes kakayanin ko 'yun!"
"Haha! Gaga!"
"Ang cute cute mo talagang ngumiti ano. " Sabi niyang nakangiti parin sakin.
"Cute naman talaga ako eh." Biro ko.
Napatawa siya nang malakas, "pero mas maganda parin ako kesa sa'yo!"
I pouted. "Okay." Pero totoo naman, maganda talaga siya.
"Hahaha! Dapat lang talaga sumang-ayon ka!"
Nang makalabas na kami ng skwelahan ay dumating kaagad ang mga gwardya niya pati narin ang kotseng sasakyan namin. Palagi niya akong hinahatid sa bahay bago siya umuwi sa condo niya o kaya bago siya pumunta sa naka schedule na event niya.
Pinagbuksan kami ng driver niya tska kami pumasok sa loob ng kotse. Maya-maya ay umalis na kami.
Habang nasa biyahe, naramdaman ko na kaagad sa sarili ko yung pagod at pressure na dinulot sakin ng mga boring na lecture namin kaya unti-unti akong napapapikit ng mga mata at dahan-dahang nahuhulog ang ulo ko sa balikat ni Elayda. Nang pakiramdam ko ang komportable na'ko sa pagkasandal sa kanya ay nakatulog na ako.
***
"I love you, Ashy."
I heard someone whispered to my ears pero hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagod. Siguro nananaginip lang ako.