TNT 4: Ang Paskilan

2148 Words
TALA WALANG  permanente sa mundo. Kasabihang kapatid ng 'Walang forever'. Pinsan din ng kasabihang, 'The only constant in the world is change'. This applies to all aspects. From the taste of music, to the favorite food, ideal person and goes on. Kaya nga siguro nawala sa akin ang lahat kasi wala namang permanente sa mundo at ang lahat ay nagbabago. Kagaya na lamang itong billboard na pinapalitan nila. Nakatingala akong nakatingin sa mga nagpapalit. Napatigil ako sa daan ng hindi ko namamalayan. Hindi naman sa gitna, nasa safe side naman ako. Inutusan na naman kasi ako ni Tiya Ling kaya nasa daan na naman ako. As usual, nakamask at sombrero na naman ako. For safety purposes. Balik sa billboard, naalala ko nung kasikatan days ko. Isa sa mga signs na naging sikat ka na sa larangan ng show business ay ang malagay ang iyong larawan sa billboard na yun. At sa tatlong taon ng pamamayagpag ko, larawan ko lang naman ang naroon nung last three years ago bago ang aksidente. Napabuga ako ng marahas at matamlay na nagbaba ng tingin. Nagsimula na akong maglakad pauwi. Sino kaya ipapalit nila dun ngayon? Yung sikat ngayon. Malamang. Pati yung isipan ko inaaway na ako. Sikat din naman ako, ah! Sikat ka nga. Dati. Dapat yun ang tandaan mo at magmove-on. Pero paano nga ba magmove-on kung bigla ka na lang iniwan? Walang closure? Biglaan ang nangyari. Hindi lovelife tinutukoy ko dito ha, kundi yung career ko. Baka kasi humugot na naman kayo, higitan nyo pa ako. Pft. I tried. For four years, I tried to move on. Tinanggap ko na ang aking kapalaran. Ang mapait kong kapalaran. Tanggap ko na nga ba? Bakit masakit pa rin? Kasi hindi mo maalala yung araw na yun. Tama nga yata yung utak ko. Wala akong closure, 'di ba? Pagnaalala ko siguro yung araw ng aksidente at kung anong nangyari, baka makamove-on na ako. Sana nga. Sana. Gaya ng araw-araw na ginagawa ko, linis ng bahay, palengke minsan, tambay sa upuan ko sa rooftop, nagbabasa ng kung anu-ano (except showbiz related. Ayoko magkabalita sa showbiz world kaya hindi rin ako nanonood ng tv), crossword puzzle, yan basically ang summary ng routine ko araw-araw. Ayun, nahihilig talaga akong tumambay sa upuan ko sa rooftop dahil nag-iisip din ako at pilit inaalala ang mga nangyari nun. Kaso in four years, wala namang sumagi sa isipan ko. Nagcrossword na lang muna ako habang naghihintay na tawagin ako ni Tiya Ling para kumain. "Hmm, number 5, across, energy drink with protomalt. Four letters." Kausap ko sa sarili. Ganyan na ang habit ko pagnag-iisip. "Ang hirap naman." Wala talaga akong maisip. "Energy drink? Ang alam kong energy drink, redbull, sting! 5 letters naman yun! Ahhh!!!" Kamot ko sa ulo ko. "Bakit ang hirap?! Mamaya ka na nga---" naputol ang aking sasabihin ng narinig kong nahulog ang isang pot ng bulaklak na nilagay ko sa safe na edge ng rooftop. "What the--- Ikaw na naman!" Ngumiti lang ito at nagwave. Sino? Ang salarin. Tinuro nya ang pot at pinagdaop ang palad na bahagyang yumuko. Nagsosorry ata sya. Korean style. "Anong ginagawa mo dito, smiley?" Hindi sya sumagot kundi ngumiti lang. Kaya tinawag ko syang smiley. Kasi lagi syang nakangiti. Hindi nagsasalita. Ilang araw na rin syang paroo't parito sa bahay. Appearing whenever he wanted to. Harmless