TNT 6: Ang Nasapian

2345 Words
TALA ANG tingin siguro sa akin ngayon ni Zareh ay weird o nababaliw. Hindi ko naman sya masisisi dahil pinagpilitan kong tulungan nya ako. Nagmukha tuloy akong baliw na fan sa harap ng madla. Ganito kasi yun. Pagkatapos kong magpa-autograph sa kanya kanina ay palihim ko na syang sinusundan. Sa takot kong magpakita ulit yung kalbong multo'y sinigurado kong abot kamay ko lang si Zareh pag nagpakita ito. Sinundan ko ito hanggang sa set ng teleseryeng Kapitbahay. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nagpakita yung kalbong multo. Malaya kong napanood ang mga eksena ni Zareh at mapahanga sa kanyang galing sa pag-arte. Kaya pala sya naging sikat dahil napakagaling talaga nito. Marami rin ang mga naroon na nagchecheer dito. Ang dami nya pala talagang fans. Hindi ko tuloy mapigilang alalahanin din kung gaano kadaming fans meron ako noon. Nasa ganun akong sentimyento ng makita kong kinikilig na nagpipigil ang mga audience. Nang mapatingin ako sa set ay dahil pala sa mga babaeng naghahalikan sa harap ng camera. Yun pala ang shinoshoot nila ngayon. Naexcite naman ako sa nakita dahil first time ko makapanood ng dalawang babaeng naghahalikan. Medyo awkward lang kasi medyo bulgaran na pala talaga ngayong panahon. Muntik ko na ding makalimutang lesbian teleserye pala 'tong pinapanood ko. Inienjoy ko lang yung nakikita ko ng marealize ko kung sino yung isang babae. Hala! Si Zareh! Sigaw ng utak ko. Napatutop ako sa aking bibig na as if may makakakita kasi nakamask pa din naman ako. Oh my god! Hindi ko akalaing kayang gawin yun ni Zareh. Pero hindi ko rin maipagkakailang ang ganda at mapusok ang eksenang yun. Kasabay ng pagputol sa aking pagkagulat sa nangyari ng sumigaw ang director ng "Cut!". Natapos din ang halikan ng dalawang aktres at naghigh five pa ang mga ito. Ako? Amazed na shock pa din. Pero as I said, ang hot pa din ni Zareh at ang ganda pa. Ano daw? Sinabi kong hot si Zareh? Hala. Bakit ako nagkakaganito? Nag-a-appreciate lang siguro sa mga dapat i-appreciate. Kumbinsi ko sa sarili. Oo nga. Tama lang yun. Nasa paghanga mode pa rin ako kay Zareh ng si kalbong multo ay nakita na naman ako. Ayun, nagtatakbo ako patungo kay Zareh at yumakap dito. Umiiyak akong humihingi ng tulong sa kanya. Natural, gulat na gulat sya pero bago pa sya makapagsalita o kung ano, nalayo na ako ng staff dito. Nakakahiya pa nga kasi pumalahaw pa ako  ng iyak, tawag-tawag ang pangalan nya habang kinakarga ako ng staff palabas ng set. Banned na ako sa set at pinagbantaan pa ako ng guard na wag ng lalapit kay Zareh. Napabuga ako ng hangin habang naglalakad paalis ng set. Laylay ang balikat at nakayuko lang akong naglalakad. Wala na talaga akong pag-asang gumaling or makahingi ng tulong ng iba. Lahat sila ang tingin sa akin ay baliw. Hindi ko naman masabi sa kanila na hinahunting ako ng mga multo kaya ako nagkakaganito. Mas lalo nilang iisiping baliw nga talaga ako. Hay. Bakit pa kasi ako lumabas ng bahay? Bakit kasi inakala kong matutulungan ako ni Zareh? Wala na. Wala na akong pag-asa. Tumutulo ang luha ko at laylay pa rin ang balikat na naglalakad sa pasilyo. Wala na akong pakialam sa paligid. Ilang beses na rin akong may nakabangga sa hallway pero sorry lang ang sinagot ko. Ayan pa yung mga mata ng ibang taong parang nandidiri na nakatingin sa akin. Napaamoy tuloy ako sa aking sarili.  Hindi naman ako mabaho ha! Mukha ka lang mabaho. Ouch, brain? Grabe ka! Nakikipag-away na naman ako sa sarili ko. Hay.  "Pst!"  Grabe yun. Ano, aso lang na sinisutsutan? Tss. Patay-malisya akong naglakad. Kunwari walang narinig. Ayoko talaga yung mga sumusutsut. "Pst!"  