TALA PANAGINIP. Panaginip lang pala ang lahat ng yun. Akala ko totoo talagang sinasakal na ako ng multo. Mabuti na lamang ay dumating si Zareh. Utang ko na naman ang buhay ko sa kanya. Lagi na lang itong dumadating sa oras na kailangan ko ng tulong. Maawain pa rin talaga ang Diyos sa akin. "Salamat, Zareh. Salamat." Nakayakap pa rin ako ng mahigpit sa kanya. Nung una, parang nagulat ito sa ginawa ko at naramdaman ko ang pagtigas ng katawan nya pero dahil sa sobrang thankful talaga ako at dumating sya'y hindi ko sya mabitiwan. Maya-maya nga ay naramdaman ko ang pagrelax nito at hinagod-hagod ako sa aking likod. Humahagulhol na kasi ako. Takot na takot talaga ako. Kahit pa masakit ang pagkakasampal sa akin ni Zareh, okay lang sa akin. Atleast nagising ako sa masamang panaginip na yun.