naman sya, yun nga lang, ewan ko kung bakit sinusundan nya ako. Ilang beses ko na syang tinanong pero wala akong nakuhang sagot kundi ngiti at wave nya. Ito yung same na multo na nakita ko sa likod ng batang tindera ng isda. Kaya hinayaan ko na rin syang tumambay dito. Hindi naman nya ako inaano. Yun nga lang, sunod ng sunod minsan. Kahit saan. May sinasabi syang hindi ko maintindihan. (A/N: Smiley was trying to say na kasalanan ng hangin kaya nahulog yung pot.) "Palitan mo yan," tanga ko, 'di ba? Paano mapapalitan yan ng multo? Bumalik na lamang ako sa pagkocrossword. "Ano ba? Nakakagulat ka naman!" Bulalas ko ng biglang nag-appear si Smiley sa harapan ko. Ngumiti lang ang buang tsaka nagsasasayaw. Nagtatakang nakatingin tuloy ako sa kanya. "Anong nangyayari sa'yo?" Nagpatuloy lang si smiley sa pagsasayaw. "Hay naku. Wag mo akong dinidisturbo, smiley. Ang hirap nito, oh." Sumasayaw pa rin sya habang iniisip ko pa rin kung anong sagot sa 5 across na yun. "Pass!" I jumped to the next crossword puzzle. Babalikan ko na lang yung 5, across, energy drink with protomalt mamaya. "7, across, four letters, initials of lesbian drama in GMA network. Chinese rich girl and a wedding coordinator. What? Lesbian drama? Ano ba naman yaaannn!!! Hindi ko alam 'to!" Frustrated na iyak ko. Si smiley parang kiti-kiti pa din. Para syang nagbabody sign. Nakasalubong ang kilay na nakatingin lamang ako dito. Smiley was standing up straight, ang dalawang kamay ay naka-hang na parang scarecrow. Wait, kung nagbabody sign sya, this sign is like a... "T! Letter T ba yan?" Smiley nodded pero nakangiti pa din. "So... First letter is T?" Tanong ko dito tapos tumango sya ng ilang beses. Wow! So, alam 'to ni Smiley. Sinulat ko yung letter T tapos, "Next. Second letter?" He stand up straight again tapos yung dalawang kamay nya ay nakataas at nakadugtong forming a not so circle shape. Sa side nya'y mas nakababa ang left hand nya at ang right hand nya, ang braso, ay naka-lean sa right side ng ulo nya. Ang left foot nya ay nakastep ng bahagya sa side nya. "Q ba yan?" Tanong ko. Sumama yung mukha nya pero nakangiti pa din ito. Paano nya ba nagagawa yun? "Hmm, sandali... Letter... Ah, R!" Pumalakpak si smiley at masayang sinulat ko yung letter. Sumunod ay nakita kong nagmcdo sign si smiley. "Aish. Easy." Mayabang na sabi ko. "Letter M. Tss." Nagthumbs up si smiley. Sa panghuli, nagsign sya na parang buntis. "Buntis? Ahhh... B?" Lumingo-lingo ito. "Hmm... Buntis... Pregnant... Hmm, P!" Smiley did not agree. He changed his sign by using his hands. Ang ginawa nya'y, he formed his left hand into letter C tapos dinikit sa right hand nyang nakastraight, pointing upwards and it formed... "Letter D!" Smiley smiled and nodded. Ang galing ni smiley, 'di ba? Isn't he surprising? Isn't he amazing? Makipaglaro nga ng charades kay smiley minsan. Nakumpleto ko yung 7 across which is TRMD. Naalala ko na yung lesbian drama na yun which is The Rich Man's Daughter. Thanks to smiley. Nagpatuloy ako sa pagsagot. Pag may hindi ako alam, nagpapatulong ako kay smiley na sobrang galing dahil halos yata ng puzzle alam nya. "26, down, five letters. Name of the celebration of l***q every month of June." Malakas na basa ko. Pagtingin ko kay smiley, na nakasmile pa din, nakatayo ito ng maayos at nakahawak sa dibdib nya. Parang naglulupang hinirang. "Pambansang awit?" Hula ko. Hindi sang-ayon si smiley. Pinalo-palo pa nya ang dibdib. "Heart attack? Hmm, asereje?" Kasi naman nagsign sya na parang nag-aasereje. Napayuko tuloy si smiley at hulog ang balikat. Frustrated na ba sya sa akin? Pero bumalik din ito sa pagkacheerful at tinuro ako. Mas lalo tuloy akong naconfuse. "Ha? Bakit ako?" Tumigil si smiley at mukhang nag-iisip. Hay. Ano ba kasing alam ko sa mga l***q? Wala. Malay ko ba naman. Maya-maya'y nagsign ulit ito. Charade style. "One word. English. One syllable. Sounds like..." Tinuro ni smiley ang dyaryo at nagsasign na buklatin ko yung dyaryo na ginawa ko naman at tumigil ako ng nagsign sya ng stop. Tinuro nya ang nasa front page kung nasaan ang article for the current president. "Anong kinalaman nya?" Takang tanong ko. Tinuro ulit ni smiley yung dyaryo, sa bandang initials ng presidente. Tapos nagsign ulit sya ng sounds like. "Sounds like..." Pag-uulit ko, tsaka tinignan ang tinuturo ni smiley. "PRRD," basa ko. "Tapos?" Hindi ko talaga magets. Smiley signed na kunin ko daw yung 1st and 2nd letter. Na ginawa ko. "PR... Okay?" Then the third letter, "English, one word, one syllable," tapos tinuro nya ang sarili. "Ah, I! Letter I!" Nagthumbs up si smiley. Next letter daw ay yung 4th letter sa initial kanina. "Okay, D.. Tapos?" Smiley signed his fingers, tatlong finger nya sa right hand, ng pahiga. It formed, "Letter E?" Hula ko. He nodded and smiled. "So, PRIDE? Hmm, bakit pride?" Nagkibit balikat si smiley at tinuro ang labi at nagsign na hindi sya nakakapagsalita. Oo nga pala. Sayang naman, kung nakakapagsalita pa si smiley, baka andami pa nyang tinuro sa akin. Galing nya 'no? Sinulat ko na yung hinulaan ko kay smiley. Tsaka ako napaisip. "Bakit mo nga ba ako itinuro kanina nung nanghuhula ako about sa pride?" Nagkibit balikat ulit si smiley at ngumiti lang. Oo nga pala, hindi sya nakakapagsalita. Aish. Nagpatuloy ako sa pagcocrossword puzzle na kasama si smiley. Yun nga lang, hindi ko nagets yung 5 across, energy drink. Nileft out ko muna ito. Hindi kasi kami magkaintindihan ni Smiley. Sayaw lang kasi ito ng sayaw. Tss! Naenjoy ko ang pagkocrossword namin ni Smiley. Actually, ngayon lang ulit ako nag-enjoy after 4 years. Salamat kay smiley. Kalaunan nga ay tinawag na ako ni Tiya para mananghalian. Bumaba na ako. Sumusunod pa rin si smiley kasi nagugutom din daw ito. Akalain mo yun, kumakain din pala ang mga multo? Nagluto si Tiya ng kare-kare at sabay na kaming kumain. Pasimple ko namang iniwanan ng pagkain si smiley. Mabilis lang kasi kumain si Tiya kaya alam kong matatapos na sya anytime. Hindi nga ako nagkamali at natapos na din si Tiya agad. "Magpapahinga muna ako. Ikaw na bahala dito, Tala. Patayin mo yang TV pagkatapos mong manood." Bilin ni Tiya. Tumango lamang ako kay Tiya tsaka ito pumasok sa kwarto nya. Oo, nanonood kami ng TV pero wala naman dun ang pansin ko. As much as possible, ayaw ko nga nakakabalita sa mga showbiz personalities. Basta, ayoko lang. Lalo pa't noontime show ang pinapanood namin. Anyway, kumuha ako ng plato para kay smiley at nilagyan ng pagkain. Nakangiting kumakain ito. Napakatakaw din. Nasiyahan naman ako sa nakikita ko. I never imagined na magkakaroon ako ng kaibigang multo. One thing din na napansin ko sa mga multo, hindi sila kumakain ng hilaw. Luto lang. Minsan kasi, nagkilawin si Tiya ng isda. Hindi ginalaw ni smiley. Kaya, i assumed, na hindi sila kumakain ng hilaw na pagkain. Tahimik kaming kumakain ni smiley ng bigla itong tumayo at tinuro ang tv. Nakacommercial na kasi. Nagtatakang nagpapalit-palit ako ng tingin kay smiley at sa tv na tinuturo nya. Commercial yun ng MILO. Yung nandun si James Reid at sumasayaw ng 'energy, energy gap, beat energy gap. Mag-milo everyday!' Tinignan ko si smiley tsaka yung tv na naman. Sumasayaw si smiley. Pareho ng steppings nya kanina sa taas, kasabay nung commercial ng--- "Milo!" Masayang bulalas ko. Ngumiti si smiley at nagthumbs up ulit. Alam ko na yung sagot kanina sa 5 across - energy drink. Nakakatuwa talaga si Smiley. Naghigh five kami sa hangin. "Tala? Ano yun? Bakit ka sumisigaw?" Si Tiya Ling. Napalakas ata yung sinabi ko kanina. "Ah... W-wala po, Tiya." Hay. Sumigaw na pala ako kanina? Hindi ko namalayan. Hindi na ulit nagtanong si Tiya at pumasok na ulit sa kwarto nya. Nakahinga ako ng maluwag. Nagngitian na lang kami ni smiley habang tinatapos ang pagkain. Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinagkainan ay umakyat na ako sa rooftop. Umupo sa kinauupuan ko kanina at sinulat ang sagot sa 5 across. "Yan, kumpleto na!" Masayang litanya ko at tinignan ang buong crossword. "Galing mo, smile---" hinanap ko sya sa paligid pero wala sya. Nawala na naman si smiley na parang bula. Well, nangmulto na naman siguro ng iba. Patawa ko sa sarili ko. Nangalumbaba na lamang ako sa upuan ng wala na akong maisipang gawin. Tumingin-tingin ako sa paligid, ng mahagip ng aking paningin ang billboard kanina. Oo, kitang-kita yung billboard na yun dito. Kaya alam ko kung sino-sino ang mga pumalit dun at ilang beses pinalitan ang billboard na yun in the last 4 years. Napaangat ako sa aking kinauupuan ng makita kung sino yung nandun. Parang hindi pa ako makapaniwala at naglakad pa ako papalapit doon, as if makakalapit ako ng mabuti, kasi naharangan na ako ng railing ng rooftop. Namumukhaan ko sya! Sya yun! Yung babaeng nakabanggan ko malapit sa GBS! Yung palagay kong magiging sagot ng problema ko sa mga multo. Sumaya yung diwa ko. Na para akong nanalo sa lotto. Pero teka... Kung nandyan yung mukha nya sa billboard na yan. Edi... Artista ba sya? Model? Ano kaya? Pero wait... Makakatulong ba talaga sya sa akin? Paano kung nagkakamali lang ako? But there's nothing wrong in trying. Yes, brain. Pero baka waste of time lang 'to, 'di ba? Di ba gusto mo ng baguhin lahat ng 'to? Oo nga, pero--- Tala Ligaya, wake up! Four years ka ng tulog! Enjoy life! Tss. Si brain. Pinagalitan pa ako 'no? Tsaka bakit ba ako nakikipag-away sa utak ko. Hay, naku. Nakakakita na nga ako ng multo, nabaliw na din ba ako? Well, may point naman si brain, 'di ba? Bakit nga ba hindi ko subukan? Nawala na naman lahat sa akin, ano pa bang mawawala kung susubukan ko? Kung hindi ko 'to gagawin, kailan pa? Nakapagpasya na ako. Hahanapin ko sya. Hahanapin ko si Zareh Lee at hihingi ng tulong. Sabi ko nga kanina, walang permanente sa mundo. Kaya dapat, hindi rin ako permanenteng ganito. "Fighting!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD