TNT 2: Ang Anibersaryo

2197 Words
TALA NAKAYUKO akong naglalakad papuntang palengke. Nakasumbrero pa ako at nakamask. Siguro naman hindi na nila ako makikilala pero maingat pa din akong nakayuko. Ito ang problema sa dating sikat sa buong bansa, kahit ilang taon na ang nakaraan, kilala pa din ako ng ibang tao. Nakarating na ako sa palengke at isa-isa ng binili ang mga kailangan ni Tiya Ling. Magluluto daw sya ng sinigang na salmon belly. Nasa gulayan ako ng hindi ko namalayang may dumaan na multo and pass over me. Napasinghap ako at napatigil. Nakaramdam ata ang multo na naramdaman ko sya at napatigil itong napatingin sa akin. Ang multo ay isang babaeng marahil ay nasa 30's na. Mataas ang buhok, may cut sa noo, nakasuot ng gutay-gutay na t-shirt na stripes at maong na shorts. Iisa lamang ang suot na tsinelas. Isa sa mga dapat tandaan pag meron kang third eye at pagnakakita ka ng multo, wag na wag kang titingin sa mga mata nila. Ang ginawa ko'y kunwaring bumuntong hininga ako at hinabol ang paghinga ko na parang inaatake lang ng asthma. The ghost buy my act at umismid lang itong nagpatuloy sa paglalakad. "Whew." Pinagpawisan ako ng malagkit. Minsan ko pang sinilip ito kung saan sya pumunta. Mukha naman kasing harmless yung manang. Nakita ko itong pumunta sa isang stall ng nagtitinda ng meat ng baboy. Matiim na nakatingin ang multo sa isang chubby na lalake na nagchachop ng karne ng baboy. Nakatayo lamang ang ale dun at nagmamasid sa chubby na lalake. Hindi pa sana ako makakaalis sa aking kinatatayuan ng biglang lumingon si aleng multo at kinailangan ko ng magkunwaring wala akong nakikita. Ngamadali na akong umalis at bumili ng mga gulay na kakailangan sa sinigang na salmon belly ni Tiya Ling. "Pinapairal pa kasi ang curiosity, eh." Bulong na pinagalitan ko ang aking sarili. Mamaya nyan may susunod na naman sa bahay at madadagdagan yung mga multong humaharass sa akin. Err. Matapos kong mabili ang lahat ng gulay at spices na kailangan sa sinigang ay pumunta na ako sa isdaan para bumili ng salmon belly. Pumili ako sa mga stall kung saan ako bibili ng isda. Kanya-kanya naman ang mga tindera't tindero sa mga chant upang makakumbinsi ng bibili. "Ate, ate, bili na ng isda! Pampatanggal ng taba!" "Wampepte! Wampepte! Wampepte, isang kilo! Bili bili na. " "Bili na kayo ng isda! Maganda, masarap, sariwa, bata... bili na!" Nakuha ng atensyon ko yung panghuli. Nang tignan ko ang tindera ay literal ngang bata ito. Palagay ko sa nasa sampung taon lamang ito. Lumapit ako sa paninda nya at tumingin dito. "Neng, 'di ba dapat nasa school ka?" sabi ko sa kanya. "Ah, excuse me po? Pag-aaralin nyo po ba ako?" nakangiti man syang sumagot pero ramdam ko ang pang-uuyam sa tono nya. Hindi tuloy ako makasagot. Bakit ba ako nagingialam? "Ate? Bibili ka ba?" ay, s**t. Nakatulala lang pala ako dun. "Ahh, oo." Sagot ko. "Pabili ng salmon belly. Isang kilo." Ika ko sabay turo sa bibilhing isda. Agad naman itong tumalima at kinilo ang binili kong isda. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa bata. Parang nakita ko na kasi ito. Pamilyar na pamilyar yung mukha ng bata. Sigurado akong nakita ko na sya somewhere or nakilala ko na sya noon. Hindi siguro gaano kaclose dahil kung close kami, baka nakilala ko sya agad. "ate, ajsjkdhakhdkahdsjhajsdhaksdkjas---" ano daw? "Ate? Ate? Ito na, oh?" Inaabot na pala nya ang binili ko. I was staring so long. So rude. "Magkano?" "Three hundred," maikling sagot nya. Kumuha ako ng pera sa aking pitaka at iniabot ang five hundred pesos dito. Kumuha ulit ang bata ng sukli. Napaisip pa din ako kung saan ko sya nakita. Nasa malalaim akong pag-iisip ng may isang binatilyo ang nag-appear sa likod ng bata at nakangiting kumaway sa akin. Shit! Nakilala nya ako? Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung ano sya. Isa pala syang multo! Damn. Nakita nya akong nakita ko sya! I need to get out of here! "Sukli po," narinig kong sabi ng bata pero dahil sa pagmamadali ay bigla na akong kumaripas ng alis. Ugh! Iwas na iwas ako sa mga tao na makilala ako pero hindi ko maiwasan ang mga multo! Hay. Mabilis akong naglakad pauwi ng bahay. Walang lingon-likod ulit. Kainis! Hindi ko naman napansin agad na multo yung binatilyo. Eh, maayos naman yung mukha nya. Mukha naman kasing hindi multo kung hindi nagtama yung paningin namin. The eff! Nag-iba pa ako ng ruta kahit malapit na naman sana yung bahay. Ewan ko ba at dun ako dumaan sa mas malayong ruta na madadaanan pa ang GBS. Mas lumungkot tuloy ako dahil sa pagragasa ng mga alaala ng nakaraan. Yung mga time na isa pa akong sikat at magaling na artista ng GBS at hindi yung nabaliw na artista. I cleared my mind at pinilit na wag ng isipin ang mga nangyari noon para masave naman yung puso ko sa heartaches. Dahil na naman sa matinding pag-iisip, hindi ko namalayan na nasa pinangyarihan ako ng aksidente tatlong taon na ang nakakaraan. At ngayon ko lang narealize, itong mismong araw na pala to ang saktong pang-apat na taon ng aksidente. Four years na. Ang bilis ng araw. Napatigil ako sa kantong iyon kung saan nangyari yung aksidente. Isang taon na din na hindi ako nakadaan dito. Iniiwasan ko talagang pumunta pero hindi ko rin alam, dahil ang mapagbirong tadhana ay hindi nagkakamaling papuntahin ako dito kahit isang beses sa isang taon. Ngayon ngang anniversary ng aksidente na yun, nararamdaman ko na naman yung sakit ng nakaraan. Hindi ko maalala yung mga nangyari noon pero yung sakit ng mga pangyayari sa araw na iyon at simula ng pagkalugmok ko ay fresh na fresh pa rin. Maayos na ulit yung daan. Nakatayo na yung building, na isa palang condominium, na kung saan tumilapon yung sasakyan namin. Ang sabi sa news noon ay pagkatapos kong makabangga, may sumunod na truck kaya nabangga nya din yung van at yun na nga ang nangyari. Bumuntong-hininga ulit ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Makauwi na nga lang. "Boom!" Nagulat ako at muntikan ng mahulog ang lahat ng pinamili ko. "Sabi ko na nga ba ikaw yan!" Oh, Lord. Isa na namang multo. Isang lalake na malaki ang tyan at nalalagas na ang harapang buhok. Duguan ang mukha. Other than that, mukha naman syang normal na nanghaharass na multo. "Alam kong nakikita mo ako, Tala." Kilala nya ako? Oh my god! Natatakot na ako. First time 'to na may nakakilala sa pangalan ko na multo. Natarantang naglakad lang ulit ako. Pretending na wala talaga akong nakita. "Talaaaaa!!!" Gamit nya yung boses nyang sobrang lalim. Tumataas yung balahibo ko sa batok. Okay na sana, eh. Lusot na sana ako sa kanya kung hindi nya lang ako triny na hawakan. Hindi naman nya ako nahawakan, na dumapo yung hawak nya sa katawan ko, pero ng ginawa nya yun may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko maintindihan dahil sa ibang multo naman nasanay na ako na mapasinghap paghinahawakan nila ako. Pero sa mamang nalalagas ang buhok, para akong nagkaroon ng pangitain. "Talaaa..." Hindi yata naramdaman ni mamang nalalagas ang buhok yung naramdaman ko kanina at tinatry na nya naman akong hawakan. Mas natakot ako. Ano bang ginagawa nya sa akin? Patakbo akong lumayo dito. "Talaaa..." sumusunod pa din sya sa akin! Waaahhh!!!! Walang pakialam na nagtatakbo na ako sa daan kaya hindi naiwasang may nabangga ako. "What the... Are you friggin' blind?" Reklamo ng babaeng nakabangga ko. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa kanya dahil kung hindi masusubsob ako sa daan. "Sorry, miss. Sorry talaga." Hinging tawad ko. Napagmasdan kong mabuti ang kaanyuan nya. Isa sya sa mga pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. Brown hair, medyo chinita, brown eyes at ang kinis ng mukha nya. Sexy! "Okay... Just—get off of me!" angil nito. Bigla kong narealize na nakahawak pa pala ako sa kanya. Kaya binitiwan ko na sya. "Talaaaa!!!" Nandyan pa pala yung multo. Napakapit na naman tuloy ako ng mahigpit sa babae at napapikit. Oh god, ang kulit ni manong! "Hoy, miss! Ano ba?" reklamo ng babae. Nagulat ako. Hindi ko naman sinasadyang mapakapit sa kanya. Natatakot lang talaga ko dun sa mamang multo. "Sorry, miss." Bumitaw na ako ng tuluyan. Nahiya din kasi ako sa bango nya. Ugh! Nakaabala tuloy ako ng normal na tao. "Damn. Amoy isda. Ew." Narinig ko pang sabi nya bago ito sumakay sa kotse nyang nakapark lang pala sa tabi. Naiwan akong natulala dun. Narealize kong nawala na din yung multo. Nakahinga ako ng maluwag. "Ang ganda nya." Kausap ko sa sarili at inayos ang mga pinamili ko. "Suplada lang." Dagdag ko pa. "May pa ew ew pa. Amoy isda daw... Amoy is---- halaaa!!! Ang isda!" Patay ako. Tumakbo na akong umuwi ng bahay. Patay talaga ako kay Tiya Ling nito! +++ "Bata ka. Aba't bakit sobrang tagal mo?" bungad ni Tiya pag-uwi ko ng bahay. Naku, patay. "Ah eh, Tiya... Ano po kasi may ti-tinulungan akong pusang tumawid sa kalsada." Anong klaseng rason yun? Tanga ko! Nagdududa syang nakatingin sa akin. "Bakit mukha kang snatcher? Nakasumbrero ka pa at mask." Tanong nya. Napakagat-labi akong tinanggal ang aking disguise. "May ubo po kasi ako Tiya. Ayoko lang po makahawa." Palusot.com. "Hala, sya sige. Akin na mga pinamili mo." Inabot ko na dito ang mga nabili ko at hinay-hinay na umiskapo. Malapit na sana akong maligtas ng tinawag ulit ako ni Tiya Ling. "P-po?" "Oops, saan ang sukli?" Hala. Saan ba yung sukli? Ay. Ay. "Tiya---" "Ano? Tala, wag mong sabihing---" napagdaop ko ang mga palad at nagmamakaawang nakatingin sa kanya. "Nakalimutan ko po." Mapapatay na siguro ako ng Tiya ko? Err. "Babalikan ko na po, Tiya." Agad kong sabi. "Sorry po." Narinig ko ang buntong hininga nya. "S-sige po... Alis na po ako." Tsaka tumalikod na dito. "Tala," ayan na. Papaluin na ba nya ba ako? "Po?" "Bumili ka na din ng gamot mo sa ubo." Natigilan ako. Ang bait pa rin ng Tiya ko sa akin. "Hala, humayo ka na." Untag nya sa akin. "O-okay po. Salamat, Tiya." Ngumiti muna ako sa kanya bago ako umalis. Wala naman itong reaction at binitbit na sa kusina ang pinamili ko. Atleast gumaan ang loob ko nangyari. Na kahit andami kong nagawang kapalpakan, na minsan sumusubok sa pasensya nya, hindi naman nya ako pinapabayaan o ginugutom. Bumalik ulit ako sa palengke para kunin yung sukli ko. Suot ko ulit yung sombrero at mask. Sa pagkakatanda ko, sa batang binilhan ko ng isda ko naiwan yung sukli. Nadaanan ko ulit yung aleng multo na nakatitig pa din dun sa chubby na naghihiwa ng karne.Isinawalang bahala ko na lang ang nakita at bumalik sa isdaan. Mabilis kong nahanap yung stall ng bata at nakataas ang kilay na nakatingin ito sa akin. "Sukli mo," abot nya sa akin ng nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Magpapasalamat na sana ako ng lumitaw na naman yung binatilyo. Kagaya kanina, nakangiting kumaway ulit ito. Kunwaring hindi ko 'to nakita. "S-salamat," sagot ko sa bata na nawiweirduhan na nakatingin sa akin. Alam ko, baliw na din ang tingin nya sa akin o whatever. Hindi ko sya masisisi. Agad akong umalis doon at umuwi sa bahay. Mabilis lang akong nakarating dahil hindi na ako nagpadistract sa mga multong nakikita ko at malapit lang naman talaga ang bahay sa palengke pero ewan ko kung bakit sa kabilang daan ako dumaan kanina. Napahamak pa tuloy ako. Iniwan ko ang sukli sa mesa gaya ng sabi ni Tiya dahil nasa CR ito at naliligo pagdating ko. Agad akong umakyat sa rooftop. Umupo ako sa wooden na bench na nilagay ko dun para pagtumambay ako, may uupuan ako. May nakahanda ding malaking payong, panglaban sa sobrang init at ulan. Humiga ako sa bench para pagmasdan ang langit. Kahit sa pamamagitan nun ay marelax ako. Nasa ganoon akong posisyon ng lumipad na naman ang aking isipan sa nangyari kanina. Sino kaya yung mamang multo? Bakit nya ako kilala? Hindi ako sigurado kung kilala ko ito pero ngayon ko lang din sya nakita.Pero bakit nga kilala nya ako? Wala pang multong tumawag sa pangalan ko. Sya pa lang. Sino kaya sya? Ah, ang sakit sa ulo pero hindi ko kayang hindi pwedeng isipin. Lalo pa nung hinawakan nya ako at nakakita ako ng saglit na pangitain pero nakakapanghina din at nakakatakot yung pakiramdam. Hindi ko talaga maipaliwanag pero mas nakakatakot yung nangyari sa encounter namin. Hay. Tsaka yung babae. Yung babaeng masungit. Maganda sana ngunit masungit pero bakit ko naman sya iniisip? Hmm... Bakit nga ba? Tinatanong ko ang aking isipan ng biglang parang may bombilyang umilaw sa taas ng ulo ko. Kanina kasi, tinatatakot ako nung mamang multo tapos nabangga ko yung babaeng masungit. Nang mabangga ko sya'y nawala yung mamang multo. Tapos nung binitiwan ko yung masungit na babae, tinakot ulit ako ng multo pero nung napahawak ulit ako sa masungit na babae... bam! Napaayos ako ng upo. I think, nahanap ko na ang magliligtas sa akin sa mga multo! Pero s**t, tama kaya ang hinala ko? Nakagat ko ang kuko ko sa hinlalaki. Ganun ako minsan pag nag-iisip. Kung tama man ang nasa isip ko, paano ko sya makikita ulit? Naisip ko ng abangan sya dun kung saan kami nagkasalubong pero naisip ko din na baka bumisita lang sya dun. At hindi ko pa nalaman ang pangalan nya! Ah, ang laki ng mundo! Hopeless! Nawalan na naman ako ng pag-asa. Frustrated akong nahiga na lang ulit sa bench. "Hay..." Napapikit ako. Sumasakit ang ulo ko sa mga iniisip. Hopeless na hopeless na ako. Makatingin na lang nga sa ulap ng marelax naman ako. Iminulat ko ang aking mga mata para lang magulat. Nandyan na naman yung binatilyong multo na nasa likod ng batang tindera kanina, kumakaway at nakangiti. "Naman, oh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD