TALA "TALA, LINISIN mo na ulit yung kwarto dun sa 3rd floor. May bagong titira." Sigaw ni Tiya Ling mula sa pinto. Agad akong napabangon. "Opo," ang nasagot ko. Walang sabi-sabing umalis na din si Tiya. Wala pa ring pagbabago ang pakikitungo nya sa akin. Ano pa bang aasahan ko? Hindi na ako umaasa na mapapatawad nya ako. "Oras ulit para makita yung m******s na multo," patamad na ika ko at kumuha na ng mga panlinis. Ilang beses ko bang dapat linisin yung kwartong yun? Ano kayang nangyari sa maglilipat sa kwartong yun? Hanggang ngayon hindi pa rin nauukopa. Eh sino bang gustong umukopa sa may multong kwarto? Oo nga naman. Tama naman si brain. Naghanda na akong pumasok sa pinagmumultuhang kwartong iyon kasama ng aking tambo at dustpan. Na as if makakatulong sa akin kung haharassin ako

