TNT 5: Ang Natagpuan

2427 Words
TALA ANG paghahanap ay hindi madali. Minsan kasi pag hindi mo hinahanap, ang bilis mong mahanap. Pag naman hinahanap mo, lalo pa't nagmamadali ka, ayaw magpahanap. Mga pangyayari sa buhay na hindi mo alam kung matutuwa ka o maiinis pero you just have to live with it. Parte na kasi iyon sa kalakaran ng buhay ng tao. Anyway, hanap 101 na ang ginawa ko para makita si Zareh. Close na kami 'no? First name basis na kasi kami. Wag kayong ano dyan, ako lang nakakaalam nito. Yun nga, sa GBS ako unang naghanap. Napag-alaman ko kasing artista pala ng GBS si Zareh Lee. Hmm, malamang baguhan pa lang ito dahil hindi ko naman sya nakita noong naging artista ako. Ayun, nakapasok naman ako gamit ng visitors pass at konting connection. Si Kuya Dom, if you remember him? The bodyguard? Okay. Nahihingian ko pa din naman si Kuya Dom ng pabor. Isa ito sa mga guards na tinutulungan ko din dati. Nagulat lang nga ito ng makita ako pero hindi na sya nagtanong at pinagbigyan na lang ako sa hiling ko. Alam nya namang hindi ako gagawa ng gulo. Nakamask na lamang ako ngayon dahil magmumukha akong kahina-hinala pagnakasombrero na naman ako. Medyo hirap tuloy akong itago ang mukha ko dahil may mga nakakakilala pa din naman sa akin sa station na 'to. Pero kaya ko 'to. Makita ko lang si Zareh at makausap ito'y fighting pa rin ako. Naglibot ako sa mga set na nagtetaping for teleserye. Sabi kasi ni Kuya Dom ay doon daw ang schedule ni Zareh ngayon. Tahimik akong pumasok sa isang set na may mga cool costumes ang mga gumaganap. Ang gaganda at ang popogi ng mga artistang gumaganap dito. Mga baguhan ang halos artista at may mga iilan akong nakilala na nagbigay lamang ng sakit sa puso ko. Ilan kasi sa mga artistang yun, pati mga staff, ay akala ko naging kaibigan ko. Ngunit nagkamali pala ako ng akala. Mahirap talaga yung nag-aassume. Masasaktan ka lang. "Ah, excuse me," disturbo ko sa isang teenager na kanina pa pumapalakpak. Fan ata sya nung isang lalake na nagtetake ngayon. "Po?" Sabi nyang tumingin sa akin pero agad na bumalik sa pagfafangirl. "Waah! Cody! Ang galing moooo!!!" Sumigaw pa ang bruha. Tinignan tuloy sya ng masama ng director at staff. "Sorry po," hinging paumanhin nito. Lakas kasi makafan girl eh. Ayan tuloy. "Ah, miss... Anong movie 'to or teleserye?" Tanong ko sa kanya ng tumahimik ito saglit at pinipigilang kiligin. Nakuha ko ang kanyang atensyon at nagtataka syang nakatingin sa akin. Nakilala nya ba ako? Naconscious tuloy ako sa klase ng tingin na pinupukol nya sa akin. "Nagbibiro ka ba?" Tanong nya. "Hindi mo alam kung anong teleserye 'to?" Hindi makapaniwalang sabi nya sa akin. Safe. Hindi pala nya ako nakilala. "Sorry, hindi ako nanonood ng tv, eh." Ika ko na lamang. "Hay naku, manang. Kawawa ka naman." Hala sya. Kung makamanang naman sya sa akin. Sarap batukan ng bata pero nagpigil na lang ako. "Kapitbahay po ang title ng teleserye na 'to. Lesbian supernatural book na ginawang movie." Ah, that explains the costumes and stuff. Lesbian? Bakit may mga boys? At bakit kanina pa ako hinahabol ng mga words like l***q, Lesbian at anek anek na related sa kanila. May ibig sabihin ba yun? Ah, too much thinking will kill you. "Thank you, miss." Sabi ko na lamang sa teenager. Baka kung magtanong pa ako'y mainsulto na naman ako. Mahirap na. "You're welcome, manang." Hay, sarap na talaga batukan ng batang 'to. Gigil mo si ako, ineng. "Teka---" muli, pinagmasadan ako ng bata. Kinabahan na naman ako sa ginawa nya. "Kilala kita, ah." Hala! Patay ako! Inayos ko yung mask sa pagtakip sa mukha ko. Takbo na kaya ako? "Pero hindi ikaw yun. Impossible." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Agad akong dumistansya dito pagkatapos kong magpasalamat ulit. I decided to stay sa set na yun dahil namangha ako sa mga effects at costume ng mga actors. Baka nga sa sobrang mangha ko, baka panoorin ko 'to mamaya sa bahay. Nagmamasid lang ako dun at saglit na nakalimutan ang pakay ko sa station. Akala ko nga safe na din ako sa mga multo dahil wala naman akong nakita kanina. Except dun sa malungkot na janitor na nakaupo lang dun sa nakalock na janitor’s closet. Pero yun ang akala ko. Nang may isang lalakeng kalbo, mga 5'7" ata ang height at nakasuot ng jeans at t-shirt na green. Nasa tabi ito ng director na na babae na nag-uutos sa mga gagawin ng mga artistang nasa set. "Tanga! Hindi dapat ganun! Bobo kang babae ka!" Yung multo ang sumisigaw sa tabi ng director. As if naman maririnig sya. At bakit naman nya sinisigawan yung director? Sino naman kaya ang kalbong 'to? "Boba mo! Hindi ka marunong! Sinisira mo ang teleserye!" Patuloy na sigaw ng multong lalakeng kalbo. Galit na galit ito sa director. Habang sigaw ng sigaw yung multo, nagpapatuloy lang naman ang gawain ng mga normal na tao. Samantalang ang tenga ni Tala ay narindi na sa naririnig na sigaw at kakasabi ng mga bad words ng multong lalakeng kalbo. Kanina pa sya dapat umalis doon pero ewan ba nya bakit may something at hindi sya makaalis-alis doon. "Boba! Hindi ganyan. Ayusin mo trabaho mo!"  Iilan sa mga katagang naririnig ni Tala mula sa multo. At heto na naman sya, hindi nya naman maalis ang tingin sa multong iyon. Hindi nya maintindihan kung bakit lagi na lang, kahit takot na takot sya sa mga multo, hindi nya mapigilang obserbahan ang mga ito. Nakahinga ako ng maluwag ng biglang nawala ang nagwawalang multo. Napagod na siguro sa kakasigaw. Kung napapagod ba sila? Yan ang hindi ko alam. Patuloy ang buhay ng mga normal na tao sa set na yun. Ang hindi ko lang inasahan ay kakausapin ako ng multong lalakeng kalbo. More on like, haharassin na naman ako. "Kanina ka pa nakatingin sa akin," narinig ko ang tinig sa bandang gilid ko. Ang mali ko lang, ay nang lumingon ako dito. "Sabi ko na nga ba nakikita mo ako." Nakangiting bungad ng multo sa akin ng magtama ang mga mata namin. Napamulagat na lamang ako ng tingin at ngumiti ito ng nakakaloko. Patay ako sa patay na 'to! +++ Sandali, lesson multo 101 muna tayo. Tanong: Paano ko nga ba nalalaman na patay o buhay ang mga nakikita ko? Sagot: Simple. Agad ko silang nakikilala dahil ang tingin ko sa kanila ay black and white. Yep. Multo sila kung black and white lang sila sa paningin ko. Tanong: Paano ko nalalaman kung mabuti or masamang multo ang nakikita ko? Sagot: 1) Ang mabuting multo ay maputla lang ang labi or let's say, maputla lang sila. Harmless, ganun, katulad ni smiley. 2) Ang average na masamang multo, puro itim ang mata. 3) Ang mas mataas sa average na masamang multo, maitim ang mata at maitim ang labi. Pwede ka nilang hawakan at gawan ng masama. 4) Ang pinakanakakatakot at pinakamasamang multo, ay pula ang mga mata at maitim ang labi. Mas nakakapanakit sila. Sila din yung mga multong may kakayahang linlangin kang mabubuti sila. (E.G. pwede silang magkunwaring maputlang multo s***h mabait.) As of now, yan muna ang matuturo ko sa inyo. Pakatandaan po yan and beware of them. Itutuloy natin ang lesson multo 101, sa mga susunod na kabanata. *wink* Balik tayo sa multong lalakeng kalbo, na ngayon nga'y nakasmirk. Maitim ang mga mata at ang labi, nasa number 3 sya sa lesson natin. Oh god, ang lakas talaga ng pakiramdam ng mga multo. "Nakikita mo ako," unti-unti itong lumapit. Nagsimula na akong matakot. Ang tanga ko! Bakit ko ba kasi sya tinignan?  Agad akong umalis ngunit bigla naman may mga taong dumaan sa direksyon ko. Ang kinalabasan tuloy, hinahawi ko sila para padaanin ako. Bakit biglang dumami yung tao? "Hoy! Babae, nakikita mo ako. Hoy!" Sumusunod pa rin yung multo na nalalagpasan lang ng mga taong pumipigil sa pag-alis ko. Ano ba yan? Bakit ba sila dito pa dumaan? Ma-i-stampede pa ata dito. Nakakaiyak! "Padaanin nyo ako," sabay hawi ko sa mga tao. Please, padaanin nyo ako! Iyak ko sa aking isipan. "It's no use, Miss. Hindi ka makakatakas sa akin." Banta nung multo. Mas lalo akong natakot. Wrong move talaga ang pagpunta ko sa GBS. Pinagsisihan ko ng pumunta ako dito. Ah, bakit ko ba iniwan ang comfort zone ko? "Wag ka ng magpumilit, miss. Ang tagal kong naghintay ng may makakakita sa akin," Tsaka ito tumawa na parang baliw. Ah, ba't ba ang dami ng mga tao?! "Come to papa!"  Ew! Kadiri! s*x offender pa ata 'tong multo na 'to.  Nakahinga ako ng maluwag ng makapalagpas ako sa mga taong nagsisiksikan kanina. Kainis. Timing pang may multong nanghaharass sa akin tsaka sila dumami. Walkathon akong umalis sa GBS pero dahil sa kaba ko, naligaw pa ata ako. Nakasunod pa din kasi yung multo. Ang masama nyan, the ghost was trying to touch me. Sabi ko nga kanina, multo number 3 si multong kalbo, pwede nya akong hawakan at gawan ng masama. Kailangan kong makapagtago sa kanya. How? Hindi ko alam! Bahala na! "Miss, don't try to hide. Wala ka ng kawala sa akin." Banta pa ng multo. Multo sya, tao lang ako. Paano nga ba ako makakatago dito? "Miss, mapapagod ka lang. Sumama ka na sa akin." Pilit pa nito. No way! Bahala na. Hindi ako sasama sa kanya. Pinilit kong wag magsalita para kahit papaano baka masabi nyang hindi ko naman talaga sya nakikita. Baka lang naman. Pero ang totoo, yung balalahibo ko sa batok at kamay, kanina pa nagsisitayuan. At takot na takot na ako! I can feel his touch on my neck. Ang lamig-lamig ng haplos nya! Argh! Hindi ko napigilang manginig sa ginawa ng multo. "Ayos! Nararamdaman mo din ako!" Masayang bulalas ng multo. OMG! Nakita nya yun! "Ikaw na nga nag hinahanap ko. Come to papa!" Hinabol nya na talaga ako kaya tumakbo na rin ako. Bahala na kung anong tingin ng mga guards sa akin. Makalayo lang ako sa multong 'to.  Nasaan na nga ba kasi ang exit?! Hindi na ako nakapag-sip ng mabuti at pumasok ako sa CR ng mga babae. Pumasok ako sa isang cubicle at nilock iyon. Dun muna ako magtatago. "Boo!"  "Waaahhhh!!!" Gulat na sigaw ko. Ano nga bang iniisip ko? Multo yung kalaban ko. Syempre, kahit saan pwede syang pumunta or lumusot, rather! "Sabi ko na nga sa'yo, 'di ba? Hindi mo ako matatakasan." Sabi ng multo na ang lapit-lapit na ng mukha sa akin. Half lang ng upper body nya ang nakikita ko at dahil siguro sa tangkad nya'y naiwan ang lower half nito sa labas ng cubicle. Maliit lang naman kasi ang cubicle dun. Ang baho ng hininga! Puta! Napapikit na lamang ako. Tatanggapin ko na ang kapalaran kong ma-assault ng multo! Lord, help me!  "Halika na. May ipapakita ako sa'yo." Naramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko.  Muli akong napasigaw dahil dun. "Waaaah! Wag po. Please!"  "Hello? Miss? Are you okay?" May tao! May ibang ato sa CR! Sa isiping yun agad akong lumabas sa CR. Hoping na mawawala yung multo pag may ibang tao. CR kaya 'to ng babae kaya kahit multo sya, dapat hindi sya pumapasok dito. Eh, paano nga kung s*x offender? Edi, sya na ang maniac! Paglabas ko ng CR ay walang sabi-sabing hinawakan ang ibang taong yun sa kamay at pumunta sa likod nito para magtago. As if, makakapagtago ako sa multo. Eh sa pader nga kaya nyang lumusot, sa ganitong sitwasyon pa kaya? Nakapikit pa akong nagtatago sa likod ng babae. Mas matangkad ito sa akin kaya parang perpektong shield ito kumbaga. "Okay ka lang, miss?" tanong ng babae na hindi naman inalis ang pagkakahawak sa kanya. "Miss?" untag nya sa akin ng hindi ako sumagot. Minulat ko ang left eye ko para siguraduhin kung naroon pa yung multo. Wala naman akong nakita. Minulat ko pa ang isang mata ko at tinignan ang kabuuan ng CR na hindi pa rin nakabitaw sa babae. Wala na yung multo! Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at natakot ito ng may kasama na ako. Epektibo ang aking plano! "Miss?" Ay, yung babae pala. "Ay, sorry." Binitiwan ko ito at tinignan. Nakita ko ng mabuti kung sino ito. That brown hair, brown eyes sa singkiting mata at mapupulang labi. Teka--- bakit kasali ang labi? Eh sa mapupula naman talaga. Hmm!  "Okay ka lang?" Muling tanong nya ng hindi na ako nagsalita. Natulala na kasi ako sa mukha nya. I found her. I found Zareh! Nakasuot ito ng costume na may pagkakahawig sa pinapanood ko kanina sa set. So... Kasali sya sa casting dun? At ang sexy. Nyay! "Miss?" "Ah, oo... Sa-salamat ha." I said. s**t, bakit ako kinakabahan? Bakit ko rin tinitigan ang kabuuan nya? Ang ganda, eh! Agree, brain. Tinignan nya ako na parang nag-iisip din. Nakilala nya kaya ako? Nakamask pa din naman kasi ako pero dahil lang ba dun, makikilala nya ako? Pero assumera lang talaga siguro ako. "Okay." Sabi nya at ngumiti. Natulala ulit ako dahil sa ngiting yun. "Bye," paalam nya at umalis na sa CR. Naiwan akong naitulos dun. No wonder isa syang superstar. Bukod sa ang ganda nya'y ang bait nya pa.  Eh, bakit ang sungit nya nung una kayong nagkita?  'Kasalanan ko naman yun.' Defend ko sa kanya. Totoo naman kasi. Ako ang bumangga sa kanya. Tsaka amoy isda talaga ako nung time na yun.  "Miss!" Waah! Nandyan na naman sya. Yung multo! Patakbo akong lumabas sa CR at may nakabangga ulit. Buti na lang malakas ang kung sinuman ang nabangga ko at walang nangyari dito. And guess what? Nawala ulit yung multo! "Sorry po. Hindi ko sinasadya." Hinding paumanhin ko sa nabangga ko. Nagulat ako ng lumingon ito. Si Zareh ulit! Naningkit ang mga mata nyang singkit na. Naku po, nagalit ata. "Sorry po. Ahm, fan nyo po talaga kasi ako. Nakalimutan ko kasing magpa---autograph?" Palusot ko at inilahad ang aking palad.  "Oh... okay." mabuti na lang at hindi nagalit. Mabilis kong binigay ang marker na lagi talagang dala-dala ko sa sling bag ko. Sa apat na taon, sanay na sanay pa din akong magdala ng marker. Para kasi yun sa autograph signing ko noon sa mga fans na walang dalang ballpen o marker. Ewan ko ba. Habit ko na din yun simula noon. Mabuti na lamang at walang ibang tao sa lugar na yun. Malaya kong napagmasdan ang mukha ni Zareh habang nagsusulat sya sa braso ko. Basa kasi yung palad ko kaya sa braso ko na lang sya pinagsulat ng autograph nya.  May confirmation na rin sa theory ko about sa kanya. Napangiti ako. Si Zareh na ang matagal kong hinahanap na makakatulong sa problema ko. Hindi ako ginagambala ng multo pag nandyan si Zareh. Thank you, Lord! Salamat at nandyan na si Zareh! ♩ ♪    I like me better when I'm with you I knew from the first time, I'd stay for a long time cause I like me better when I like me better when I'm with you  ♫ ♬
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD