TALA NAGISING ako. Sa isang maputing-maputing kwarto. Medyo blur pa rin ang paningin ko at medyo masakit ang aking buong katawan. Anong nangyari? tanong ko sa isipan. Nasa ganun akong pag-iisip ng may lumitaw na grey haired girl sa aking paningin. May sinasabi ito pero hindi ko maintindihan o marinig. Nabingi na din ba ako? Akma itong aalis ng pigilan ko ito at hawakan sa kamay. "T-teka.. nasa langit na ba ako?" tanong ko dito na ikinangiti ng babae. "Yan din tinanong mo sa akin last time." Ayan, naririnig ko na sya. Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya. "Anghel ka ba?" Mas lalo syang napangiti sa tanong ko. "Hindi po... at wala ka pa sa langit. Nasa ospital ka pa. Sandali ha, tatawag ako ng nurse," sabi nya tsaka ako naiwang nakatulala doon. Ang ganda kasi ni ate. Akala ko tu

