TALA KAGAYA ng sinabi ni Silver. Wala nga akong katabi. Pero sigurado akong may umubo kanina. Hay, naku. Malamang multo na naman yun. Kaya nga pinaka-hate at iwas-iwasan kong mapunta sa ospital kasi mas maraming multo dito. Bukod sa marami sa sementeryo, mas malala ang mga multo dito sa ospital. Dito ka kasi makakakita ng mga fresh dedo. As in yung mga galit na galit kasi bago pa sila namatay. "Anong nangyari sa'yo, Tala?" "Ha?" Ano bang nangyari sa akin? "Namumutla ka kasi." Sagot ni Silver. "W-wala 'to. G-gutom lang siguro." Ayokong takutin si Silver kaya sasarilinin ko na lang 'to. "Sige, bibili muna ako ng pagkain." Kitang-kita ko ang pagtataka nito pero hindi naman ito nagtanong ulit. Weird na nga siguro ang tingin nya sa akin dahil nga sinabi ko kaninang may katabi ako. "Tala

