TNT 1: Ang Tala

1750 Words
TALA "AND THE winner for best actress 2013," sobrang kabado akong nakayuko at nanalangin. "Tala Ligaya for Aswang sa kandungan!" Ang lapad ng ngiti ko ng marinig ko ang aking pangalan. Lahat na ay nagpapalakpakan at nagcongratulate ang mga katabi kong artista sa akin. I deserved this award. I worked hard to get this award! Tatayo na sana ako ng biglang may multong umupo sa aking kandungan! "Aaahhhh!" Pabalikwas akong nagising. Gulat na gulat ako. "Tala! Tala! Gumising ka na riyan!" Nariyan na naman pala ang aking alarm clock. Ang aking tiyahin. "Gising na po ako. Sandali." Bumangon ako at pinagbuksan ito ng pinto. "Naku, bata ka! Ang dungis mo! Mukha ka ng aswang!" As usual, hindi na naman ako nakatulog kagabi. Binisita na naman kasi ako ng mga multo. "Hala't umayos ka na dyan. Kumain ka na ng agahan tapos ituloy mo ng linisin yung hindi mo natapos kahapon. Mabuti na nga lang at hindi pa lumipat yung bagong boarder!" "Pero Tiya---" sasabihin ko pa sanang may multo doon pero-- "Magmadali ka na, Tala. Wag ka na namang magsasalita ng walang kwentang bagay. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na walang multo dine. Umayos ka. Hala, sige na!" Tsaka ito umalis. Ilang beses ko na ding sinabi kay Tiya na nakakakita nga ako ng multo pero hindi ito naniniwala. Kagaya ng karamihan, ang tingin nya sa akin ay nababaliw na din. Hindi nya lang ako kayang i-let go kasi pamangkin nya pa din ako. Kapatid ni Tiya Ling ang nanay kong pumanaw noong pinanganak nya ako. Ang tatay ko naman ay namatay na din bago pa ako ipanganak. Kaya sila na ang naging pamilya ko. Hindi naniniwala si Tiya na may multo sa boarding house kasi hindi naman nagpapakita yung multo sa kahit na sino kundi sa akin lang. Oo, may naririnig silang mga kalabog pero hindi sapat para maniwala silang multo yun. Minsan nga pinagbibintangan pa akong ako daw ang nananakot. Tinapos ko na ang pagdadrama at naghilamos muna bago bumaba ulit at maglinis sa kwartong iyon. Sa awa ng Diyos ay natapos ko ding linisin ang kwartong pinagbabahayan ng masungit na multo. Pinahirapan na naman nya ako pero wala akong nagawa dahil malilintikan ako sa aking tiyahin kung hindi ko susundin ang pinag-uutos nya. Nagkunwari akong hindi ko sya nakikita kahit halatang nanginginig ang buong katawan ko. At mabuti na lamang puro salita lang ito at hindi ako ginalaw. Nananakot lang talaga sya. Parang lasing na umakyat ako sa aking kwarto sa rooftop. Ang katawan ko'y pagod na pagod na sa mga multong wala ng ginawa kundi takutin ako. Ayaw ko silang makita ngunit hindi ko naman kayang hindi sila makita. Bukas na bukas ang aking 3rd eye. So far naman hindi nila ako sinasaktan physically, I mean yung mga multong nakikita ko. Nananakot lang talaga. Napabuntong hininga akong napaupo sa aking kama ng mahagip ng aking mga mata ang isang poster na naroon. Isang maganda at sobrang sayang dilag. May hawak ng volleyball ball na kanyang iniendorso. Nagniningning ang kanyang mga mata at halatang masaya ito sa ginagawa. Bumuntong hininga ulit ako ng makita sa baba ang lagdang naroon. Tala Ligaya. Basa ng aking isipan sa lagda at pasalamapak na nahiga. Pinahid ang butil ng luha na tumulo mula sa aking mga mata. Tatlong taon. Tatlong taon na ang nakaraan ng mawala sa akin ang lahat ng aking pinaghirapan. Tatlong taon na din akong ganito. Nakakakita ng multo. Isa ako sa mga pinakamagaling na artista tatlong taon na nakakaraan. Labing walong taon lang ako noon at nasungkit ko na ang mga best actress awards sa industriya. Masasabi kong nasa akin na ang lahat kahit pa nga wala na akong pamilya. Balik tayo sa drama ko kanina. Yun nga, ulila na akong lubos magmula pa noong bata ako. Larawan na lang ng aking mga magulang ang meron ako. Ang tiyuhin at tiyahin ko na ang kumupkop sa akin. Naging mabuti naman ako sa kanila at sila sa akin. Yun nga lang ay nagbago ang trato ng aking tiyahin sa akin dahil sa pagkamatay ng aking tiyuhin na sa akin nya sinisisi. Naaksidente ako, kami, tatlong taon na ang nakakaraan. Magkasama kami ng tiyuhin ko ng maganap ang aksidente. Ako ang nagmamaneho at dun na nga nagkaroon ng aksidente. Sa totoo lang, hindi ko makwento dahil hindi ko na din matandaan kung anong nangyari nung mga oras na yun. Ang sabi ng doctor ay nagkaroon ako ng lacunar amnesia. Kusang kinalimutan ng aking isipan ang mga nangyari sa aksidenteng yun. Ang masakit pa, yung particular lang na araw na yun ang nakalimutan ko which tatlong taon ko ng gustong matandaan dahil binabagabag ako ng aking konsensya sa nangyari sa aking tiyuhin. Ang natatandaan ko lang sa pahapyaw na kwento ng aking tiyahin ay nagakaroon ako ng head injury at nacomatose ako ng limang araw pagkatapos nun, dun na daw ako nag-iba. Sinubukan kong bumangon ng panahong iyon. Nagtuloy pa din nga ako sa pag-aartista pero hindi rin nagtagal sapagkat hindi ko na matapos-tapos ang aking mga eksena. Maya-maya kasi ay nakakakita ako ng mga multo. Takot na takot ako pero pinagtawanan lamang nila ako at hindi sila naniwala sa akin. Pinaratangan nila akong nagdodroga na sinakyan ng media at dun na unti-unting nasira ang career ko sa pag-aartista. Pinilit ko pa ding itaas ang pangalan ko ngunit tinalikuran na nila akong lahat. Doon ko din napagtanto na wala pala akong naging totoong kaibigan sa industriyang iyon. Lumabas lahat ang tunay nilang pagkatao ng lumaos ako. Maliban sa aking tiyahin na kahit galit sa akin ay kinupkop pa din ako. Yun nga lang, madalang na akong kausapin. Hindi na gaya noon. Close na close kami ng tiya ko dati pero dahil mas pinaniwalaan din nya ang mga chismis na hindi ko trinatrato ng maayos si Tiyo Con. May nakakita daw kasi na nag-aaway kami bago ang aksidente, na hindi ko matandaan. Ang sabi pa eh, pinagagalitan ko daw ang aking tiyuhin at wala akong utang na loob sa kanya. Basta-basta na lamang din daw akong nagfafire ng P.A. ng walang dahilan. b***h daw talaga ako at plastikan lang ang pakikitungo ko sa lahat at sa mga fans. Sirang-sira ang career ko dahil sa mga chismis at mga write-ups na yun. Alam ko na hindi ako plastic na tao pero ang hindi ko mapabulaanan ay nung pinagalitan ko ang Tiyo at pagfire sa P.A. ko dahil hindi ko nga maalala ang nagyari nung araw na yun. Pag nakikita na ako ng mga tao'y hindi na galak ang nakikita sa kanilang mga mata kundi panghuhusaga at para silang mga bubuyog na nagbubulungan, na alam na alam kong puro masasama at masasakit na salita naman ang kanilang ipinupukol sa akin. Sobrang nasaktan talaga ako sa nangyari. Sinisi ko ang aking sarili sa pagkakamaling aking nagawa. Kung sana'y hindi ako ang nagmaneho'y baka buhay pa ang aking tiyuhin at normal pa rin ang aking pamumuhay. Nagkaroon ako ng depression at sinubukang kitilin ang aking sarili. Ang sabi ko sa aking sarili ay para anupa't nabuhay ako tapos ganito ang aking mararanasan? Nasaan ang hustisya? Pati ang Diyos ay iniwan na ako. Nang gabing handa na akong tumalon mula sa rooftop ay nagulat ako sa nagpakitang hindi ko inaasahan. Sino? Ang aking ama't inang hinila ako sa aking tangkang pagpapakamatay. Ako ay kanilang pinangaralan at sinabihang wag ituloy ang aking balak. Pinapangako nila akong wag ko ng uulitin iyon at kahit na hindi ko na sila makikitang muli'y tandaan ko daw na mahal na mahal nila ako. Nagmakaawa akong isama na lamang nila ako at wag iwan ngunit hindi raw maaari dahil hindi pa tapos ang misyon ko sa buhay. Magtiwala lamang daw ako sa Panginoon at manalangin. Hindi ko malilimutan ang sabi ng aking Ina bago sila nawala sa aking paningin. Ang sabi nya'y, May dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ito sa iyo ngayon. Magtiwala ka lamang sa Kanya. Kaya kahit hirap na hirap na ako'y naghihintay pa rin ako sa 'dahilan' na yun ng Panginoon para sa akin. May naging magandang nangyari din naman kasi magmula ng nabuksan ang aking 3rd eye. Nakita ko ang aking mga magulang at nakasama kahit sa saglit na panahon lamang. Suminghot ako dahil puno na pala ng sipon ang aking ilong. "Ew," at nilait ko pa nga sarili ko. Basang-basa na din ng luha ang aking mukha. Umiiyak na pala ako. Inayos ko ang aking sarili, na ang ibig kong sabihin ay walang paking binugkos ang aking buhok at naghilamos. Tinignan ko muna ang sarili sa salamin para magulat lang sa nakita ko. "Nyay. Ako pala 'to," saad ko sa sarili, kasabay ng malalim na paghinga. "Akala ko multo." Nakakaiyak yung kachararat ko ngayon. Ang lalim na ng eyebags ko at ang putla putla ko na. Wala na akong ipinagkaiba sa mga multo. Matagal na din kasi akong hindi nakapagsalamin. Napabayaan ko na talaga ang aking sarili. Kasalanan kasi ng mga multo. Ayaw nila akong patulugin! Lagi nila akong ginagambala sa gabi. Laging nananakot. Hinawakan ko ang aking mukha at sinabing, "Maganda ka pa din. Tiwala lang." Sino-sino pa nga bang mag-eencourage kundi sarili ko lang din. "Magandang-maganda," Epal ng isang lalakeng swangit na multo na isa din sa mga nanghaharass sa akin. Ayan, meron nga pala akong isa pang hindi mamatay-matay na fan. Nagulat ako saglit ng makita ko din ito sa salamin pero nagkunwari akong hindi ako affected sa ginawa nya. "Ang ganda-ganda ng palalabs ko," dagdag pa ng multo. Hindi ko alam kung masusuka ako o ano. Kung may kakayahan lang akong saktan ang multo baka sinapak ko na sya. May mga panlaban naman ako sa kanila minsan pero hindi din nagtatagal. Panandaliang panlaban lang pero pasimple ko lang ding ginagawa dahil pag nalaman nilang nakikita ko sila, hindi nila ako titigilan. Trust me, I know what I'm saying. Malimit na silang dadalaw sa'yo at pati sa panaginip mo. Mas lalo ka nilang hindi patatahimikin! "Ang dumi naman ng salamin," litanya ko at tsaka ko kinuha ang holy water na nilagay ko sa lalagyan ng alcohol. Nakangiti pa din ang m******s na multo. Napangiti ako sa aking isipan habang sinabing, "Tignan natin ngayon kong sinong gaganda." Kung pwede ko lang sabihin yun out loud, sinabi ko na. Inisprayhan ko nga ang salamin ng Holy Water at habang pinupunasan ko ang salamin, nakita kong nagsisigaw na nawala ang m******s na multo. "Buti nga sa'yo," I mumbled tsaka palihim na ngumiti. Back to reality, bumuntong hininga ulit ako at bumaba na. Inutusan kasi ako ng tiya na pumunta sa palengke na mahigit isang taon ko ng hindi ginagawa. Ang buhay ko na kasi ay umiikot lamang sa boarding house at bahay na dahil iniiwasan ko nga ang mapag-usapan ng mga tao. Pero ngayon, wala akong choice. Ayaw ko ng maging masyadong pabigat kay Tiya Ling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD