TNT 7: Ang Istorya

1377 Words
TALA NAGPAPASALAMAT ako sa ginawang pagtatago sa akin ni Zareh. Akala ko talaga isusumbong nya ako sa pulis at ipapakulong pero hindi pala. Tunay nga syang mabait. Ngunit hindi rin ako mapakali sa isiping naglevel up na ang pwedeng gawin sa akin ng mga multo. Mas lalo na yata silang naattach sa akin. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi may pag-asa pa din akong mamuhay ng maayos. At dahil yun kay Zareh. As long as nasa tabi ko si Zareh, hindi sila makakalapit sa akin. "Ah, ahem," putol ng lalaking kasama ni Zareh sa aking pag-iisip. Napatingin ako sa kanya. "Ako nga pala si Harvey. Anong pangalan mo?" Pakilala nya sa akin. Mukha naman syang friendly. "Ah," inalis ko ang aking mask. "Ako naman si Tala." "Nice meeting you." Lahad niya sa kanyang kamay. "Same to you," nakangiting  abot ko sa kanyang kamay. "Salamat nga pala sa pagdala sa akin dito." Sabi ko ng umupo na ito sa aking tabi at kahit hindi ako nakatingin sa kanya'y alam kong nakatingin sya sa akin. Nailang tuloy ako. "Ah, walang anuman." Sagot nya. Nakatingin pa rin sa akin. "Alam mo, pamilyar ka." Ito na nga ba ang kinakatakutan ko, nakilala pa ata ako. Hindi ako makasagot dahil matiim pa din itong nakatitig sa akin. Naiilang akong pasimpleng tinago ang aking mukha gamit ng aking buhok. "Tala... Hmm... Ikaw si Tala! Tala Ligaya!" Patay ako. Nakilala na nya ako! "Kailangan ko ng umalis. Sabihin mo kay Zareh na salamat." Mabilis akong tumayo at umalis doon. Narinig ko pa ang pagtawag ni Harvey sa akin pero walang lingon likod na akong umalis. Marami ngang mga pulis at mga reporter ang nandoon. Nakalabas ako ng entrance ng GBS at nakita ang dalawang multo, si janitor at direk, na nakatingin sa mga katawang nasa stretcher at iniaakyat sa ambulansya. Naramdaman ata nilang nakatingin ako sa kanila. Lumingon ang mga ito at nakangiting kumaway. Tumango ako sa kanila at umalis na doon. Masaya na rin ako at nagkaroon kahit papaano ng purpose ang mga nangyaring iyon sa akin sa GBS. Bago pa ako makaalis sa GBS ay sangkatutak pang mga multo ang aking nadaanan. Ang iba nga'y sumunod pa ata sa akin. Pero wala na akong pakialam at umalis na ako doon. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung makilala ako kung sino ako dati. Kasi dalawa lang ang ibig sabihin nun. 1) Kakaawaan ako. Na posibleng mangyari kasi mukha naman silang mabait. Pero ayaw kong kaawan ako. Ayaw na ayaw ko yun. 2) Pagtatawanan nila ako. Kagaya ng maraming tao. Pag-uwi ko'y agad akong pumasok ng bahay. Sinalubong agad ako ni smiley. As usual, nakangiting kumakaway. "Wag ngayon, smiley." Sabi ko dito at dumiretso sa loob ng bahay. Hinayaan ko na lang itong gawin ang kahit na anong gusto nyang gawin sa bahay. Pagod na pagod ako. Mentally at physically. Pagnalaman ng lahat ng multo ang nagyari sa GBS, alam kong dadagsain nila ako para tulungan sila. Hindi sa ayaw kong tumulong pero ayoko ng magulo ulit ang buhay ko. Nahiga ako sa aking kama ng patihaya. Naiisip ang mga posibilidad sa nangyari kanina sa GBS. Pa, Ma, pagod na pagod na ako.  Sa isiping yun ay kusang pumikit ang aking mga mata. Nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan. +++ ZAREH "Ha? Saan sya nagpunta?" Tanong ko kay Harvey ng hindi ko na nadatnan ang babaeng nakamask. "Eh, hindi ko na alam. Bigla na lang syang umalis eh. Sabi nya ay salamat na lamang daw." Sagot lang nito. Sinuri ko sya ng mabuti. Hindi sya makatingin sa akin ng diretso. "Umamin ka, Harvs. May ginawa ka ba sa babeng yun?" "Hala, grabe sya. Anong tingin mo sa akin, masamang tao?"  "Eh, bakit umalis sya agad?" Bakit ba ako frustrated? Dahil hindi ko man lang nakilala kung sino ang weird na babaeng yun? Eh, ano naman ngayon? "Hindi ko nga alam, Zareh. Basta umiskapo na lang sya bigla. Baka... Baka natakot sa pulis."  "Tinakot mo 'no?" pinanliitan ko sya ng mata. "Zareh, ha. Alam mong hindi ko magagawa yan." Tanggol ni Harvey sa sarili. Pasalampak na lamang akong naupo sa couch. Nakakakapagod ang araw na 'to. Ang daming ganap.  "Did you even happen to ask who she is?" Tanong ko dito. Ang tagal nitong sumagot kaya napatingin ako dito. Kumibot-kibot ang mga labi nito. Nakakapagtaka ang inaasal ngayon ni Harvey. "Harvey?" Tawag pansin ko dito. "No," mariin nitong sagot. "Oh, chill. Nagtatanong lang. No need to be angry." Ika ko. Nag-strong agad si kuya, eh. "Idlip muna ako, Harvs. May oras pa ba ako?" Pag-iiba ko na lamang ng usapan. Ayoko na din munang mag-isip. Ang dami ko pang schedule today. "Meron pa naman. Gisingin na lang kita." Sabi nito at umalis na ng dressing room. Weird talaga ni Harvey minsan. May period na naman siguro yun. Aish, bahala nga sya. Pagkatapos kong magbihis ay naghiga muna ako sa couch. I tried to relax my thoughts but I can't. Ang dami ko pa kasing gustong itanong sa bababeng nakamask. Aish. Kinuha ko ang aking cellphone at nagcheck ng mga social medias ko. Sa mga sponsored social medias ko'y si Harvey ang nagmamanage habang may personal social media naman ako na ang mga close relatives and friends lang ang nakakaalam. Scroll down. Nanood lang ako ng mga kung anu-ano sa f*******: hanggang sa may isang page na kung saan nagsheshare ng horror at scary stories ang napindot ko. The page is called Pambihira. “Kwinento lang 'to ng isa sa mga kaibigan ko habang naglalakad kami pauwi sa kanya-kanya naming bahay. Black out that time at ewan ko ba kung anong nakain nya at bigla na lang nya akong kwinentuhan ng nakakatakot na istoryang 'to. Ito na po: May magnobyo na nagpasyang magbakasyon sa probinsya. Excited and dalawa dahil magkakaroon na sila ng alone moment na magjowa. Ang bakasyon ring iyon ay selebrasyon nila sa kanilang anibersaryo. Enjoy na enjoy sila sa roadtrip kahit pa nga ang lakas ng ulan. Hindi nga nagtagal at nadatnan sila ng takipsilim sa daan. At dahil nga probinsya ang pupuntahan nila'y kokonti lang din ang mga bahay na kanilang nalampasan sa daan at madilim ang paligid.  Tumila ang ulan at ambon na lamang ang natira. Ngunit nasiraan ang sasakyan ng dalawang mag-irog. Doon pa sila nasiraan sa daang walang katao-tao o mga bahay na makikita. Kahit may poste sa isang tabi ay wala nman itong ilaw dahil black out din pala. Sa malas din nila ay walang sign ng ibang sasakyan na pwedeng madaanan sila at mahingan nila ng tulong. Ilang beses triny ng lalaking paandarin ang sasakyan ngunit hindi ito umaandar. Isa lamang ang dahilan, may sira ang makina ng sasakyan.  Nagpasya ang lalaking bumaba at maghanap ng tulong dahil hindi nya rin pwedeng hayaan na doon sila matulog ng kanyang nobya. Napakaespesyal ng pagkakataon na iyon para sa kanila kaya ayaw iyon sirain ng lalake. Pinigilan sya ng babae dahil natatakot itong mag-isa. Ngunit buo na ang pasya ng lalake at bumaba na ito at naghanap ng tulong. Naiwan ang babaeng naghihintay sa nobyo, gamit ang cellphone na ginawa nyang flashlight. Wala ring kasignal-signal ang lugar at iyon na lamang ang naging purpose ng kanyang cellphone. Maya-maya nga lang ay may narinig na katok ang babae sa tapat ng kanyang bintana, sa passenger side. Nagulat ang babae pero sa pag-aakalang nobyo nya iyon ay agad nyang itinuon doon ang light ng kanyang cellphone. Hindi pala iyon ang kanyang nobyo kundi isang bata. Isang batang lalake na cute na cute na nakangiti sa kanya. Nakabawi sa pagkagulat ang babae. Nakangiti ang batang lalake na ginantihan naman ng ngiti ng babae para lamang mapawi iyon  ng itaas ng batang lalake ang kaliwang kamay, na hawak ang duguang ulo ng kanyang nobyo! Gulat na gulat ang babae at nagsisisigaw sa loob ng sasakyan. Napaluha itong parang mahihimatay sa nakikita. Nakangiti pa rin ang batang lalake. Mabilis namang nilock ng babae ang pinto ng sasakyan kahit pa nga takot na takot na ito. Kumatok ulit ang batang lalakeng nakakangiti pa din, walang nagawa ang babae kundi ilawan ito. Itinaas ng batang lalake ang kanang kamay at doon lalong naghysterya ang babae. Dahil nasa kanang kamay ng nakangiting batang lalake ang susi ng kotse!” Pagkatapos kong mabasa yung kwento, tumaas ang balahibo ko sa batok. Tanginesh! Bakit ko ba tinatakot ang sarili ko? Hindi ako kaagad nakaget over. Napraning akong may batang nakatingin sa akin habang nakahiga ako doon. Err. Kainis! Tinawagan ko na lang ulit si Harvey at nagpasama ako sa dressing room. Tahimik naman itong sumunod. Payapa na din akong nakaidlip pagkatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD