TALA "SALAMAT." sambit ni Silver ng nakahinto na kami sa tapat ng gate ng bahay. Dito ako nagpahatid kay Silver kasi ayaw ko munang disturbuhin si Zareh sa condo nya. Tsaka gabi na din kami natapos sa pag-uusap ni Silver kaya nagtext akong dito na muna ako uuwi. Hindi ko alam kung nabasa nya yun dahil wala naman akong reply na natanggap. Gayunpaman, dito na din ako nagpahatid kay Silver. "Para saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Sa pagpayag mong lumabas." Mabilis na sagot nya. "Naku, walang anuman. Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo." "Bakit naman?" "Eh, kasi---" kinaibigan mo ako sa kabila ng lahat, "kasi matagal na panahon na din na may kaibigang umanyaya sa aking lumabas. Nag-enjoy talaga ako." Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din ito. "Masaya ako na masaya ka." Tumango ako

