TALA "NAKAKAGULAT ka naman." Ang nasabi ko ng makita ko kung sino ang nagsalita. Lumapit ito at tumabi sa bench. Tinanggal ang mask at tahimik na nakaupo lamang doon. "Nagulat kang hindi ako ang inaasahan mong makita?" Ang tanong nya na hindi naman nakatingin sa akin kundi nakatingala din ito sa mga tala. "Ha? Eh, alam ko namang darating ka kasi sinabi mong susunduin mo ako." Ang aking sagot. Anong problema nito? "Nag-enjoy ka ba?" Tsaka pa sya humarap sa akin. Salubong ang kilay na nakatingin ako sa kanya. Marahil alam nyang prinaprocess pa ng medyo slow kong utak ang tinatanong nya'y nagsalita sya ulit. "Sa date nyo ni Pilak." "Pilak?" "Oo. Yung babaeng ubanin." "Ah, si Silver." Tinagalog nya lang pala. "Masaya naman sya kasama. Pero teka nga, bakit ka nga pala nandito? Dapat nagp