Ayan na naman. Kairita yung mga ganyan. Akala mo naman maganda sa pandinig ang pagsusutsut nila.  "Miss!"  "Ano?" Asik ko sa makulit na tumatawag sa akin. "s**t!" Pagmumura ko. "Sabi ko na nga ba nakikita mo ako." Nakangiting sabi ng janitor. Ito yung janitor na multo na nakaupo sa nakalock na janitors closet. Naku naman. Wala na ba akong swerte ngayong araw? Lord, bakit ako??? Diretso akong naglakad at kunwaring hindi ko na naman ito napansin. "Miss, please, wag kang matakot. Hindi naman kita sasaktan." Naririnig ko ang desperasyon sa tinig nito pero bakit ako? Hindi ko sya matutulungan. Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Miss, sige na. Maawa ka sa akin."  Huling katagang narinig ko mula dito dahil hindi ko alam kung anong nangyari sapagkat parang napunta ako sa isang eksenang hindi ko dapat napuntahan. Nakita ko sa isang masikip at may kadilimang kwarto ang janitor at ang kalbong multo. Naghahalikan ang mga ito na nauwi nga sa hindi kaaya-ayang tanawin. Sheyt. Kadiri, nagjujugjug sila. Hindi ko akalaing bakla pala yung multong kalbo na humahabol sa akin kanina. Gustong-gusto ko ng umalis lalo na nung sarap na sarap na ang dalawa sa ginagawa. Deym! Ang birhen kong mga mata. Por pabor! Paalisin nyo na ako dito. Pero kahit anong pilit ko, hindi ako makaalis. Parang may kung anong nagpipigil sa akin. At yun nga, sa hindi inaasahan ng dalawa, may pumasok na isang babae at nagsisigaw ng, "Mga hayop! Masahol ka pa sa hayop, Adrian! Bakla ka! Walanghiya ka!" Tsaka sinugod ng babae yung kalbong multo. Gulat na gulat na nagbihis ang dalawang lalake pero dahil dun, hindi nila napigilan ang galit ng babaeng sumugod sa kanila. May hawak na itong pamalo na hindi ko alam kung saan nya nakuha. Pinagpapalo nya ang kalbong lalake na nakabrief pa rin. At dahil hindi yun inaasahan ng kalbo, sapul ito sa ulo. Galit na galit ang babae kaya ilang beses nyang pinagpapalo sa ulo ang kalbo habang umaawat naman ang janitor na nakabrief lang din. Pero huli na ang lahat. Nakahandusay na yung kalbong lalake at basag na ang ulo nito. Kaya pala may malaking hiwa sa ulo ng multong kalbo kanina. Doon nya pala nakuha. Samantala, nung pinipigilan naman ng janitor yung babae na galit na galit, nawaksi ng babae yung janitor at natamaan ng pamalo nya ang ulo ng janitor. Nasapul agad ang janitor at  natapon ito sa shelf at nahulugan ng mga lalagyan ng malalaking pintura. Patay na din ito. Humahangos namang umalis ang babaeng pumatay sa dalawa pero agad ding bumalik para i-lock yung kwartong yun na napag-alaman kong ang janitors closet pala. At bago pa tuluyang umalis ang bababe, malaya kong nakita ang puno ng dugong mukha nito.  Nagulat ako ng maalala ang pagmumukha nito. Sya yung director na babae ng Kapitbahay! Yung director nila Zareh. Napasinghap ako at napabalik na ako sa kasalukuyan.  I just witnessed a murder! "Miss, tulungan mo ako." sabi ng janitor na multo. Nakahawak pala sya sa kamay ko. Huh! Simula noong nakita ko yung multo sa kalsada, nahahawakan na talaga ako ng mga multo. Ano bang ginawa ng bloated na multong yun sa akin? Hindi ko na lang sila nakikita ngayon, nahahawakan na nila ako! "Miss, maawa ka. I-uwi mo lang yung katawan ko sa pamilya ko para matahimik na ako. Please." Muling hiling ng multo. Nakakaawa naman ito kaso ayokong makialam. Nakita siguro ng janitor na multo ang pag-aalinlangan ko kaya ang ginawa nya, sinapian nya ako. Wala na akong control sa sarili ko. Ang alam ko na lang ay ginagamit na nya ang katawan ko sa pagbukas ng janitors closet gamit ang isang palakol. Kung saan nanggaling yung palakol, hindi ko na rin alam. Ngayon, hindi ko na lang sila nakikita at nakakausap, nahahawakan na nila ako at nasasapian pa!  