Meet My Princess, Ashy
Elayda Tearhills (POV)
"Elayda's here!" Isang babae mula sa kalayuan ang biglang nagsisisigaw sa labas nang makita akong bumaba ng van. Hindi ko maipagkakailang pagkakaguluhan na naman ako ng mga tao dahil sa stado ko ngayon. Isa akong singer, sabi nila I have the most beautiful-angelic voice in the world. Siguro? Pero wala akong pakialam kung pagkakaguluhan man nila ako ngayon dahil ang gusto ko lang ay makita ang taong naging dahilan kung bakit sobrang saya ko ngayon.
Nagdagsa agad ang mga tao palabas ng skwelahan. Mabuti nalang at mabilis na rumisponde ang mga bodyguards ko dahil kung hind ay nilamon na siguro ako ng mga taong ito. Minsan naiisip ko na mas gusto ko nalang itigil ang lahat at maging isang ordinaryong tao nalang kase ang hirap ng ganito. Hindi ko magawa lahat ng gustuhin ko kase magkakagulo agad.
Maingay. Sobrang ingay. Lahat sila sinisigaw ang pangalan ko pero masakit sa tenga. I only want one person to call my name.
Nag-wave lang ako ng kamay ko at ngumiti sa mga taong nakapaligid sa akin. Gusto nilang magpa-picture, mahawakan ako, mahalikan o magpa-autograph pero hindi ko sila pinansin. Gustong-gusto ko ng makita ang taong naging dahilan ng pagpunta ko dito. 2 weeks akong nawala! Kailangan ko pa kaseng tapusin ang tour ko sa Singapore at Indonesia bago ko siya madalaw dito. Mabuti na lang talaga at natapos na iyon!
Hindi parin sila matigil sa pagsisisigaw. Nakakabingi na!
"Give way for Ms. Elayda, please!" Pa-ulit-ulit lang na sabi ng mga bodyguards ko. Alam kong hassle na talaga sa part nila ang ginagawa ko ngayon but I don't really mind. Trabaho naman nila iyan at binabayaran naman sila.
Pumasok na ako sa classroom kung sa'n nandoon ang taong miss na miss ko na!
" EVERYONE !! GET BACK TO YOUR SEATS !!" All heads turn at the entrance door. Napatingin kami don sa isang tabatchoy na lalakeng malaki ang tyang may begote. Ang strong-strong ng mukha niya at tila ba kayang pabagsakin ang mundo sa isang iglap lang. Parang bigla kong naalala iyong childhood anime na pinapanood ko. Parang kahawig lang naman niya si Majinboo.
Tumahimik lahat ng mga tao habang naglalakad siya papasok sa loob. Tumayo siya sa harap ng blackboard. Nagsibalikan naman isa-isa ang mga estudyante sa kanilang mga upuan at umayos. Ako, siya at mga bodyguards ko na lamang ang naiwang nakatayo sa loob.
Ilang sandali, nagulat ang lahat nang malakas na hinampas niya ang mga kamay sa desk.
"Tumino nga kayo! Minsan nga lang makadalaw si Ms. Elayda sa Beaufort University tapos ganyan pa asal ninyo?! Wag kayong paranoid!" Inis na inis niyang sigaw. Nagsitanguan naman ang mga estudyante. Halatang takot na takot ang mga ito sa kanya. Napangiti tuloy ako. Well, kung hindi dahil sa kanya ay siguradong mahihirapan akong makita ang prinsesa ko.
Nang masiguradong okay na ang lahat ay mahinahong lumapit sa akin ang lalake. Aligagang inayos ang sarili sa harapan ko bago magsalita. "Nice meeting you, Ms. Elayda. Welcome sa aming skwelahan. Humihingi ako ng paumanhin sa kaguluhang nangyare. Ako nga po pala si Edzell Gonzales, director ng Beaufort. Isa po ako sa masugid ninyong tagahanga at ayokong palagpasin ang pagkakataong ito. Kung okay lang po sa inyo, maaari ba akong makahingi ng kahit isang autograph at papicture narin po?"
Gulat na gulat ang lahat. Hindi ko lubos akalain na isa pala siyang fan. Halos bawian ng buhay ang mga tao dahil sa pagpipigil ng tawa nila maski na ako. Ang hirap kayang itago ang tawa.
Kinuha niya ang ballpen at papel mula sa likuran niya. Hindi ko napansin na meron pala siyang gamit doon. Nakakatuwa naman siya. Ang pula ng pisngi niya nang nakipagshake hands ako sa kanya. Ramdam ko na sobrang tuwa niya.
I smiled at him and grant his wishes. Rinig ko ang inggit ng mga estudyante sa kanya. Lihim akong napangiti.
"Ah, Ms. Elayda, ano nga po pala ang maitutulong ko sa inyo? Alam kong napakaimportante ng dahilan ng pagpunta ninyo dito kase personal pa po talaga kayong pumunta." Simula niya.
"Yes, I'm looking for Ashy Swifth."
Gulat na napatingala sa akin ang lalake. "Huh? Iyong estudyanteng bagsak lahat sa subjects niya?" Napakunot agad ako ng noo sa naging deskripsyon niya sa prinsesa ko. I know that Ashy's not that good in class pero hindi naman dapat e-announce lalo pa sa harap ng maraming tao. "Ba't niyo po siya hinahanap? If you don't mind me asking?"
Taas noo kong sinagot ang tanong niya. "Well, she's my one and only best friend. I'm here to meet her because I miss her so much." In-emphasized ko talaga ang bawat salitang sinabi ko para marealized niyang hindi niya dapat maliitin ang prinsesa ko.
Nakatungangang nakatingin parin sa akin ang lalake. Hindi siguro makapaniwala sa sinabi ko. Napakamot siya ng ulo. "Uhmm.. Pasensya na sa nasabi ko tungkol sa kanya Ms Elayda."
"Alright." Sabi ko na lang and bitterly smiled. Well, noong una ay natutuwa ako sa kanya pero ngayon naiirita na ako sa kanya. How dare him to humiliate my princess?
"Oh! Gosh! Elayda!" Agad akong napalingon sa boses na iyon. Boses pa lang niya ay alam na alam ko ng siya iyon! Ramdam ko ang biglang pag-init ng mga pisngi ko at ang malakas na kabog ng dibdib ko nang makita kong pumasok si Ashy sa pinto ng classroom. Marami siyang dalang libro, magulo ang buhok at wala sa ayos ang uniform pero para sa akin ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
Walang paligoy ligoy na lumapit ako sa kanya at agad na niyakap siya ng mahigpit na mahigpit! I miss her so much! Para akong mababaliw araw araw kakaisip kung ano ang ginagawa niya, sino ang kasama niya! May iba na kaya siya? May nagugustuhan na ba siya? Ano kaya kinakain at iniinom niya. My god! My princess Ashy, I am going crazy because of you! I feel so damn happy seeing her and in my arms right now. I don't know what to do without her in my life.
Ramdam ko rin ang sobrang pagkasabik at pagkatuwa niya nang makita ako. Ashy, kung alam mo lang halos mawala na ako sa sarili ko kakaisip sa iyo.
Condo Unit-
We're on the same bed. She was sitting and I was lying on her laps. I am taking every inch of chance masilayan lang ang napakaganda niyang mukha. Ashy, how I wish I could kiss you..now. I wanna kiss you.
"Ano?! Mag-aaral ka sa Beaufort? Are you out of your mind? Hectic 'yan sa schedule mo! Tska pagkakaguluhan ka palagi ro'n! Panigurado walang klase ang mangyayare." She broke the silence between us the moment I told her I'm going to study at Beaufort. Alam ko magiging hassle iyon, sobra. Pero gusto ko lang talaga siyang makasama.
"Pwede ka namang kumuha ng private tutor mo diba? Wag kana mag aral sa Beaufort. Promise, mas-stress ka lang."
Wala akong pakialam. Gusto kitang makasama.
"Alam kong concern ka sa'kin, pero ayaw mo ba no'n? Magkasama na tayo palagi. Tska, pwede naman akong mag leave." I run my fingers through her long curly black hair. Para akong nahihipnotismo habang nakatitig sa kanya.
"Elayda naman, h'wag na. Pwede naman tayong magkita kung gusto mo, eh pero h'wag sa ganitong paraan."
I pouted. "Ayaw mo ata akong kasama," I acted sad.
"Hindi naman sa gano'n pero concern lang talaga ako sa'yo. Hindi 'yan magiging madali. Paano nalang ang career mo sa pagkanta? Ayoko namang masira ang pangarap mo dahil lang sakin eh. Tska panigurado magagalit mama mo niyan." You are my dream, Ashy. I can let go everything I have now if in the end you'd be mine.
"Okay lang talaga, Ashy. I promise. Hindi ako mas-stress. I can manage my time. As long as we're together, I'm fine. Please? Payag ka na."
She furrowed, "promise me na pag hindi na okay. You need to get a private tutor."
"Alright, noted." Sabi ko sabay taas ng right hand. Napangiti siya sa ginawa ko at gano'n din ako sa kanya.
Maya-maya lang ay naramdaman kong hindi na gumagalaw si Ashy, I realized later on that she's already asleep. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at pinagmasdan siyang natutulog. Napangiti ako. Ang saya ko lang na makita siya ngayon. Pero hindi ko maipagkakaila ang sakit sa puso ko dahil alam ko na kahit anong gawin ko, hindi siya magiging akin. I slowly caress her face at the back of my hand, trace every detail of it. I told her hand and clasp it with mine. It fit, but her heart is not mine.
I gently lean to kiss her forehead and a tear run down my face. I smiled bitterly. This is something so hard for me. She's like my medicine and my decease at the same time. I know that if I kiss her, even it means the world to me? It'll be poison to her.
There are times that I wanted to tell her what I've been longing for. But fear interrupted me often. I can't lose her just because of it. We've been together for years, happy and I don't want that to change. I think I'd just shut my mouth and love her secretly.