TNT 3: Ang Sikat

2382 Words
ZAREH "MINAHAL mo nga ba ako o sinabi mo lang yun para gawin akong panakip butas?" Ang sakit ng ginawa nya sa akin. Isa syang mapagkunwari! "Patawarin mo ako, Isabela." Niyakap nya ako. Itinulak ko syang palayo. "Hindi ko sinasadyang saktan ka." "Sinaktan mo na ako!" Sigaw ko dito. Umiiyak na ako sa galit. "Paano mo nagawa sa akin 'to?" "Hindi... Hindi ko sinasadya." Paliwanag nya. "Mahal kita ngunit kailangan ko syang pakasalan. Dahil... Dahil... Buntis sya!" Nagulat ako sa sinabi nya pero bago pa ako makapag-isip ay, "Hudas!" At sinampal ko ito sa kanang pisngi. "Cut!" Putol ng direktor sa eksena. "That was amazing guys! Wrap up na tayo for today!" Masayang litanya nya. "Good job, Zareh." He patted my shoulder and I just gave him a smile. "And oohh..." Kunwaring napaso ito ng humarap sa co-actor s***h love team kong si Cody. "You better put some cold compress in there," turo nya sa pisngi nito. Hindi naman maipinta ang mukha ni Cody. "Good job though." Tsaka ito umalis. "Sorry, Cody. Napalakas ata." Hinging paumanhin ko dito. I'm actually not sorry. Sinadya ko yun. He deserves it. "It's fine, baby." Nagtatapang-tapangan na sabi nya, "But... you owe me a dinner because of this." And he's back on being smug. Hinimas pa ako sa braso. m******s talaga! Infairness, ang pula ng pisngi nya. Mestizo kasi si Cody or known as Cody Marcel. Half Irish at Half Pinoy ito. Dito lang sya lumaki sa Pinas at nadiscover na artista. His family settled here kasi mas gusto din ng mama nya dito. Three years ko na din syang ka-loveteam. Sikat na sikat kaming loveteam sa bansa at gaya ng ibang mapagkunwaring mga artista, ang pinalabas namin ay magnobyo kami. Pogi naman sana si Cody. Matangkad. Maganda ang katawan. Kaso nga lang napakahangin nito at kailanman hindi ko sya nagustuhan. Nakikisama lamang ako dahil kailangan sa trabaho ko. Isa pang katangian na ayaw ko sa kanya ay napakachickboy nito. Hindi ko lang din maintindihan ang sarili ko at hindi ko sya magustuhan kahit attractive naman sya physically. Hindi naman sa mapili ako pero hindi din talaga ako mahilig sa relasyon. Tsaka wala pa sa sistema kong magkarelasyon. Come to think of it, hindi pa pala ako nagkakajowa. Ever since! Si Cody na lang kasi nga bet ka nya. Umeepal yung utak ko. Hmm, kung bet nya ako, ako naman ay hindi! Sobrang GGSS talaga kasi ito at may pagkamanyakis pa. Ito nga't nananyansing na naman. Kainis! Ang dami ding mga chsimis na pinapatos nya lahat ng mga babaeng nasa station. Kadiri, 'di ba? Tsaka may chismis pang may nabuntis na daw sya. Pig, right? Tsaka may ugali pang paimportante ang lalakeng ito sa set minsan. Akala mo talaga kung sino! Kaya minsan, pag may mga eksenang nakakaganti ako, ginagalingan ko para uwian na agad. Natatawa na lang ako. Palihim akong napangiti at kinongratulate ang aking sarili. That's my hand on his damn face! Lol! "Zareh?" Untag nya sa akin. Ang hunghang, hinihimas pa ang braso ko. Tsk! "I would love to, Cody," matamis ang ngiting sagot ko. "Alright! Sunduin kita mamaya, 7pm." Masayang bulalas nya. Ngumiti ako at pasimpleng lumayo dito para hindi na nya ako matsansingan. "Ah, Zareh," tawag ng Personal Assistant (P.A.) kong si Harvey.  "Yes?" I answered. "M-may photoshoot ka mamaya with Danica Lopez para sa Womens Magazine. 