Katapusan ko na. +++ ZAREH "Zareh? Nakikinig ka ba?" Si Harvey. "Zareh?" Naririnig ko naman ang pagtawag nya pero ewan ko ba't hindi ako makapagconcentrate sa kanya. "Zareh? Hoy!" Ginulat nya na lamang ako at dun ako natauhan. Katatapos lang ng taping at nagpapahinga na ako dito sa dressing room kasama si Harvey. "Sorry," usal ko. "Lumilipad na naman yang utak mo."  "Sorry. May iniisip lang. Tuloy mo na yung sinasabi mo." "Sigurado ka?" Nag-aalalang tanong nito. Tumango naman ako. "So, yung schedule mo, mamaya pa naman dinner, 7pm. Meeting lang dun sa commercial ng Jollibee tapos after nun sa mga taga-BDO naman. Bukas, blah blah blah..." "Kilala mo ba yung babae kanina sa set?" Biglang tanong ko kay Harvey. "Yung nanggulo?" Tumango ako. "Hindi. Bakit?" "Familiar, eh. Alam mo bang nandun din sya sa CR kanina. Ang weird nya. Nagpa-autograph pa nga sya kanina sa akin bago ako nagpunta sa set." "Sabi ng mga nakakita, stalker mo daw yun. Sinusundan ka daw kanina kahit saan ka magpunta. Kung natatakot ka pa din, wag kang mag-alala, pinaalis na sya sa vicinity." "Hindi yun, eh. May kakaiba sa kanya, Harvs." "Eh, Zareh? Anong pinagsasabi mo?" Napaisip ako. Dahil nakamask ang babae ay ang mga mata lang nya ang nakikita ko. Yung mga mata nyang nagmamakaawa. Yung mata nyang takot na takot at humihingi ng saklolo. Tsaka mukha naman syang mabait. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi ko mapigilang hindi sya isipin. Her eyes are haunting me! Nang dahil lang sa mga matang yun, hindi nya ako pinapatahimik! "Ah, wala..." Pagdidismissed ko sa topic. "CR muna ako."  "Ha? May CR naman dito sa dressing room mo, ah."  "Gusto ko sa labas." Ewan ko ba. Kahit pa noon ay mas gusto kong mag-CR sa labas kaysa sa dressing room ko mismo.  "Samahan kita." Sabi ni Harvey na mukhang determinado kaya hindi na ako umangal. Pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang mga pangyayari kanina at nagconcentrate na lamang sa mga schedules ko. Ah, busy life.  Paliko na kami ni Harvey sa isang alley ng may marinig kaming lagabog. Nagkatinginan kami ni Harvey. At dahil nagtataka ako sa mga kalabog na yun, sumilip ako. Hindi ko alam na ganun din pala ang ginawa ni Harvey. "Oh my god!" Sabay na bulalas namin ni Harvey pero pabulong lang. Nakita namin yung nakamask na babae na pinapalakol ang pintuan ng matagal ng nakalock na janitors closet. "Zareh, tara, alis na tayo dito. Tumawag tayo ng guard." Hila sa akin ni Harvey. Takot na takot ako pero hindi ko mapigilang hindi tignan kung anong nangyayari. Binabayo lang ng nakamask na babae ang pinto na yun gamit ng palakol. Grabe, talaga nga bang baliw ang babaeng yun? Bakit kaya sya nakapasok dito? "Zareh, tara---" "Harvs," pigil at bulong ko dito. "She stopped. She's just standing there. HIndi na nya hawak ang palakol." I told Harvey. Sumilip naman ito ulit. Luckily, that alley right now ay walang ibang tao. Malimit lang naman talaga ang mga dumadaan sa alley na yun simula nung may nagkalat na haunted daw yung daan doon.  Ako na hindi naman naniniwala sa mga multo ay lagi pa ring dumadaan dun kasi mas malapit ang daan na yun papuntang CR. "Zareh, tara na. Tatawag na ako ng police." Banta nito. Pero bago pa nagawa yun ni Harvey ay napansin siguro ng babaeng nakamask na may nakatingin sa kanya kaya lumingon sya sa gawi namin. "Tulungan mo ako," nagmamakaawang sambit nya. I clearly see the expression in her eyes again. "Tulungan mo ako, please." Sambit nya ulit.  And I just don't know pero nagpadala ako sa pagmamakaawa nyang yun. She's a total stranger and I don't know who she really is or what she is pero tinulungan ko sya at inutusan si Harvey na tumawag ng police. +++ Dinala ko ang nakamask na babae sa dressing room ko at doon kami naghintay kay Harvey. Si Harvey ang humarap sa mga pulis pero sinigurado kong hindi nya sasabihin ang anumang tungkol sa babaeng nakamask.  Ang initial na sabi ni Harvey sa akin kanina ay may mga patay na bangkay sa janitors closet. Dalawa to be exact at puro mga lalake. Hindi pa naman confirmed kung sino ang mga ito. Medyo nagkagulo tuloy sa GBS dahil sa mga pulis at ibang mga reporter. Binigyan ko ang babaeng nakamask ng tubig at hinayaan itong umupo sa couch na nakalagay sa sulok. Nanginginig pa ito at paulit-ulit na sinasabing hindi sya ang pumatay. Ewan ko, pero naniniwala ako sa kanya.  Hindi ko naman kasi nakitang pumasok sya sa janitors closet. Nakatayo lang sya doon at sobrang helpless. Kung titignan mo nga sya ay parang hindi sya makabasag pinggan kaya impossibleng makakapatay ito ng tao. Dumating si Harvey sa dressing room. "Ano daw? Kumusta ang imbestigasyon?" Tanong ko agad sa kanya. "Yung mga patay ay yung dating janitor na si Dario Macaraeg at si Director Adrian Alonzo." "What? Yung si Dario na tahimik lang at mabait? Tsaka yung dating director ng Kapitbahay?" "Oo." "Di ba, Si Direk Adrian yung boyfriend ni Direk Margot? Na sabi nyang matagal ng nawawala?" Si Direk Margot ang director namin sa Kapitbahay ngayon. "Oo. Eto pa. Magjowa pala daw si Direk at si Dario." "Direk Margot?" "Hindi, Direk Adrian." "What? Bakla pala si Direk Adrian?" "Oo. Sabi nung detective, base sa kasuotan ng dalawa, which is nakabrief lang. Nahuli ata silang may ginagawang kababalaghan tapos dun na sila pinatay."  "So, ano? Sino yung killer?" Tanong ko tsaka ako bumulong dito. "Sya ba?" sabay naming tinignan yung babaeng nakamask na nakayuko lang at nakatulala. "Hindi." Sabi ni Harvey. Hindi ko alam kung bakit pero parang nabunutan ako ng tinik. "Mga one week na yung bangkay. Nangagamoy na nga, eh. Mabuti na nga lang ginawa ni ateng nakamask yun kanina. Pero paano kaya nya nalaman na may mga bangkay dun 'no?" Yan din ang tanong na gusto kong masagot ng babaeng nakamask.  Paano nya nalaman na may bangkay doon? "So, sinabi mo ba sa kanila na tayo ang nakakita?" Ginawa ko yun dahil alam kong pagkakaguluhan ang babaeng nakamask. Mukha pa naman syang hindi stable. Baka hindi nya kayanin ang mga mapaglarong reporter at investigation.  Luckily, that alley doesn't have a CCTV. One week na ring sira. Kaya hindi talaga mamalaman ng mga imbestigador na nandun ang babaeng nakamask. Yung sa papunta naman sa dressing room ko ay pinagkatiwala ko na kay Harvey kung paano nya lilinisin ang surveillance dun. Why do you care so much? I don't know! I just care! "Yeah. I told them na the door was just like that when we pass. Nagtaka tayong dalawa kung bakit ganun yung pintuan ng closet na matagal na rin nakalock, kaya sinilip natin kung anong meron dun at nakita natin yung dalawang patay. It's all out of curiosity. Mukha namang nakumbinse ko yung detective." Tumango ako. "Nga pala, gusto din kunin nung detective yung statement mo. Kaya punta ka na muna dun at ako na muna dito." Tumango ulit ako. Bago ako umalis ay tumingin muna ako sa babaeng nakamask. I'm asking myself again, why do I care so much about her? I just answered myself with a shrug.  Hindi naman siguro kailangan ng rason para tumulong, ‘di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD