ZAREH HINDI ko alam kung anong pwedeng maging reaction ko sa mga sinabi ni Tala. Hindi nya maalala ang nangyari ng araw ng aksidente apat na taon na ang nakakaraan. Paano naging possible yun? Ang nakakainis pa ay ang araw lang na yun ang hindi nya maalala. Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ako o maaawa dito. Nakakagalit din. Kasi alam mo yung muhing-muhi ka sa isang tao ng apat na taon tapos wala palang naaalala yung taong yun sa dahilan ng pagkamuhi mo. At isa pa, ang traydor na puso ko'y pilit na jinajustify ang pagkawala ng ala-ala ni Tala. Habang nagkwekwento si Tala kanina ay sinasabi ng isip ko na maniwala ako dito. Na kung sino talaga ang maniniwala sa sinasabi ni Tala ay dapat ako yun kasi ako ang kanyang masugid na tagahanga. Na alam ko kung sino ang totoong Tala. Alam kong