7pm." Ika nya. "What?" React ni Cody. "Oh no." Disappointed na napatingin ako kay Cody. "After shoot na lang, Zareh. Mabilis lang naman siguro." Si Cody. Aba't mapilit talaga. "Ah Zareh, m-may interview pa yun pagkatapos ng shoot tapos maaga ka sa shoot mo dun sa isa mong teleserye." Harvey interrupted. "Oh, Cody---" "It's okay. Next time na lang." He cut me off and after saying this, he stormed off. Hawak-hawak ang pisngi nya. Napangiti ako. "Good job, Harvey." Ika ko kay Harvey at kinindatan ito. He gave me a sly smile and tucked his glasses in his nose. Harvey has this nerdy look kasi. Inaya ko na itong bumalik sa aking dressing room. Three years ko na ding P.A. si Harvey kaya alam na alam na nya kung anong gagawin pag nasa mga sitwasyon akong hindi ko kayang 'lusutan'. Mabait si Harvey at very attentive. Panganay sa limang magkakapatid at hindi na nakapagtapos ng kolehiyo dahil nagtrabaho na sya para matustusan ang pamilya. Nakilala ko si Harvey dahil tinulungan nya ako one time ng malapit akong magbreak down sa daan. Mukhang lampa, nerdy, payat pero matangkad si Harvey. Pagkatapos naming magkwentuhan ng kaunti nung tulungan nya ako, I offered him a job kahit pa nga small time pa lang ako nun. He was one of my loyal fan pagkatapos nun. He encouraged me all the time at ginagampanan ang trabaho nya with all excellency. At nung naging sikat na nga ako'y mas lalo ko pa syang natulungan. He is one of the hard working people I have known. Kilala ako ng lahat bilang si Zareh Lee and I can say I worked hard my ass off to be in this state of my career. "Naayos mo ba yung pinapagawa ko sa'yo, Harvs?" Tanong ko dito ng nakapasok na kami sa dressing room. "Yep." Sagot nya. "Naclear ko na schedule mo today." "Salamat, Harvs. Uwi ka na din ha." "Oo. Ah Zareh," "Hmm?" "Birthday nga pala ni Nanay ngayon. Baka daw gusto mong pumunta sa bahay para sa maliit na salo-salo." Napaisip ako. "Ay, oo nga pala. Sige, pupunta ako." I answered. He eyed me a worried look. "Harvs, pupunta ako." Ulit ko dito at ngumiti. He puffed. "Sigurado ka? Alam ko kung gaano kaimportante ang araw na 'to para sa'yo." "Pupunta ako," I gave him a reassuring look. "Dating gawi, Harvs. As always. Sabihin mo kay Nanay, okay?" He let out a sigh pero ngumiti na din. Tuwing birthday naman talaga ni Nanay Mila, pumupunta ako sa kanila at mga ibang okasyon kina Harvey. "Okay. See you later." Sabi nya at kinuha na ang gamit. Bago sya umalis ay hinalikan nya muna ako sa noo. "Bye." Paalam nya. "Bye." Nginitian ko ito at nagwave ako dito bago nya sinara ang pinto. Naiwan ako sa dressing room ng mag-isa. Hindi ko tuloy naiwasang maging malungkot. Hindi ko alam kung ilang minuto akong naging tulala dun at nakatingin lang sa reflection ko sa salamin. +++ Isang oras din pala akong nakakulong sa dressing room kung hindi pa nagring yung phone ko. Tumawag si Harvey para ipaalalang nasend nya na yung schedule ko sa email at na-sync nya na din ang calendar ko sa mga schedules ko. "Nandyan ka pa 'no?" Tanong pa nya. May pagkamanghuhula din 'tong si Harvey minsan. Or let's just say he really knows me better than anyone else. Ito lang kasi ang nag-iisang totoong kaibigan ko. Todo deny naman ako pero hindi sya naniwala. I cut him off at sinabing magkita na lang kami sa bahay nila mamaya. Mabuti na lang at hindi na sya nag-usisa. Pagkatapos kong magretouch ay lumabas na ako sa GBS. Bago pa ako lumabas ay pinakiusapan ko na ang guard na ilabas ang sasakyan ko. Binigay na lang nito ang susi ng lumabas ako sa exit door ng GBS. "Salamat, Kuya Dom." I said and tip him. "Hala, ma'am. Ang laki po nito." Sabi nya ng makita ang tinip ko. Akto nyang ibabalik sa akin yung pera. "Kuya, pang –isang buwan na po yan," biro ko dito at hindi ko tinanggap ang binabalik nya. "Tsaka pambili din po yan ng gatas." Nginitian ko na lang ito at agad na umalis. Balita ko kasi nanganak na misis nya. Kahit yun na lang maging tulong ko sa kanya. "Salamat, ma'am!" narinig kong pahabol nyang sabi. Nakangiti akong naglakad papuntang kotse. Mabait naman kasi si Kuya Dom. Lagi nitong binabantayan ang kotse ko at pag may mga pinapakiusap ako, ginagawa naman nya. Hindi ko sya inuutusang gumawa ng masama ha. Yung mga pakiusap lang na legal at kaya nyang gawin. Gaya nga ng pagbabantay sa kotse ko, pagpapark at paglabas sa parking para hindi na ako pumuntang parking lot. Naglalakad na nga ako patungo sa kotse ng tumunog na naman ang phone ko. Naglalakad pa rin ako habang naghahanap ng phone ko sa bag. Hindi ko pa man nahanap yung phone ko ay may bumangga na sa akin. Muntikan na akong nabuwal kaya kumapit ako sa kung sino mang bumangga sa akin. Naku, masubsob pa lang yung mukha ko. Hindi pwede! Ito pa naman ang capital ko. "What the... Are you friggin' blind?" Reklamo ko. Hindi naman ako usual na nagmumura pero muntikan na akong masubsob. Yung mukha ko, naku! "Sorry, miss. Sorry talaga." Hinging tawad nito. Nakatitig ito sa akin na para akong pinagmamasdan. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakamask at nakasumbrero pa ito. Pero kitang-kita ko ang mga mata nyang light brown. Yung mata nyang parang fox. At sigurado akong babae sya dahil nakahawak nga ako sa kanya. So, base on her physique, babae ito. Matangkad din ito pero mas matangkad yata ako ng 3 inches. "Okay... Just—get off of me!" angil ko ng makitang she was staring too long. At... anong amoy yun? Bakit ang lansa? Binitawan nya na ako. Oh god, mabuti naman at binitawan nya ako. Nakahinga ako ng maluwag. I did not realize that I was holding my breath. Hmm. Pero maya-maya lang ay parang koala bear na naman itong nakakapit sa akin. What the eff is her problem? At nakapikit pa si ate na mukhang takot na takot. Nananadya ba sya? Nananyansing ba sya? Tsaka ang lansa talaga nya. Ew. "Hoy, miss! Ano ba?" reklamo ko ulit. I tried to calm myself dahil nasa public kami at baka may mga paparazzi'ng nakatingin at gamiting panira 'to sa akin. Pero hindi ko kinaya yung malansang amoy. "Sorry, miss." Hinging paumanhin nito at tuluyan ng bumitiw sa akin. Nakahinga ulit ako ng maluwag at napatingin dito. Pagsasabihan ko sana ito ng makita kong parang takot na takot talaga ito. Paano ko nasabi? Bakas na bakas sa mga mata nyang light brown. Hindi ko alam pero bakit hindi ko mapigilang hindi tumitig sa mga mata nyang yun. I shrug off the feeling dahil tumataas ang balahibo ko sa mga naiisip. Muli ko pa syang pinasadahan ng tingin at dun ko nakitang may mga dala itong gulay at isda ba yun? Isda nga ata. Kaya pala malansa. Tss. Nagpasya na lamang akong umalis bago pa kung anong magawa ko. Ayaw kong mas lalong masira pa ang araw na 'to. "Damn. Amoy isda. Ew." Hindi ko napigilang maibulalas ng maamoy ko ang aking kamay. Agad kong binuksan ang kotse ko at pinaharurot ito. Ahh! Amoy isda na ako! Nagpasya muna akong dumaan sa condo ko na malapit lang naman sa GBS. Sa kanto lang. Nagcall back ako kay Harvey bago ako naligo. Pagkatapos kong mafreshen up, umalis na din agad ako sa condo at pumunta sa pinakamalapit na flower shop. "Hi, Zareh!" masayang bati sa akin ng florist na si Enriqueta or mas prefer nyang tawagin syang Enri. Nasa early 30's na ito pero hindi naman halata sa mukha nya.Sya ang may-ari ng flower shop. "The usual?" Oo, suki na ako dito. "Hello, Enri. Yes, please." Sagot kong nakangiti na din. "Okay. Sandali at aayusin ko lang ng mabuti." Sabi nya. Tumango lang ako at tumingin-tingin muna sa mga bulaklak sa flower shop nya. Medyo hindi sila busy ngayon kasi maaga pa naman pero isa itong flower shop ni Enri sa mga pinakabusy'ng flower shop dito na side. Hindi lang kasi sariwa at maganda ang arrangement dito sa flower shop ni Enri, kundi hands-on din ito sa pagpapatakbo sa shop nya. May mga crew naman ito pero mas gusto ni Enri na sya talaga ang nag-aassist sa mga customers nya lalo na sa mga regulars. "Here you go," abot nya sa akin ng basket of Lily flowers. As usual, napakaganda ng arrangement. Magiliw na inabot ko ang bayad dito. "Thanks, Enri. Your works are the best." Papuri ko dito. "Ano ka ba," nahihiyang sabi nito, "basta lagi mo lang akong bigyan ng pass sa mga concerts at shows mo, solve na ako." Ika nya. Si Enri ay isa sa mga loyal fan ko at sa love team namin ni Cody. "Oo naman." Tinignan ko muli ang mga bulaklak. "Sariwang-sariwa ah," masayang komento ko. "Actually, hinanda ko na talaga yan kanina pa kasi alam kong darating ka. Tandang-tanda ko na yung date na pumupunta ka dito or si Harvey. At dahil hindi naman tumawag si Harvey ngayon, napagtanto kong ikaw ang darating." Madaldal din minsan si Enri pero natutuwa ako sa kanya. Totoo naman ang sinasabi nya. Monthly akong nag-oorder ng Lily flowers sa shop nya at the same date kaya lang mas special itong araw na 'to. Ngumiti lamang ako dito at kinarga na ang bulaklak. "Salamat ulit, Enri," Ika ko ng paalis na ako. "Siguradong matutuwa sya sa arrangement mo ngayon." Tumango lamang si Enri at nagthumbs up sa akin. Pagkatapos ko sa flower shop ay dumaan muna ako sa isang Japanese restaurant. Suki din ako doon kaya binayaran ko nalang yung order ko at nagmadaling umalis. Wala naman sigurong nakakilala sa akin dahil nakacap ako at nakasunglasses ng itim. After sa Japanese restaturant, I head out to my destination. Bumusina na lang ako sa guard at pinagbuksan na ako ng gate. Kilala na nila ang sasakyan ko kaya hindi nila ako kinunan ng ID. Lagi naman kasi akong pumupunta dito. I parked my car sa hindi kalayuan at pumunta sa kanya. Nandun lamang sya sa luntiang bermuda grass at naghihintay. "Hi!" Nakangiting bati ko dito. Inilapag ko muna ang mga dala at inayos ang telang uupuan. Nilagay ko ulit ang mga dala ko sa tela at umupo doon. "Ang ganda ng lily, ano? Nagustuhan mo ba? Sabi ni Enri, hinanda na nya yan kanina pang umaga. See how fresh they are? Ang tingkad pa ng kulay ng lilies na 'to. Ganda, 'di ba? Katulad mo lang na sobrang maganda," binuksan ko ang nakastyro na mga pagkain, "And I bought your favourite. Salmon sashimi and Crispy California maki roll." Tinikman ko yung sashimi pagkatapos kong isawsaw sa toyong may wasabi. "Yum!" Napapikit pa akong ngumunguya. Nang magmulat ako ng mga mata ay dun ko naramdaman ang lungkot. "I was trying to move on but it was so hard. Pang-apat na taon na 'to. Masakit pa rin." Hindi ko maiwasang hindi magramdam. "Nagsisisi na ako, baby. Alam kong huli na ang lahat pero nais ko pa ring marinig na pinapatawad mo na ako. Hindi ko pa rin kasi mapatawad ang sarili ko." Hindi ko na napigilang umagas ang aking mga luha. "Sorry, baby." Kausap ko sa lapida ng aking nakababatang kapatid. Ikaapat na death anniversary nya ngayong araw. Nahaplos ko ang pangalan nya sa lapida habang umiiyak pa din. Ang nakalagay sa lapida ay,   In loving memory of STARKEENA LEE Born: October 16, 1999 Died: May 31, 2014
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD