TALA One week later.... BALIK casual ang tratuhan namin ni Zareh. What I mean is, hindi na talaga bumalik ang dating closeness namin kundi balik na naman kami sa "Hi, Hello" treatment. Kahit sabihin nating may hindi inaasahang pangyayari na naganap nung gabing nalasing si Zareh ay wag na kayong umasa na may mahihita pa kayong higit pa dun. That was just a mistake. I guess. Lasing si Zareh at bigla na lamang akong hinalikan na nakalimutan naman nya kinabukasan. Takang-taka pa ito kung bakit naroon sya sa bahay ng paggising nya. Hindi nya daw maalala ang mga nangyari kaya hindi ko na pinaalam na sya lang naman ang nagnakaw ng aking unang halik. Para ano pa at wala rin namang magbabago, 'di ba? Though it seems weird to be kissed by a girl but it actually felt great. Nagulat ako nung una

